CHAPTER 94: GIRL TALK

26 8 0
                                    

WINTER'S POV

Habang pinapanood mag bake si Autumn ay hindi ko naman maiwasan ang mapaisip kung hindi kaya laro yung mga nangyari dati ganito kaya kami? Girlfriend pa rin kaya niya ako? O kaya kasal na siguro kami?

"Anong iniisip mo?" tanong niya at ngumiti naman ako bago umiling.

"Wala naman" sagot ko at napangiti nang malanghap ang amoy ng strawberry shortcake niya ng ilabas na niya ito sa ref.

"Bango nuh?" tanong niya at agad akong tumango.

"Hello" bati ko kay Aku at kinuha siya bago paupuin sa hita ko. "Don't fight" ani ko nang marinig mag hiss si Winter matapos makatabi si Aku.

"Here" ani Autumn at masaya ko namang tinanggap ang plato na inabot niya.

"Thank you" sabi ko at tinikman na yung binake niya. "Hmmm" kumunot naman ang noo at nakangiti akong napatingin sa kaniya.

"Diba sabi ko sayo masarap akong mag bake" pagmamalaking sabi niya at bigla namang tumahol si Winter.

"Hindi daw sabi niya" pangangasar ko dito.

"Hahahaha hindi ba?" tanong ni Autumn sa anak namin kaya muli naman itong tumahol. "Mas masarap kasi ako" sabi niya at tinakpan ko naman ang tenga ni Winter.

"Kadiri ka" sabi ko at parehas naman kaming natawa.

"Dito din kayo?" tanong ko sa tatlong aso at tumahol naman sila bilang sagot kaya naman nilagay ko na muna si Winter at Aku sa lamesa at binuhat yung tatlo bago nilagay sila sa lamesa at nilaro-laro namin sila ni Autumn.

Maya-maya pa ay nahiga na muna kami ni Autumn sa kama para magpahinga bago ako maligo. Tinignan ko naman si Autumn at nakita na nakatulog na pala ito, maingat akong umalis sa pagkakahiga at hinaplos ang buhok nito bago halikan ang pisngi niya at nagtungo na sa banyo.

"Hey!" mahinang sigaw ko kay Kim nang pumasok ito sa banyo matapos kong makaupo sa bathtub. "Bakit lagi ka na lang sumasama sa'kin tuwing pupunta akong banyo?"

"Gusto mo maligo?" tanong ko at tumahol naman ito bilang sagot.

"Wait lang" sabi ko bago inayos ang pagkakalagay ng towel ko dun sa lagayan.

At nang kukunin ko na si Kim ay nagulat naman ako ng silang limang aso ay nasa sahig na ng banyo. "Sinara ko yung pinto ah" sabi ko sa sarili bago muling napatingin dun sa lima.

"Gusto niyo din?" tanong ko at tumahol naman sila.

"Okay, get in" ani ko at isa-isa silang nilagay sa bathtub.

"Wag kang malikot" sabi ko kay Winter dahil panay ang takbo nito dahilan para magkalat ng tubig sa sahig ng banyo. "Shhh wag ka ding maingay baka marinig tayo ni Autumn" sabi ko kay Kim at Miracle na naglalaro, palakasan ata ng tahol nilalaro nila.

"Winter!" sigaw ni Autumn ng mabuksan ang pinto.

"Ilabas mo yung lalaki!" sigaw niya na ikinakunot ng noo ko.

"Huh?" tanong ko

AUTUMN'S POV

Naalimpungatan ako nang mahawakan ang side ni Winter sa kama na walang tao, napaupo ako at agad napatingin sa banyo nang makitang bukas ang ilaw. "Naliligo na ata siya" ani ko bago tumayo at nagtungo dun at akmang kakatok ay natigil ako ng marinig ang mga bulong ni Winter kaya naman itinapat ko ang tenga ko sa may pinto at nakinig.

"Wag kang malikot" rinig kong sabi nito. "Shhh wag ka ding maingay baka marinig tayo ni autumn" dagdag pa nito kaya naman binuksan ko na ang pinto na hindi naman naka-lock.

Chasing WinterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon