CHAPTER 73: ENZO

31 9 0
                                    

AUTUMN'S POV

"Just accept the fact! That YOU and I! Are no longer romantically involved with each other" singhal nito sa'kin "Find yourself another toy to play with, please lang..." Sabi niya bago ako iwan

Nang makalayo na ang bulto niya ay nanatili akong nakatayo kung nasaan ako, para bang napako na ako sa kinatatayuan ko. Gusto ko siyang sundan. Gusto ko siyang yakapin. Gusto kong ipaliwanag ang side ko pero...pero natatakot ako baka mas lalo ko lang siyang masira

Malungkot naman akong lumabas ng Hospital at bumalik na sa site

"Ayos ka lang?" bungad na tanong sa'kin ni Thunder nang marating ko ang puwesto namin

"Hindi okay si Winter" sagot ko bago malungkot na umupo sa upuan dun

"Ang sabi ko 'ayos ka lang ba?' hindi si Winter" paglinaw niya

"Kaya nga" sagot ko "Hindi okay si Winter, kaya hindi rin ako okay" paglinaw ko at tiningnan siya

"Naiinis ako sa sarili ko" sabi ko sa kaniya at sumandal sa kinauupuan ko

"Alam kong gago ako. Pero hindi ko inaasahan na magagago ko si Winter" dagdag ko bago tumingin sa kawalan

"Ang sakit pa rin isipin na nung araw na dapat magpapaliwanag ako sa kaniya..." mapait naman ako napangiti

"May lalaking nakayakap sa kaniya. At nakita ko kung gaano siya kasaya, sayang nga lang kasi hindi ako yung lalaking yun" pagtapos ko bago tumingala para pigilan ang luha na nagbabadyang tumulo papaba sa mata ko

"Alam mo Autumn" napatingin naman ako kay Thunder dahil dun

"Ano yun?" tanong ko

"Sinubukan mo ba talaga?" tanong niya

"Ang alin?" tanong ko

"Ang magpaliwanag sa kaniya" sagot nito "Kasi...hindi ka naman babaliwalain ni Winter kung talagang sinubukan mo. Baka nga nagkabalikan pa kayo eh"

"Subukan mo na lang ulit..." payo nito sa'kin

"Basta siguraduhin mo na this time, lilinawin mo na kung ano ang dapat na linawin" sagot niya

"Natatakot ako" sabi ko

"Natatakot ako na baka lalo ko lang siya masaktan" sagot ko

"Bakit hindi pa ba?" tanong niya pabalik

"Mas nasasaktan mo si Winter dahil hanggang ngayon wala pa din siyang paliwanag na natatanggap" Sabi niya

"Kaya yung mga 'bakit' ni Winter, nananatiling mga bakit? Partida may boyfriend na din yan ha" dagdag niya at natulala naman ako dahil dun

Makalipas ang ilang minuto ay may boses akong narinig sa may likuran ko, hindi ko na ito nilingon kasi alam ko na si Winter naman ito

"Kumain ka na?" tanong nito

"Pa-fall ka naman" sagot ni Thunder na ikinakunot ng noo ko

"Huh?" tanong ni Winter

"Wala. Di ka naman mabiro" sagot nito

Nasaan ang joke dun?

"Tapos na akong kumain eh" sagot nito

"Ahhh, ganun ba. Sige una na ko" sabi nito at napaharap naman ako kay Thunder nang hambalusin nito ng blueprint ang ulo

"Tangina!" singhal ko

"Kain daw. La siyang kasama" sabi nito bago ituro ang bulto ni Winter na naglalakad papunta sa Canteen at muli namang bumalik ang tingin ko kay Thunder nang muli nitong hambalusin ang ulo ko "Ano pang tinatanga-tanga mo diyan? Sundan mo na!" utos niya at agad naman akong napatakbo papunta sa canteen dahil baka hambalusin pa ako ulit ni Thunder

Chasing WinterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon