CHAPTER 66: MARRIED

55 8 2
                                    

AUTUMN'S POV

Makalipas ang ilang minuto ay naisipan ko nang puntahan si Winter. Matapos kong magtanong-tanong kung nasaan siya ay agad akong pumunta sa 17th floor ng hospital kung saan nandun ang conference room nang neurosurgery facility

Nang marating ko ang floor na yun ay agad na nagtama ang mga tingin namin ni Winter at hindi ko naman maiwasan ang matakot nang lapitan ako ng iritado niyang bulto

"Stop your self-proclaimed fucking girlfriend..." Sabi nito bago lingunin ang babae na nasa likuran niya bago ako muling tignan

"Kasi pag ako napuno, tatanggalan ko yan ng balat sa mukha" pagtapos nito bago umalis sa harap ko

"Girlfriend?" tanong ko habang nakatingin sa babaeng tinuturo niya na girlfriend ko

Hinabol ko naman si Winter at nang maabutan ko siya ay agad kong hinablot ang pulsuhan niya at hinarap siya sa'kin

"Anong ginagawa mo?" tanong niya nang isandal ko siya sa pader at ikulong siya sa pagsandal ng kamay ko sa may gilid niya

"Paano kung sabihin kong girlfriend ko nga siya. Anong gagawin mo?" tanong ko hoping na sabihin niya yung mga sinabi niya sa'kin tuwing nilalapitan ako ni Annalise dati

"I feel sorry for her" Sabi niya tsaka tumawa

"Pero wala akong gagawin" dagdag niya na ikinadismaya ko

"Bakit?" tanong ko habang direktang nakatingin sa mata niya

"Una dahil relasyon niyo yan" sagot nito at nangunot naman ang noo ko

Girlfriend? Relasyon? Eh tangina! Ngayon ko pa nga lang nakita yung babaeng yun eh

"Ano yung pangalawa?" tanong ko at hindi ko naman maiwasan ang mapatingin sa labi niya bago ibalik sa mga mata niyang direktang nakatingin sa'kin

"You're tempting me to kiss you right now, are you aware?" tanong ko "Kaya bago ko pa gawin yun, ano yung pangalawang dahilan"

"I have a relationship of my own" sagot niya dahilan para maestatwa ako

Itinulak naman niya ako bago umalis sa harap ko at iwan akong nakatayo at tulala sa naglalakad niyang bulto

"May boyfriend na siya?" hindi makapaniwalang tanong ko sa sarili

Agad naman akong bumaba at pumunta sa site ng Tatiana's café, nang marating ko yun ay hindi na muna ako pumasok at tinawagan na muna si kuya

"Hello..." masayang bati niya sa kabilang linya

"Why the hell didn't you tell me na may boyfriend na pala si Winter?!" pabulyaw na tanong ko

"Ano?!" tanong niya

"Si Winter. She just fucking told me na she's in a relationship and then fucking leave me" Sabi ko

"Hahahahahaha! Sigurado ka bang si Winter ang nakausap mo?" tanong niya habang tumatawa

"Wala naman siyang kakambal hindi ba?" galit na tanong ko habang palakad-lakad

"Are you sure you have been with her in the past sixteen years?" tanong ko

"Yeah...but not 24/7 dahil kasama ko si Abi, which is my fiancé noong mga panahon na iyon" sagot niya

"Bakit naman kasi kailangan pang bantayan si Abi-"

"Dahil fiancé ko siya!" bulyaw nito "Alam mo ikaw, tangina mo ka eh. Reklamador kang hayop ka, edi sana kasi diba! Hindi mo siya ginago! Para ikaw ang nakasama niya 24/7 noon hanggang ngayon! Hindi yung sa'kin ka nagrereklamo ngayong kingina mong hayop ka!" galit na bulyaw niya sa kabilang linya

"Oo na. sige na. Tatanungin ko na lang si Thunder, sorry na" Sabi ko

"Forgiven. Bye" Sabi niya at agad akong binabaan

Huminga naman na muna ako ng malalim bago nilapitan si Thunder na tinitignan ang blueprint ng site;

"Kamusta?" tanong niya nang makalapit ako sa kaniya

"She just told me that she's in a relationship" sagot ko at napatingin naman sa'kin si Thunder

"Is it true?" tanong ko

"Well...Oo" sagot nito at napahilamos naman ako sa mukha ko

"Eh ano naman kung may boyfriend na siya? Would it stop you from pursuing her?" tanong niya

"Of course not. Nasa boyfriend and Girlfriend stage palang sila, hindi pa kasal. Kaya puwede pang magbago ang isip ni Winter..."

"Pero sure ka bang...hindi pa sila kasal? Kasi baka nung hindi kayo magkasama kinasal na pala siya?" tanong ko

"Baka nga" sagot niya at sinuntok ko naman ang braso niya

"Aray!" daing niya at agad na sinapo ang braso

"Mag-isip ka nga, Autumn at makinig nang maayos. Ang sabi ko 'Baka nga' pero hindi naman ako sure" Sabi niya at huminahon naman ako

"Tsaka...kung talagang kasal na si Winter, edi dapat iba na yung last name niya" Sabi nito at napatango-tango naman ako at medyo nabuhayan

"May pag-asa pa ako" Sabi ko sa sarili

"Team Wintumn!" Sabi ni Thunder habang nakalahad ang kamao na nakakuyom na naging dahilan naman ng pagngiti ko

"Team Wintumn" Sabi ko at pinagdikit naman namin ang mga kamao namin

"Trabaho na ulit tayo" Sabi niya at tumango naman na ako at nagpatuloy na sa pagta-trabaho

Makalipas ang ilang oras ay hindi na namin namalayan na oras na pala para mag meryenda;

"Ang daming chix oh" Sabi ni Thunder kaya napalingon ako at nakita na maraming nurse ang nandito sa site

"Pabayaan mo sila" Sabi ko nang maibalik ko ang tingin sa kaniya

"Meryenda na tayo" Sabi niya at tumango naman ako pero nauna na siyang umalis sa site kasi meron pa akong kailangang gawin, at nang matapos iyon ay tsaka na ako umalis

Agad naman akong sinalubong nang mga bati at papuri na ngiti lang ang sinagot ko

"Puwede po ba naming makuha ang phone number mo?" tanong ng isang nurse sa harap ko

"I'm married" sagot ko

"What are you all doing here?!" isang boses ang naging dahilan nang paglingon nila at dun ko naman nakita si Winter

"Asking for a guy's phone number instead of doing your job" napayuko naman ang mga nurse dahil duon habang ako ay titig na titig lang kay Winter na ang gandang tignan ngayon na she's being dominant

"Get back to your duty" Sabi nito at agad namang nagsialisan ang mga nurse, pero ang nurse na nagtanong ng number ko ay napatigil nang hawakan ni Winter ang braso nito

"Did decency left your body?" tanong nito

"D-Doc..." ani nito

"Sa susunod...Hayaan mo ang lalaki ang humingi ng number mo, hindi yung ikaw yung hihingi ng number niya" Sabi ni Winter bago pinakawalan yung braso nung nurse kaya nakaalis na ito

"Selos ka?" tanong ko kaya napatingin siya sa'kin habang ang isang kilay ay nakataas "nagseselos ka ba kasi may mga babae na nakapalibot sa'kin? At yung isa naman ay hinihingi ang number ko?" tanong ko

"First of all, it is not something to be proud of..." panimula nito

"Because there might be a patient needing them"

"And lastly. Kakasabi mo lang kanina, you're married. And yet you're here proud na may mga babaeng nagkakandarapa sayo and not to mention your girlfrein—KABIT na reklamadora"

"I pity your wife" dagdag nito

"Winter!" sigaw ng isang baritonong boses na naging dahilan ng paglingon ni Winter

"Charles..." ani ni Winter at nilapitan naman siya ni Charles

"Tara" ani nito at tumango naman si Winter bago sila umalis dalawa

Si Charles ba ang boyfriend niya?

Chasing WinterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon