CHAPTER 85: SIXTEENTH WISH

29 9 0
                                    

AUTUMN'S POV

"Ano na nga wish mo?" tanong niya kaya muli akong napaisip.

"Ahmmmm" ani ko at umayos naman siya ng upo at kumain muli ng cake.

"15th wish ko...gusto ko sanang itanong kung are we good?" tanong ko na nagpatigil sa kaniya sa pagkain.

"Okay na ba tayo?" paglinaw ko sa tanong at naibaba naman ni Winter ang dessert spoon niya at biglang natahamik.

Maybe she's just enjoying my company, but it's fine though. As long as komportable na ulit siya and she's enjoying.

I know I've hurt her and have caused her a lot of pain and suffering. Alam kong gago ako, aminado ako, pero handa akong maghintay para sa kaniya.

"You don't have to answer that" sagot ko habang nakangiti sa bulto niya. "It must be hard...naiintindihan kita'' dagdag ko at nakampante ng ngumiti siya bago tumango.

"Ahmmmmm, ano lang?" sabi ko bago muling nag-isip.

"Ah!" sabi ko ng makaisip at ngumusi. "Bili tayo aso" masayang sabi ko habang nakatignin sa kaniya.

"Ano?!" gulat niyang tanong na ikinatawa ko.

"Seryoso ako, Winter. Gusto ko bumuli ng aso" sagot ko at napabuntong hininga naman ito.

"Sige na" sagot niya at inubos na muna namin ang dessert namin at nagbayad bago umalis sa chew and cheer at pumunta sa pet store kung saan ko nabili yung tatlo kong aso.

"This one's cute" sabi niya bago ituro ang isang teacup na dachshund.

"Winter" ani ko bago siya iharap dun sa aso na matagal ko nang balak bilhin.

Nang mabili na namin ay agad kaming sumakay sa kotse ko at pumunta sa condo ko para salubungin yung tatlo. Ang lahi ng aso na binili namin ay isang teacup chow-chow.

Agad kaming pumasok sa loob ng condo at sinalubong naman kami nung tatlo kong aso;

"Hello" nakangiting ani Winter dun sa tatlo tsaka naupo sa sahig at niyakap ang mga ito.

"Girls" pagkuha ko sa atensyon nila at huminto naman sila sa pangungulit kay Winter. "This is your new sister, Kim Velez" sabi ko at binaba na ang chow-chow na aso na si Kim.

Kim ang pinangalan ko sa kaniya dahil yun ang middle name ni Winter, so bale isang aso na lang ang kailangan ko at makukumpleto ko na rin ang buong pangalan nito.

"Anong mga pangalan nila?" tanong ni Winter habang naglalaro yung mga aso.

Naestatwa naman ako sa kinatatayuan nang marinig ang tanong niya. "Ahhhh...Hahahaha" pagtawa ko bago napakamot sa batok. Shit!

"Sure kang gusto mong malaman?" tanong ko at tumango naman siya habang nakangiti. "Well, yung Shih Tzu pangalan niya, Winter" panimula ko at nakita ko naman ang pagtaas ng kilay niya sa'kin.

"Yung Pomeranian si Aku" tiningnan ko na muna ang ekspresyon ni sa mukha ni Winter bago nagpatuloy.

"Okay, go on" aniya.

"Tapos yung Bichon Frise..." medyo nag-aalangan pa ako na tapusin.

"Ano?" maldita nitong tanong sa'kin.

"Miracle" pagtapos ko bago umilag nang ibato sa'kin ni Winter yung bola na hawak-hawak niya.

"You son of a bitch!" singhal niya sa'kin.

"Galit ka?" tanong ko dahilan para muli niya akong batuhin ng bola.

"At sinong matutuwa gago ka ba?! Nakapangalan mga aso mo sa'kin!" bulyaw niya. "Mabubuo mo na nga pangalan ko!"

Chasing WinterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon