CHAPTER 47: SEBASTIAN'S EXPLANATION

15 8 0
                                    

AUTUMN'S POV

Grade Six. Panay pa din ang sunod ni Winter sa pesteng lalaking iyon

"Hoy! Autumn, nakabusangot ka na naman diyan" sabi ni Jaycee pero wala akong pakialam dahil ang atensyon ko ay nakatuon lamang kay Winter at dun sa pesteng lalaking iyon

akala mo kung sino mukha namang basura, tsk!

"selos ka ba?" tanong ni Enzo matapos lingunin si Winter at Zach

"Hindi ah" sabi ko "di hamak naman na mas guwapo ako diyan kay Zach" dagdag ko

"eh ano namang pinuputok ng buchi mo diyan?" tanong ni Jaycee

"eh kasi bakit ganiyang lalaki ang hinahabol ni Winter, bukod sa mukha ng basura ang pangit pa ng ugali" sagot ko at natawa naman sila dahil sa sinabi ko

"buwesit ka, lumabas yung chuckie sa ilong ko" sabi ni Jaydee at inabutan naman siya ni Jaycee ng tissue

"Edi agawin mo" sabi ni Enzo "for sure, sisiw na lang yan sayo" dagdag nito

"puwede ren" sagot ko bilang pagsang-ayon pero matagal ko na talagang gustong gawin

During Second Quarter ay sinimulan na naming magkakaibigan ang plano na agawin si Winter kay Zach

Habang hinahanap si Winter sa kung saan mang hallway ay panay naman ang bangayan nung kambal. Ewan ko ba diyan sa dalawang yan.

"sabing ayaw ko eh!" rinig naming sigaw mula sa susunod na hallway kaya napatigil yung kambal sa pagbabangayan at nagkatinginan naman kaming apat bago pinuntahan ang hallway na iyon

"Kailan ka ba titigil!" nakita naman namin kung paano sinigaw ni Zach ang mga salitang iyon kay Winter

"buwesit" rinig naming singhal niya bago tinulak si Winter at naglakad na palayo

Agad ko namang nilapitan si Winter para tulungan siya na tumayo dahil sa napa-upo ito ng itulak siya ni Zach

"okay ka lang ba?" tanong ko habang pinapagpag ang kamay niya at akma ko namang papagpagin ang pang-upo niya ng biglang hawakan ni Jaydee ang kamay ko at masama akong tinignan habang nailing

"wag kang manyak" bulong niya sa'kin

"ang bobo mo" rinig kong bulong ni Enzo

"yeah" sagot nito sa'kin

umayos naman ako ng tayo para mapantayan ang mukha niya. napansin ko naman ang pag-iwas niya sa tingin ko

"Magpakilala ka" napatingin naman ako sa mga kaibigan ko dahil dun

"huh?" paglabi ko "magpakilala ka" sabi nila

"Autumn" ani ko at tinignan naman niya ako at dun na nagtama ang mga tingin namin

"Winter" ani niya sa isang mahina pero malumanay na boses

Inilahad naman niya kamay niya at agad ko naman itong tinanggap niya

"Iwan mo na yung gagong yun" sabi ko at nakita ko naman ang gulat sa mukha niya

"nagmura ka" sabi niya at napakamot naman sa mga ulo nila ang kaibigan ko

"It's an expression to describe that fucker" sabi ko "yung ganoong lalaki" panimula ko

"hindi dapat hinahabol iyon, kasi hindi magandang tignan para sa isang babae na katulad mo"

Chasing WinterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon