CHAPTER 64: COMPLAINT

46 10 0
                                    

WINTER'S POV

"Engineer Autumn Velez, nice to see you again" Sabi niya at tinanggap ang nakalahad kong kamay

"Kamusta ka?" tanong ni Autumn sa nakatulala kong bulto

"Thunder" ani ko ng lingunin ko si Thunder "Let's talk" Sabi ko at tumango naman siya

"Okay, tara Autumn-"

"In private" pagputol ko sa sasabihin niya

"Let's go" Sabi ko at hinila ko na siya palayo kay Autumn

"Alam mo to? And wala ka man lang balak na sabihin sa'kin?!" mahinang sigaw ko sa kaniya

"Galit ka ba?" tanong niya

"Tanga ka ba?" tanong ko pabalik "Of course, Thunder. I am fucking livid!" sigaw ko sa kaniya

"Well...Wala ka nang magagawa, alam na rin to ni Theía Tatiana and okay lang sa kaniya na si Autumn ang gagawa sa Tatiana's café" Sabi nito at mas lalo naman akong nagalit dahil alam din pala ito ni theía Tatiana

(Theía means aunt in Greek)

"Anong nangyayari?" tanong ni Autumn na ngayon ay nasa may likuran ko na

"Nag-uusap pa kami" walang emosyong sabi ko sa kaniya kaya lumayo na muna ulit siya

"Winter, okay lang naman to sayo diba? I mean...working with your ex-"

"He is not my ex, wala namang relasyon at feelings ang na-developed. Ako lang ang nagmahal sa'min dalawa" Sabi ko

"Oh! Yun naman pala eh..." Sabi ni Thunder "...Bakit ka sobrang apektado kung ganun?"

"Tsaka naka-move on ka naman na, diba?" tanong nito

"I mean, nagkabalikan na nga din kayo ulit ng boyfriend mo eh. Idagdag mo na din yung Charles mo" Sabi niya kaya nanlaki ang mga mata ko sa galit

"Alam na ba yun ng boyfriend mo?" tanong nito at pinalo ko naman ang braso niya

"Oshea!" sigaw ko at umalis na dun bago pumasok sa loob ng hospital at pinuntahan si Oshea sa opisina ng mga fellow

"Hi, Doc" bati sa'kin ng ibang fellow

"Oshea!" sigaw ko kaya hinarap ako ni Oshea

"Yes?" tanong niya at agad ko naman siyang nilapitan tsaka hinawakan siya sa kuwelyo bago siya hinila patayo

"Winter-"

"Wag kayong lalapit!" pabulyaw ko na utos sa mga nurse na nasa loob ng opisina

"A-ano na naman ba ang ginawa ko?" tanong niya kaya binitawan ko na ang kuwelyo niya kaya siya napaupo ulit sa upuan niya

"Anong nangyayari dito?" tanong ng isang bagong dating na si Doc Grayson

"Wala!" sigaw ko at lumabas na dun at pumunta na sa opisina ko

Nang makapasok ay agad akong umupo sa swivel chair ko at pinakalma ang sarili ko;

"Doc-"

"What!?" bulyaw ko at kumalma naman ako nang makita ang gulat sa mukha ni Charles

"Sorry Charles, bakit ka pala nandito?" tanong ko

"Coffee" Sabi niya at nilapag ang kape sa lamesa ko

"Salamat" ani ko

"Bakit...parang galit ka?" tanong niya

"Wala" ani ko at ininuman na ang kape ko "Pagod na siguro ako"

"Akin na yung kamay mo" Sabi niya kaya inilahad ko sa kaniya ang kanang kamay ko at nilagyan naman niya yun ng Chocolate

"Pampatanggal ng stress" Sabi niya na ikinangiti ko

Chasing WinterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon