GRAYSON'S POV
Matapos manganak ng asawa ko ay agad kong tinawagan si Oshea;
"Hello Oshea" sabi ko ng sagutin nito ang tawag. "I'm sorry nasa delivery room ako kanina, nasaan na siya?"
"Doc, nagkagulo dito kanina" pagkuwento nito na ikinapikit ko. "Umuwi na po si Doc Winter ngayon" sabi nito at tumango-tango naman ako.
Bumuntong hininga ako bago nagsalita. "Sige salamat, Oshea" sabi ko at pinatay na ang tawag.
"Putangina" ani ko dahil sa nangyari.
Kinabukasan ay nag-iwan ako ng note sa opisina ni Winter na first thing in the morning ay pumunta siya sa opisina ko.
Habang hinihintay si Winter sa opisina ko ay pumasok naman si Oshea;
"Oh bakit? May gulo na naman?" tanong ko sa kaniya.
"Wala po, pero mamaya na lang daw pong tanghali pupunta si Doc Winter. May emergency surgery po siya kasama si Doc Ace" sagot nito at tumango na lang ako bago siya lumabas.
Ginawa ko na lang ang rounds ko habang hinihintay na magtanghali, at maya-maya pa ay pumasok na si Winter sa opisina ko.
"Good afternoon" bati niya sa'kin at minuwestra ko naman siya na maupo.
"so parehas niyong gusto ni Ara maging assistant ko-"
"So, parehas niyong gusto ni Ara maging assistant ko-"
"Nauna na ako" sabad nito at pansin ko naman ang pag-usbong ng galit nito. "Tinanong mo ako and I've already said yes"
"Ang sabi niya mas maganda kung bibigyan natin ng chance ang mga baguhan na tulad niy-"
"Wala akong pakialam, decisions have been made" sagot nito na ikinaayos ko ng upo. "Ba't kailangan pa niyang kontrahin yun?" tanong nito bago tumayo at talikuran ako.
"Saan ka pupunta, Winter?!" tanong ko at napatayo na rin.
"Kung nasaan yung papatayin ko!" sagot niya at lumabas na ng opisina ko kaya agad akong sumunod dahil sa sinabi niya.
"Tell him, that the old Winter is long gone!" rinig kong sigaw nito kaya napatakbo ako sa direksyon na yun.
"And I can ruin everything that he has made without anyone paying me"
"Winter..." ani ko pero imbis na tumigil ay nagpatuloy lang siya sa paglalakad.
Pinalipas ko na muna ang ilang oras bago ko pinapunta si Ara at Winter sa opisina ko, pinasama ko na rin si Justice kasi base sa nakikita ko ay hindi masyadong nagiging bayolente si Winter tuwing kasama si Justice.
"Doc si Winter po yung naun-"
"Ara stop" sabad ko na ikinatigil nito sa pagsasalita. "Wala akong hinihinging explanation" sabi ko na ikinaupo nito nang ayos.
"Kalma ka lang" rinig kong boses ni Justice mula sa ilabas. "Wag kang sasabog ah" sabi pa nito bago buksan ang pintuan sa opisina ko.
"Puta-" at akmang sasapakin ni Winter si Ara ay napigilan ito ni Justice sa pagyakap sa kaniya.
"Sabi mo kakalma ka!" sabi ni Justice habang nakayakap kay Winter na agad ikinakalma nito. "Please sit down" aniya at naupo naman si Winter sa tabi ni Ara.
"So about this matter, napag-usapan namin ni Doc Ace ang gagawin" panimula ko bago sila tingnan na dalawa. "At napagkasundo namin na tayong tatlo na lang ang gagawa ng surgery kung..."
"Kung hindi kayo magbabangayan" sabi ko bago napatingin kay Justice.
"Okay na yun Winter" pagpapabuti nito sa loob ng Winter. "Panalo ka pa rin"
BINABASA MO ANG
Chasing Winter
Teen Fiction[READ CHASING AUTUMN FIRST, THIS IS THE BOOK 2] Sixteen years had past in their lives and there is no denying the changes that have taken place in their looks, posture and status in life. Obviously, the same goes for their relationships. Can Autumn...