AUTUMN'S POV
"I think tapos na tayo para sa araw na to" Sabi ko kay Thunder at nagligpit naman na kami ng gamit
"Kamusta?" tanong ni Thunder
"Huh? Anong kamusta?" tanong ko
"Kamusta ka? Nakita mo na siya...Si Winter?" paglinaw niya
"Lalo siyang gumanda...kaso nga lang tumahimik siya" Sagot ko bago siya tignan "wala na yung madaldal na Winter na nakilala ko"
"Nagtaka ka pa? Eh sinira mo siya" Sabi niya
"Nag-sorry ako...Multiple times" Sabi ko
"Pero sa tingin ko, deserve ko din naman" dagdag ko
"Okay lang yan tol" Sabi niya at inakbayan ako
"Wag kang mag-alala, hanggang ngayon team Wintumn pa rin ako" dagdag niya
"Huh? Anong Win...Win...What?!" tanong ko habang nakakunot noo
"Wintumn. Winter plus Autumn equals Wintumn" Sagot niya at napatango-tango na lang ako
Maya-maya pa ay umuwi na ako sa condo ko;
"Hi Winter" bati ko
"Hi Aku! Hi Miracle!" bati ko pa sa sunod na dalawang aso
Si Winter the dog ay isang shih tzu, si Aku naman ay isang Pomeranian, habang si Miracle naman ay isang bichon Frise
At Oo, ang mga pangalan ng aso ko ay galing sa pangalan ni Winter. Actually, balak ko pang bumili ng dalawang aso para tuluyan nang mabuo ang pangalan ni Winter
"Did you miss me?" tanong ko at nilagyan ko naman na ng mga pagkain ang lalagyanan nila
"Alam niyo ba? Nakita ko ang mommy niyo" kuwento ko sa kanila
"Lalo siyang gumanda, kaso lang...nag-iba na siya eh" Sabi ko at tumahol naman si Aku
"Oo, nag iba na siya" Sabi ko kay Aku at sunod namang tumahol si Winter
"Oo na. Kasalanan ko na" Sabi ko kay Winter
"Pero wag kayong mag-alala, gagawin ko lahat para magbati kami" Sabi ko at tumahol naman si Miracle
"Fighting!" Sabi ko at tumahol naman silang tatlo
"I love you" muli naman silang tumahol para sagutin iyon na ikinangiti ko
"Para kang baliw" bungad sa'kin ni Jaydee at tinahulan naman siya nung tatlo
"Chill...Joke lang" Sabi ni Jaydee at pinagpatuloy naman na nung tatlo ang pagkain
"Balita ko...Nagkita na kayo ni Winter?" tanong niya
"Okay lang, masaya kahit na ang sungit niya" Sagot ko
"Hahahaha! Tol, nagtaka ka pa eh talagang susungitan ka nun" sabi nito "Eh halos isumpa ka na nga nun dati"
"Talaga?" tanong ko at tumango naman siya bago umupo sa tabi ko
"Pero wag kang mag-alala. Tutulungan kita—namin, tutulungan ka namin" Sabi niya
"Salamat" Sabi ko at tumahol naman yung tatlo na ikinatawa namin ni Jaydee
Kinabukasan habang nasa site ay panay ang tingin ko sa paligid, nagbabakasakali na makita si Winter pero sa dami ng mga nakapalibot na Nurse na babae dito ay hindi ko makita kung nakadaan na ba siya o hindi pa
"Guwapo ko talaga" Sabi ni Thunder habang nakatingin sa mga nurse sa likuran namin
"Gago" Sabi ko at bahagyang tumawa
BINABASA MO ANG
Chasing Winter
Novela Juvenil[READ CHASING AUTUMN FIRST, THIS IS THE BOOK 2] Sixteen years had past in their lives and there is no denying the changes that have taken place in their looks, posture and status in life. Obviously, the same goes for their relationships. Can Autumn...