WINTER'S POV
"Good job, Doc" Sabi sa'kin ni Charles nang matapos ang isang oras na operasyon
"Meryenda na tayo?" tanong niya kaya napatigil ako at napatingin sa kaniya
"I mean kung gusto mo lang naman-" hindi ko na siya pinatapos at tumango na ako
"Hmm...sure. Let's go, pero magpalit na muna siguro tayo ng damit" Sabi ko at tumango naman siya bago kami naglakad papunta sa mga opisina namin at nagpalit na ng damit
Nang makapagpalit ay agad kaming dumiretso sa canteen ng hospital at dun na nag meryenda kasama sina Oshea at Doc Grayson. Sa totoo lang, masyado pang maaga para mag meryenda pero minsan lang kami mabakante kaya tama lang din na sumama ako para makapag-meryenda
"Kamusta naman ang pagiging fellow Oshea?" tanong ni Doc Grayson kay Oshea
"Okay lang naman po, masaya, mahirap pero kakayanin naman" Sagot ni Oshea
"Okay ka lang ba?" tanong ni Doc Grayson sa'kin
"Yeah..." ani ko at kumain na pero agad ding napahinto ng tumunog ang phone ko "Sandali lang" Sabi ko sa kanila tsaka sinagot ang phone ko
"Hello, nasaan ka?" tanong ni Storm sa kabilang linya
"Hospital, bakit?" sagot ko
"Saan sa hospital, nandito kasi ako" Sabi niya kaya agad akong napatayo at nagpaalam dun sa tatlo
"Una na ako" Sabi ko sa kanila bago tumakbo palabas ng canteen
"Nasaan ka?" tanong ko
"Site ng Tatiana's Café" Sagot niya kaya agad akong pumunta dun
"Nasaan ka ba?" tanong niya at huminto naman ako sa harap ng Tatiana's café kung saan nakita ko siyang nakatayo
"Nasa likod mo" sagot ko at nilingon naman niya ako kaya agad akong tumakbo papalapit sa kaniya at niyakap siya
"Na-miss kita" Sabi ko habang mahigpit na nakayakap sa kaniya
"Ako din" Sabi niya at pinaghiwalay naman niya ang mga katawan namin bago parehas na tinignan ang unti-unting nabubuong Tatiana's café
"Are you okay with this?" tanong ko
"Huh?" tanong niya bago ako tignan
"With this...you know, yung panliligaw ni Tito Kimon kay Theía, okay lang ba sa iyo yun?" tanong ko at tumango naman siya
(Theía means aunt in Greek)
"Hmm, Malaki naman na kami ni kuya to understand him. Though, gusto ko pa ding makilala ang tunay naming nanay" Sabi niya
"Kamusta puso mo? Masaya ba? O mag-isa pa din?" tanong niya
"Masaya naman, tsaka kailan pa naging dalawa ang puso ko?" Sagot at tanong ko na ikinatawa namin
"Pero hindi nga, seryosohan kasi Winter, may boyfriend ka na ba ngayon?" tanong niya and for some reason habang tinitignan ang Tatiana's café sa harapan namin ay bigla kong naalala ang mga nangyari sa panahong iyon...
...yung mga panahon na hindi ako nagsasawa at napapagod na habulin siya, yung mga panahon na mahal na mahal ko pa siya at nang dahil din dun ay nasaktan ako
"Wala..." ani ko "Wala akong boyfriend...wala na nga siguro akong balak magkaroon pa" dagdag ko
"Sigurado ka? Baka mamaya...kainin mo lang din yang sinasabi mo?" tanong niya
"Wala akong balak...for now, wala pa kasi akong nakikitang lalaki na papasa para sa'kin" Sagot ko
"Wala ba? O sadyang may hinihintay ka lang?" tanong niya kaya napatingin ako sa kaniya bago sinapak ang braso niya
"Aray!" daing niya habang sapo-sapo ang braso ko
"Ba't ba ang dami mong tanong? Halika na nga. Kailangan ko pang gawin yung rounds ko" Sabi ko at hinatid naman niya ako papasok sa hospital bago siya umalis
Habang nasa office, nagpapahinga ay hindi ko naman mapigilan ang isip ko na mag-isip ng mga bagay bagay
"Surprise!" sigaw ni Autumn habang nasa rooftop kami ng Tatiana's café
"Ano na naman ba to?" nakangiting tanong ko sa boyfriend ko
"Gusto ko kasing I-surprise yung Girlfriend ko? Well...na surprise ka ba?" tanong niya at tumango naman ako bago siya niyakap at hinalikan naman nito ang tuktok ng ulo ko
"Here" Sabi niya at pinagtulak ako ng upuan bago ako umupo duon
"I love you" Sabi ko
"I love you too" Sabi niya bago halikan ang labi ko
"Tama na!" sigaw ko bago umayos ng upo sa swivel chair na kinauupuan ko
"Winter..." ani sa labas at nang bumukas ang pinto ay bumungad sa'kin si Charles
"Charles, Bakit?" tanong ko at lumapit naman siya sa'kin at inabutan ako ng coffee
"Thanks" Sabi ko at may nilapag din siya na strawberry shortcake sa lamesa ko
"Hindi mo kasi natapos yung meryenda mo, kaya dinalhan na lang kita para may energy ka kung saka-sakaling magkaroon ng emergency operation" Sabi niya at napangiti naman ako dahil dun
"Salamat, Charles...sa lahat" Sabi ko at ngumiti naman ito
"You're always welcome" nakangiting sagot nito bago kinuha ang cellphone at sinagot ang tawag niya
"Hello" Sabi nito at kinain ko naman na ang bigay nito
"Sige, maghahanda na po kami" pinatay naman na nito ang tawag bago ako tignan
"Let me guess? Operation" Sabi ko at tumango naman siya
"Well, let's go" Inubos ko naman na muna ang pagkain ko bago kami lumabas sa opisina ko para makapaghanda na kami
Kailangan ko ding ma-busy para makalimutan lahat nang pinag-iiisip ko kanina
BINABASA MO ANG
Chasing Winter
Teen Fiction[READ CHASING AUTUMN FIRST, THIS IS THE BOOK 2] Sixteen years had past in their lives and there is no denying the changes that have taken place in their looks, posture and status in life. Obviously, the same goes for their relationships. Can Autumn...