WINTER'S POV
"Kadiri talaga" ani ko nang makababa ng sasakyan at makapasok na sa loob ng bahay namin
"Hello" ngumiti naman ako bago lapitan si Mommy Lola at yakapin ito "Tumawag si Titus kaninang umaga by the way"
Napabuntong hininga naman ako nang marinig ang pangalan ng boyfriend ko "Why? Nag-away na naman ba kayo?" tanong nito at ngumiti na lang bago nagpaalam dito at nagtungo sa kuwarto ko
"After makaalis sa love less relationship, stuck naman ako ngayon sa isang magulong relasyon" sabi ko sa sarili "How great!" sigaw ko bago nagsimulang maghubad at magtungo sa banyo para maligo
Nang makalabas ay nasaktuhan kong tumatawag sa'kin si Titus "What?" tanong ko
"Kung aawayin mo lang ako, bukas na lang" sagot ko dahil wala talaga akong gana na makipagtalo ngayon
"May gusto lang akong sabihin" sabi niya kaya hinayaan ko na lang ito magsalita
AUTUMN'S POV
Kinabukasan ay katulad nang dating gawi, pupunta ako sa opisina ni Winter para dalhan siya ng coffee at paglabas ay didiretso ako sa site para magtrabaho
Habang nasa kalagitnaan ng pagtatrabaho ay dumating si Tita Tatiana at kasama nito si Winter
"Hello" masayang bati ni Tita Tatiana sa'min ni Thunder
"Ano pong ginagawa niyo dito Tita?" nakangiti kong tanong kahit na nakabusangot si Winter
"Just visiting. Atsaka I brought lunch" sagot nito at inabot ang lunch bag kay Thunder "Ibigay mo na yung kay autumn, Winter" sabi nito sa pamangkin
"Anipsiá mou" aniya sa bulto ni Winter na walang sa mood ngayong araw na to
(Anipsiá mou means My niece in greek)
"Oh!" masungit na ani Winter at inabot na sa'kin yung lunch bag "Tanggapin mo na!" bulyaw niya nang titigan ko pa siya
"Anipsiá mou! Be nice" suway ni Tita Tatiana kay Winter bago kami ngitian ni Thunder
(Anipsiá mou means my niece in Greek)
"Here, take it...please" sabi niya at hindi ko naman maiwasan ang mapangiti dahil dun sa 'please' niya
"Si Winter nagluto niyan" Sabi ni Tita Tatiana
"Talaga?" tanong ko habang nakatingin kay Winter na inirapan ako bilang sagot
"Anipsiá mou, tinatanong ka ni Autumn" sabi ni Tita Tatiana
(Anipsiá mou means my niece in Greek)
"Yeah...pati yung kay Thunder" simpleng sagot ni Winter
"Winter!" napalingon naman sila Tita Tatiana dahil dun at nakita ko naman si Justice at akmang aalis na si Winter nang hawakan ni Tita Tatiana ang kamay nito
"Magpaalam ka" sabi nito bago kami ituro kaya kunot-noong napatingin sa'min si Winter
"Huh?" tanong ni Winter bago ibalik ang tingin kay Tita Tatiana
"Magpaalam ka sa kanila" pag-ulit nito
"Bye!" anito at tumakbo na bago pa siya mahawakan ni Tita Tatiana
"Ewan ko ba sa batang yan. Pagpasensyahan mo na" sabi sa'kin ni Tita at ngumiti lang ako bago tumawa
"Kaya naman pong pagpasensyahan" sagot ko at nakita ko naman na sabay silang naglalakad ni Justice papuntang canteen
"Mag la-lunch na po ako" sabi ko at bahagyang niyuko ang ulo ko bago naglakad papunta sa canteen at hinanap sina Winter at Justice at nang makita ko sila ay agad akong pumunta dun
BINABASA MO ANG
Chasing Winter
Teen Fiction[READ CHASING AUTUMN FIRST, THIS IS THE BOOK 2] Sixteen years had past in their lives and there is no denying the changes that have taken place in their looks, posture and status in life. Obviously, the same goes for their relationships. Can Autumn...