CHAPTER 57: ENGINEER

156 14 0
                                    

16 years later...

AUTUMN'S POV

"Sir, we have arrived" sabi sa'kin ng butler ko at agad naman akong nag-inat bago tumingin sa bintana

Yeah...nasa pilipinas na nga ulit ako

Hinilot ko naman ang binti ko nang manakit muli ito. Sa loob ng labing-anim na taon ay wala akong ibang ginawa kundi ang mag-aral at...manatili sa House of Velez for punishment purpose, pinapalabas naman nila ako para magtrabaho pero may bantay pa ako nun

Kinuha ko naman ang cellphone ko nang tumunog ito;

"Nasaan ka na?" Tanong ni Kuya sa'kin

"Nasa eroplano pa din ako, pero nasa pilipinas na ako" sagot ko

"Hmmm, that's good to hear. Pasyensya na at hindi kita masusundo, busy kasi ako sa shop" sabi nito at humikab naman ako bago siya sagutin

"That's fine, kuya...its' no big deal" sagot ko

"Hey...meron akong kaibigan na nangangailangan ng engineer, suggest kita ha"

"Bakit ako?" tanong ko

"Ayaw mo? Sige...sabihan ko na lang si Winter-"

"Winter?! Nandito siya?" tanong ko bago napa-upo ng diretso sa kinauupuan ko dahil sa narinig ko

Habang nasa House of Velez ako, ay wala akong kahit na anong balita mula sa buhay sa labas kaya ganun na lang ang gulat ko nang malamang nandito si Winter

"Yeah, magpapagawa kasi siya ng Tatiana's Café sa hospital niya and naghahanap sila ng bagong engineer-"

"Doctor na siya?" nakangiting tanong ko, obviously proud sa naging achievements nito

"Yeah...a Neurosurgeon to be exact, magaling siya and kilalang-kilala siya sa field niya" sagot nito na mas nagpangiti sa'kin

Of course, she's Winter. Wala namang bagay na hindi niya kayang gawin

"I'll take it, your offer" sagot ko

"Yun! Sige, sabihan ko na si Winter. Bye" sabi nito

"Bye..." ani ko bago pinatay ang tawag

Napasandal naman ako sa kinauupuan ko habang nakangiti. I'll see her again...

WINTER'S POV

"Good evening po" bati sa'kin ng isang babae habang nakahawak sa handle ng wheelchair kung saan nakaupo ang isa pang babae

Magkaibigan ata sila?

"Good evening" bati ko at bahagyang niyuko ang ulo ko "Una na kayo" Sabi ko sa kanilang dalawa ng bumukas ang elevator

"Salamat po" Sabi nila at tinulak naman na nung babae yung wheelchair kung saan nakaupo ang kaibigan nito papasok sa elevator

At nang makapasok na sila ng tuluyan ay tsaka naman ako pumasok at sinara na yung elevator

"Anong floor kayo?" tanong ko

"8th floor po" sagot nito at pinindot ko naman na ang 8th floor button tsaka yung floor na pupuntahan ko

Nang marating ng elevator ang 8th floor ay lumabas naman na sila at nginitian ako at syempre ngumiti naman ako pabalik

"Hello" sagot ko sa phone ko ng tumunog ito

"Winter!" sigaw ni Doc Grayson sa kabilang linya

"Doc, bakit?" tanong ko

Chasing WinterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon