CHAPTER 41: TITLE

19 9 0
                                    

WINTER'S POV

Habang ginagawa ang rounds ko ay bigla naman akong pinatawag ni tito Ace sa office niya

"tito?" ani ko bago pumasok sa opisina niya at bumungad sa'kin ang isang morenong lalaki na may kulay asul na balintanaw

"Hi good morning" bati ko sa kaniya ng makapasok sa loob ng opisina ni tito Ace

"Winter, this is engineer Asier Sullivan" pagpapakilala ni tito at agad naman kaming nagkamayan ni asier

"winter, winter stavros" sabi ko at bahagya naman siyang tumango

"so anong meron?" tanong ko ng maupo sa tapat na kinauupuan ni asier

"tutulong siya sa paggawa ng nung facility na gusto mo, hindi siya kakayanin ni autumn ng mag-isa lang" sagot nito at tumango naman ako

Nang makalabas kami ng opisina ni tito Ace ay inimbitahan naman niya akong mag lunch

"May boyfriend ka na ba?" tanong niya habang inaayos ko ang gamit ko sa loob ng opisina

"Huh?" tanong ko ng lingunin ko siya

"tinatanong ko lang kung may boyfriend ka na ba?" pag-ulit niya "ayokong may makaaway dahil sa niyaya kitang mag kumain" sabi niya

Boyfriend?

"I don't have one..." sagot ko

"that's good to hear then" sabi niya at inilahad naman niya ang braso niya at agad ko namang pinalibot ang kamay ko dun bago kami naglakad palayo sa opisina ko at palabas sa hospital

Nang marating na namin ang restaurant ni tita sally ay agad naman kaming pumasok at bumungad sa'kin si autumn na may kasamang ibang babae

hindi ako nagseselos...iniisip ko na lang baka katulad lang din namin ni asier na tungkol lang sa business yung pinunta nila

Nang makaupo na kami sa upuan at lamesa namin ay agad kaming binigyan ng menu

"what do you want?" tanong ni asier sa'kin

"ikaw na bahala diyan asier" sagot ko at umorder naman na si asier

"cheese pork cutlet with rose carbonara and..." hindi ko na masyadong narinig ang sinabi ni asier dahil sa mas inintindi ko yung pakiramdam na may nakatingin sa'kin

at alam kong si autumn yun

Nang makuha na namin ang order namin ay nagsimula naman na kami ni asier kumain at napagusapan na din namin ang plano kong mangyari  dun sa facility

"asier..." pagtawag ko atensyon niya na agad naman niyang binigay sa'kin

"hmm" ani niya

"can I go to restroom, mabilis lang ako" sabi ko at agad naman siyang tumango

Nang makatayo na ako ay agad akong pumasok sa loob ng comfort room

"shit!" singhal ko ng bumungad sa'kin si autumn sa labas ng restroom

"hi..." bati ko sa kaniya

"hi lang?" tanong niya bago inilapit ang mukha sa'kin kaya naman agad akong pinaglapat ang mga labi namin

"ngayon....who is that motherfucker?" tanong niya

"si engineer asier, makakasama mo siya sa paggawa ng bagong facility" sagot ko

"hindi ko kailangan ng tulong-"

"autumn.." pagputol ko sa sasabihin niya at humingin naman siya ng malalim

"fine...kailangan ko nga ng tulong" sabi niya bago ako niyakap

"there's nothing wrong in admitting you need help, hindi naman lahat ng bagay kakayanin mo ng ikaw lang mag-isa, okay?" sabi ko at tumango naman siya habang magkayakap pa rin ang mga katawan namin

Chasing WinterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon