WINTER'S POV
Matapos ang trabaho ay sinundo na kami ni Liam;
"Kamusta trabaho mo?" tanong ko sa kaniya
"Okay lang, daming meetings pero kakayanin naman, ayokong ma-disappoint si Daddy eh" Sabi niya
"Eh ikaw-" tatanungin ko na din sana si Oshea pero pagtingin ko sa likod ay tulog na ito
"Tulog na?" tanong ni Liam at tumango naman ako
"Siguro napagod" Sabi ko at tumango naman ito
Maya-maya pa ay nakauwi na kami sa bahay, buhat-buhat naman ni Liam si Oshea ng pumasok kami sa loob
"Anong nangyari?" bungad na tanong ni Tito Kimon
"Pagod na siya, Tito" Sabi ko at nagmano naman ako kay Tito Kimon
"Hi, daddy" bati ni Liam na nagmano na rin kay Tito Kimon nang mailapag si Oshea sa sofa
"Akyat na po ako" Sabi ko at habang nasa kalagitnaan ng pag-akyat sa hagdan ay napahinto ako ng tawagin ako ni Tito Kimon
"Po?" tanong ko at tinignan siya sa baba
"Kitain mo na daw yung engineer sabi ng theía Tatiana mo" Sabi nito at napakunot naman ako ng noo
(Theía means aunt in Greek)
"Kailangan ba talaga Tito? Eh nagagawa naman niya siguro nang maayos yung trabaho niya...tsaka Tito-"
"Ep! Wala nang rekla-reklamo" Sabi nito kaya napatigil ako sa pagsasalita
"You have to meet him, para makilala mo kung sino ang pinagkakatiwalaan mo sa paggawa sa Tatiana's Café" Sabi nito
"It's a him?" tanong ko bago napatingin kay Liam na nasa likuran ko
"See, this is one of the reason why you should meet the engineer para alam mo kung sino ang pinagkakatiwalaan mo, aba! Mahirap na" Sabi nito
"Naku Tito! Natuto na ako nuh" Sabi ko at tumango naman si Kimon
"I know hija, I know...Nakita pa nga kitang umiyak eh" Sabi nito "Magbihis ka na at kakain na tayo, nagluto si Storm" dagdag niya kaya agad na akong umakyat at pumunta sa kuwarto ko para magbihis
Nang makapagbihis ay agad akong pumunta sa baba para sabayan silang maghapunan
"Thunder..." pagtawag ko sa atensyon ni Thunder habang pinagsisilbihan ako ni Liam
"Ano yun?" tanong niya
"Nakilala mo na ba yung engineer na gumagawa dun sa Tatiana's café?" tanong ko
"Yes, actually last week pa, bakit?" sagot nito
"Oh! Tito, nakilala na pala ni Thunder, no need na po-"
"Hija..." sabad nito
"Okay po" mabilisang sabi ko
"Wala pa nga akong sinasabi, Okay po kaagad?" Sabi nito
"Eh Tito, pipilitin niyo lang din naman ako eh, kaya okay po" Sagot ko
"Bakit ba kasi ayaw mo na makilala yung engineer?" tanong ni Liam at tinignan ko naman siya
"I have my own valuable reason" sagot ko at nagpatuloy na sa pagkain
Kinabukasan ay agad na naging hectic ang schedule ko. Pagpasok na pagpasok ko ay meron na kaagad akong kailangang operahan kasama si Justice
"Good job" Sabi ko kay Justice nang makalabas kami ng operating room at naghugas na ng kamay
"Thanks, ikaw din Doc" Sabi nito at sabay naman na kaming naglakad palabas
![](https://img.wattpad.com/cover/212142296-288-k973555.jpg)
BINABASA MO ANG
Chasing Winter
Ficção Adolescente[READ CHASING AUTUMN FIRST, THIS IS THE BOOK 2] Sixteen years had past in their lives and there is no denying the changes that have taken place in their looks, posture and status in life. Obviously, the same goes for their relationships. Can Autumn...