CHAPTER 60: NEW DOCTOR

45 11 0
                                    

WINTER'S POV

Kasalukuyan akong nasa operating room kasama si Charles, inooperahan ang isang pasyenteng may meningioma. Hindi na bago to sa'kin pero hindi ko rin masasabi na madali. Kasi buhay ng tao ang nasa kamay ko, at sa operasyon na to hindi lang buhay ng isang tao ang hawak ko kundi pati na din ang buhay ng bata na nasa sinapupunan nito

"Mag pump kayo ng dugo" utos ko sa mga nurse na kasama namin sa loob

"Okay ka lang ba?" tanong ni Charles habang ginagamit ang suction

"Hindi ko mahanap yung bleeder, naduduling na ako" Sabi ko sa kaniya bago muling tinignan ang monitor at balik sa utak ng pasyente

"Nahanap din kita, Charles...suction" Sabi ko at agad naman itong sinunod ni Charles at nang mawala na ang dugo na nag-clog sa utak niya ay agad ko na itong binuksan para makuha ang tumor sa loob nito

"Scalpel" Sabi ko at inabot naman sa'kin ni Charles

Wala naman akong oras na inaksaya at agad na binuksan ito at tinanggal na rin ang tumor pero habang nilalagyan ko ng Teflon ay bigla namang bumaba ang heartbeat nito

"Shit! Mag pump pa kayo ng dugo" utos ko at nakita ko naman na kumuha sila ng bagong lalagyan ng dugo bago ito sinalin sa pasyente

"That's good" Sabi ko ng marinig ang normal na heartbeat. Nag-inat naman ako sandali bago tinignan si Charles

"Gusto mo ikaw na magtahi?" tanong ko at tumango naman siya

"Magaling ata ako diyan" Sabi niya at napailing-iling na lang ako dahil dun

"Labas na ako" Sabi ko sa kanila

Nang makalabas ay agad akong naghugas ng kamay at muling pumasok sa loob para tignan si Charles sa ginagawa niyang pagtahi

"Galing ko diba?" Sabi niya

"Yabang mo!" Sabi ko sa kaniya at natawa naman yung mga nurse na kasama namin

"Bilisan mo na diyan ng makapag dinner na tayo, kayo din..." Sabi ko habang nakaturo sa mga nurse na kasama namin

"Mag dinner na din kayo" Sabi ko at tumango naman sila

Lumabas na ako ng operating room at hinarap ang asawa ng inoperahan ko;

"Doc, how's my wife?" tanong nito

"Okay na po siya, pero for now kailangan muna nating i-monitor siya and the baby. Pero both of them are fine" Sagot ko bago siya ngitian

"Maraming salamat po" Sabi niya tsaka ako kinamayan

"Walang anuman po" Sabi ko at niyuko ng bahagya ang ulo ko bago umalis at pumunta na sa opisina ko at nagpalit na ng damit

Nang makapagpalit ako ng damit ay agad akong lumabas ng opisina at sakto naman kasi nakita ko si Charles na nakabihis na at naghihintay sa labas ng opisina ko

"Ambilis mo naman ata?" Sabi ko at inunahan na siyang maglakad "sigurado kang hindi bara-bara yung ginawa mo?" tanong ko sa kaniya

"Yes, ma'am" Sagot niya at natawa naman ako ng sumaludo pa ito

"Tara na nga" Sabi ko at inakbayan siya bago pinagpatuloy ang paglalakad papunta sa canteen ng hospital

Nang marating namin ang canteen ay agad kaming um-order ng kakainin at naupo na sa bakanteng lamesa't upuan

"Bakit?" tanong ko kay Charles ng makitang nakatingin siya sa'kin

"Ano palang iniisip mo kanina?" tanong niya na naging dahilan ng pagtatagpo ng mga kilay ko

"Huh? May iniisip ako kanina?" tanong ko at tumango naman siya habang nainom ng coffee

"Hmmm, ang lalim pa nga ng iniisip mo eh" Sabi niya at nagtaka naman ako "Pasensya na kung masyado akong nanghihimasok sa buhay mo, I'm just worried" dagdag nito

"Its' fine, Charles..." sabi ko bago patuloy na inaalala ang iniisip ko kanina

"Hindi ko na matandaan kung ano yung iniisip ko" sabi ko at tumango naman siya bago nagpatuloy sa pagkain

Nang matapos kaming kumain ay agad kaming bumalik sa loob ng hospital at habang nasa loob ng elevator ay may nakasabay kaming mga nurse

"Narinig mo na ba na magkakaroon daw ng bagong doctor?" tanong nung isa

"Oo nga daw eh, sana mabait" Sabi nung isa at nang bumukas ang pinto sa elevator ay agad silang lumabas

"Alam mo ba yun?" tanong ni Charles sa'kin

"Yung alin? Yung tungkol sa bagong doktor? Hindi" Sagot ko at tumango naman siya

"Ikaw?" tanong ko "Alam mo ba yung tungkol dun?"

"Actually, hindi ko rin alam yung tungkol dun" Sabi niya at napatango-tango naman ako

Makalipas ang ilang oras ay natapos ko din ang rounds ko at syempre oras na din para umuwi, halos dalawang araw na ako sa hospital na to. Pero bago umuwi ay dumiretso muna ako sa opisina ni Tito Ace, siya kasi ang ginawa kong head director ng neurosurgeon facility

"Hi, Tito Ace" bati ko ng makapasok ako

"Hello" bati niya at nilapag ko naman ng mainit na kape sa lamesa niya

"Thank you..." Sabi niya at dumiretso naman kami sa may sofa sa opisina niya

"Tito" pagtawag ko sa atensyon nito

"Bakit?" tanong nito matapos sumimsim sa kape nito

"How come I didn't know na may bagong magiging doktor ang neurosurgeon facility?" tanong ko

"Actually, kanina lang siya nag-apply" Sabi nito "ewan ko ba, ang bilis talaga kumalat ng balita dito sa hospital" Sabi nito at bahagya naman kaming natawa

"Uuwi ka na ba?" tanong niya at tumango naman ako at binuksan ang phone ko ng makatanggap ng message

Liam: nandito na ako

"Nandito na po yung sundo ko Tito, mauna na po ako" Sabi ko at tumango naman ito bago tumayo at niyakap ako

Nang makababa ako sa opisina ni Tito Ace ay dumiretso ako sa parking space ng hospital at dun ko nakita si Liam na nakasandal sa kotse

"Liam!" sigaw ko at ngumiti naman siya ng makita ako

"Hi" bati ko bago siya niyakap

"Hello, sakay na" Sabi niya at pinagbuksan ako ng pinto kaya agad naman akong pumasok sa loob bago siya nagsimulang magmaneho

Habang nagmamaneho siya ay nagkukuwentuhan naman kami;

"Kamusta pala trabaho mo?" tanong niya

"Okay lang, kahit na nakakapagod at nakakatakot...masaya" Sabi ko habang nakangiti

"That's good to hear" Sabi niya na ikinangiti ko

"Ikaw kamusta ka? Yung pag-a-adjust niyo ni Oshea sa pagiging Nikolaos" tanong ko

"Masaya siya to be honest" Sabi niya habang nakangiti

Inampon ni Tito Kimon si Oshea at Liam nung nasa collage ang mga ito, kaya ngayon hindi na lang sila basta ordinaryong tao, isa na rin silang mga prinsipe 

"Kamusta naman ang pag-aaral sa pagiging royalty?" tanong ko

"Tangina! Ang hirap" Sagot niya at hindi ko naman naiwasan ang matawa dahil dun

Nagpatuloy pa ang pagkukuwentuhan namin hanggang sa marating namin ang bahay namin

"I'm home..." Sabi ko at niyakap naman ako nina Mommy Lola at Daddy Lolo

"Welcome home, hija" Sabi ni mommy la at napangiti naman ako

Chasing WinterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon