AUTUMN'S POV
Kasalukuyan kaming nasa night beats ang club na pagmamay-ari ni Jaydee at Jaycee. Sini-celebrate namin ngayon ang pagbabalik ng tiwala ni Winter sa sarili niya bilang doktor, kasama din namin ngayon si Thunder, Forrest, Storm at syempre yung mga may-ari na si Jaydee at Jaycee at si Rain tsaka si Summer.
"Cheers!" sigaw namin bago inumin ang mga alak namin
"Dapat sinama mo si Justice" sabi ni Storm na ikinagulat ni Winter habang sinisipsip yung lime "Oo nga para maranasan din niya uminom" pagbibiro ni Thunder habang nagsasalin ng alak
"Gago!" singhal ni Winter sa kambal na ikinatawa lang ng mga ito at pinagpatuloy na namin ang inuman
Maya-maya ay nag kani-kaniya na kami pero nanatili akong nakatabi kay Winter at kung hindi naman ay nakasunod lang ako dito.
"Hey-"
"We're married" agad kong sabi dun sa lalaki na lumapit kay Winter at agad naman itong umalis
"Tarantado" sagot sa'kin ni Winter
"Lasing ka na" sabi ko sa kaniya at umiling naman ito bago ako yakapin
"I'm not, just tipsy" sagot nito at niyakap ko naman ito tsaka inayos ang pagkakatayo niya
"May pinagkaiba ba yun?" tanong ko bago siya pinangko
"Let's go" sabi ko kena Thunder nang buhat-buhat ko na si Winter
Nang maiabot sa'kin ni Jaycee ang bag nito ay agad na kaming lumabas "I'm not drunk" pagpupumilit nito at umiling naman ako
"Let go of me! Stop!" napalingon naman ako dahil dun at nakita na inaalalayan ni Thunder ang isang lasing na Summer "You're molesting me!" sigaw ni Summer at bahagyang umiyak habang nakaupo sa sementadong lupa sa labas ng night beats
"You're drunk, Summer!" bulyaw ni Kuya kay Summer habang inaasikaso ang isang lasing na Storm
"I am not!" sigaw nito bago masamang tingnan si Thunder. "But this dude!" anito at tinuro si Thunder na hawak-hawak ang kamay niya
"Is molesting me! He keeps on touching my waist and shoulder. Fucking arrest him!" sigaw nito
"Tapos ka na?" tanong ni Thunder bago binuhat si Summer at nilagay ito sa balikat niya
"Let go! You molester. I will sue you" pagsigaw ni Summer
Hanggang sa makasakay kaming lahat sa van ay patuloy pa din sa pagsasalita si Summer habang si Winter naman ay nakatulog na sa sobrang kalasingan
"I will sue you!" sigaw nito kay Thunder
"You'll sue me? I'm your husband" sabi ni Thunder at napahinto naman si Summer bago titigan nang maigi si Thunder.
"I'm married?" tanong nito bago tingnan ang daliri "You're my husband?" tanong ni Summer kay Thunder at hindi naman namin maiwasan ang matawa ni Kuya dahil dun
"If you're my husband then why are you molesting me? You should make love to me not molest me!" sigaw nito
"You stupid motherfucker..." anito at dun na kami natawa ng tuluyan ni Kuya
"Bakit wala pa tayong anak? Let's make babies now" sabi ni Summer na ikinalaki ng mata ni Thunder
"We are not interested in live porn, Summer" sabi ni Kuya
"Shut up! We're going to make babies" sabi nito at mga ilang sandali pa ay nakatulog na ito habang hawak-hawak ang kwelyo ni Thunder
"Ibang klase pala pag lasing si Summer" sabi ni Thunder at napailing na lang kami ni Kuya
BINABASA MO ANG
Chasing Winter
Roman pour Adolescents[READ CHASING AUTUMN FIRST, THIS IS THE BOOK 2] Sixteen years had past in their lives and there is no denying the changes that have taken place in their looks, posture and status in life. Obviously, the same goes for their relationships. Can Autumn...