AUTUMN'S POV
"Wow!" manghang ani Justice habang natingin sa paligid nang nasa mismong loob na kami ng Amusement Park.
Tinignan ko naman si Winter at napangiti nang makitang masaya siya dahil masaya din si Justice.
Hindi pa rin talaga siya nagbabago, mahalaga pa rin sa kaniya ang kasiyahan ng ibang tao.
"Dun tayo" sabi ko habang nakaturo sa Ferris wheel at nasapo ko naman ang tiyan ko nang sikuhin ako ni Winter.
"Baliw ka ba?" pabulong na tanong niya sa'kin.
"Bakit?" tanong ko pabalik at bigla ko namang naalala yung nangyari dati nang sumakay kami sa Ferris Wheel. "Bakit? Ano bang meron? Eh sasakay lang naman tayo" patay-malisya kong tanong.
"Diba nga..." aniya at pinagpatuloy ko naman ang pagpapanggap ko na walang alam.
Sinusubukan ko si Winter, kasi kung talagang naka move on na siya pati yun syempre kakalimutan niya. "Diba nga ano?" tanong ko habang nakangisi na ikinainis naman niya.
"Never mind" sagot niya at pinalibot na ang mga kamay sa braso ni Justice kaya naman ganun na rin ang ginawa ko.
"Tara, Ferris Wheel" pag-aya ko at tumango naman si Justice habang si Winter naman ay masama ang tingin sa'kin. "Tara na" sabi ko at hinila na silang dalawa at mas hinigpitan pa ang pagkakahawak sa kamay ni Winter para hindi siya makawala.
Nang marating namin ang Ferris Wheel ay unang pumasok sa loob si Justice at sumunod si Winter pero bago pa siya makapasok ay sinipa na muna niya ako sa paa.
"Kingina..." mahina kong daing nang makapasok na siya sa loob.
Nang makapasok na din ako ay tumabi na ako kay Winter, nasa kaliwa niya si Justice habang ako naman ay nasa kanan niya. Humarap sa'kin si Winter at masama pa din ang tingin nito.
"Papatayin kita" sabi niya at hindi ko alam kung bakit pero bigla akong nakaramdam ng takot.
Siguro dahil sa sinabi niya? o dahil sa tingin na binibigay niya sa'kin?
"Ayan na!" masayang sabi ni Justice nang paandarin na yung Ferris wheel habang napahawak naman si Winter sa hita ko.
"Kingina" rinig kong ani Winter kaya naman hinawakan ko na ang kamay niya at hindi ko maiwasan ang mapangiti ng pagsaklupin niya ang mga kamay namin.
"Waaaaa ang ganda!" sigaw ni Justice habang nakatingin sa labas.
"Try mo tumingin" suhestiyon ko kay Winter at marahan naman siyang umiling habang hawak-hawak pa rin ang kamay ko. "Winter..." pagtawag ko sa atensyon nito at nang hindi niya ako tignan ay binalingan ko ng tingin si Justice at nakita na masaya ito habang muling tumataas ang Ferris Wheel.
Muli kong tinignan si Winter at nakita na nakayuko pa rin ang ulo nito at nakapikit ang mga mata. "Winter" ani ko pero nanatili pa rin na nakayuko ng ulo niya.
"Winter..." ani ko.
"What?!" tanong niya at inangatan na din ako ng tingin.
Nang mangyari yun ay agad kong pinaglapat ang mga labi namin at agad ding nilayo sa kaniya ng lingunin kami ni Justice.
"Autumn" ani Justice habang pinipilit ko ang sarili na hindi ngumiti dahil sa ginawa ko. "Ang ganda!"
"Hmmm! Ang ganda nga" nakangiti kong sabi at tumingin na din sa labas.
Habang nakatingin sa may ibaba ay napunta ang atensyon ko kay Winter na nakatignin na din dun habang magkasaklop pa rin ang mga kamay namin.
"Ganda ng view" sabi ko at nilingon naman ako ni Winter. "Mas gumanda lalo" sabi ko habang nakatingin sa mga mata niya.
Agad naman siyang umayos ng umupo at mahigpit ang hawak sa kamay ko habang nakatingin sa labas. Inilapit ko naman ang labi ko sa tenga niya bago nagsalita. "Namumula yung tenga mo" sabi ko at muli naman niya akong siniko kaya natawa na lang ako.
Nang matapos kami sa Ferris Wheel ay sinunod namin ang roller coaster at dun naman ako nagulat kay Winter, dahil kung kanina ay takot siyang sumakay sa Ferris Wheel ay tuwang-tuwa naman siya sa roller coaster.
"Isa pa! Isa pa!" masayang sabi ni Winter habang hawak-hawak ang kamay ko at nagtatatalon sa tuwa matapos namin sa roller coaster.
"No!" sabay na sagot namin ni Justice at agad na dumiretso sa banyo para sumuka.
"Ayaw ko na bumalik sa ride na yun" sabi ni Justice sa'kin at natawa na lang ako.
"Isa pa" pagmamaktol sa'min ni Winter at sa unang beses ay pinalayo ko na muna ito sa'min.
Matapos naming sumuka ni Justice ay binalikan na namin si Winter at naghanap na muli nang magagawa dito sa amusement park.
"Doon!" sabi ni Justice at tinuro ang mga bumper cars. "It looks fun, tara!" sabi niya at hinawakan ang mga pulsuhan namin ni Winter at hinila kami papunta dun.
Nang makasakay kami sa ride na yun ay hindi ko naman maiwasan ang maging masaya dahil sa ngiti at tawa ni Justice at Winter pero agad ding natigil nang makita ko ang side view profile nila parehas.
"Huh? Normal ba yun?" tanong ko sa sarili at nang muling tumagilid sina Justice at Winter ay muli ko na naman iyong nakita.
"Hoy!" sabi ni Winter matapos banggain ang sinasakyan ko.
"Ah ganiyan ang gusto mo ah" sabi ko at binangga ko naman ang sinasakyan niya at ang iniisip ko kanina ay binalewala ko na lang.
Nang matapos kami sa ride na yun ay nasundan pa ito ng ilang rides bago kami tuluyang napagod at nagutom.
"Hinay-hinay" sabi ni Winter kay Justice habang pinupunasan ang gilid ng labi nito na may ketchup dahil sa hotdog na kinakain namin.
"Hey..." ani ko at umupo sa tabi ni Winter.
Nang makaupo na ako ng tuluyuan ay nagulat naman ako ng punasan ako ni Winter gamit ang isang malinis na bimpo.
"What? Pawis ka na rin" sabi niya habang nakangiti.
"Thanks" nakangiti kong sabi bago halikan ang kamay niya.
Nang matapos kaming kumain ay naka tatlong rides at games pa kami bago naisipang umuwi.
"Wait! Iihi lang ako" sabi ni Justice bago tumakbo sa banyo.
"Hintayin ka namin dito!" sigaw ko at tumayo naman kami ni Winter sa gilid ng entrance ng amusement park.
"Hello" ani Winter kaya napatingin ako sa kaniya at nakita na may kausap ito sa cellphone. "I'm sorry, can't you wait? I'm with someone eh" tanong ni Winter sa kausap at napangiti naman ako nang magkatinginan kami.
Parehas at sabay naman kaming tumingin sa ibang direksyon at napahawak naman ako sa pisngi ko ng maramdaman na nag-init ito.
"Honey..." sabi ni Winter at yung limang letra na yun ang naging dahilan ng pagkawala ng ngiti sa labi ko at agad akong binalot ng selos.
BINABASA MO ANG
Chasing Winter
Teen Fiction[READ CHASING AUTUMN FIRST, THIS IS THE BOOK 2] Sixteen years had past in their lives and there is no denying the changes that have taken place in their looks, posture and status in life. Obviously, the same goes for their relationships. Can Autumn...
