CHAPTER 69: DATE

58 9 0
                                    

AUTUMN'S POV

Pero teka nga...si Doc Grayson ba ang boyfriend niya?

"Autumn, okay ka lang ba?" tanong sa'kin ni Doc Grayson kaya natauhan ako at tinignan siya

"Doc, are you married?" tanong ko sa kaniya at nagtataka naman akong tinignan ni Winter

"Wait lang sandali" sabi ni Doc at sinagot na muna ang tawag na natanggap

At habang hawak-hawak nito ang cellphone nito ay nakita ko naman ang singsing sa palasingsingan nito dahilan para mapatingin na rin ako sa daliri ni Winter at nakita na may singsing din dun at hindi lang isa, kundi dalawa!

They're married!

"Autumn" pagtawag sa'kin ni Doc Grayson

"Yes. I am married" sagot ni Doc Grayson bago tingnan si Winter at ngitian

"Okay ka na ba?" tanong sa'kin ni Winter

"Yeah" simpleng sagot ko bago tumayo at sabay naman na kaming tatlo na lumabas

"Una na kami Autumn" sabi ni Doc Grayson at umalis na kasama si Winter habang nakapalibot ang kamay sa beywang nito

Dumiretso naman na ako sa site at pinuntahan si Thunder;

"Okay ka na?" tanong niya at tumango naman ako

"I'll head home na, biglang sumakit yung pakiramdam ko" sabi ko at tumango naman siya

"Sige, ingat. Rest well" sabi niya at niligpit ko na muna ang gamit ko bago tuluyang umalis sa site at dumiretso na sa condo ko

Agad naman akong dumiretso sa kuwarto ko at humiga sa kama ko "Ahhhh!" sigaw ko at binato ang unan kung saan man dito sa kuwarto

"Estúpido hijo de puta!" bulyaw ko sa sarili ko

(Estúpido hijo de puta means you stupid motherfucker in Spanish)

Agad ko namang tinakpan ang mukha ko gamit ang palad ko at hindi na napigilan ang maiyak dahil sa katangahang ginawa ko

"She's married. She's fucking married!" sabi ko bago hinaplos ang buong mukha ko gamit ang palad ko

Makalipas ang ilang oras ay pinuntahan ako ni Jaydee at Jaycee dito sa condo para samahan akong uminom

"Ano bang problema dude?" tanong ni Jaycee bago lagukin ang alak sa baso nito

"Oo nga dude. Sabihin mo na kasi, ano bang problema mo?" tanong ni Jaydee

"Nasayang" ani ko at nilagok ang alak na nasa bote

"Anong nasayang?" tanong ni Jaycee

"Yung mga panahon na hinintay ko si Winter. Nasayang" paglinaw ko

"Ano bang pinagsasasabi mo?" tanong ni Jaydee

"Doc Grayson" ani ko

"May asawa na yun diba?" tanong ni Jaydee sa kakambal

"Hm! Si-"

"Wag mo nang sabihin kung sino" pagputol ko sa sasabihin ni Jaycee, masakit na nga kahit iniisip ko lang kung sino, marinig ko pa kaya

"Mag-inuman na lang tayo. Cheers!" sabi ko at pinagpatuloy naman namin ang inuman namin

I want her...and I love Winter, pero hindi ko kayang manira ng relasyon lalo na kung kasal na sila. Hindi ako si Beatrice para gawin iyon.

Kinabukasan pagpasok ko sa trabaho ay dumiretso na muna ako sa opisina ni Winter para dalhan siya ng kape. Kahit na alam kong puwede naman tong gawin ng asawa niya

Chasing WinterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon