CHAPTER 67: PARTY

50 10 2
                                    

AUTUMN'S POV

Hindi naman niya siguro boyfriend si Charles diba?

Kasi...

First of all. Hindi sila bagay, Second. Hindi pa rin sila bagay, Third. Hindi talaga sila bagay At lastly. Hindi talaga sila bagay kahit anong pilit ang gawin

"Autumn, okay ka lang ba?" tanong sa'kin ni Thunder na naging dahilan ng pagbalik ko sa reyalidad

"Oo naman, may iniisip lang" Sagot ko at tumango naman si Thunder

Si Charles at Winter...hindi talaga bagay eh

"Pupunta ka?" tanong niya na ikinataka ko

"Huh?" tanong ko

"Pupunta ka ba kako?" pag-ulit niya

"Saan?" tanong ko habang nilalatag ang blueprint sa lamesa

"Sa Night Beats" sagot niya "May party tayo. I-ce-celebrate natin yung pagbubukas nun. Diba kay Jaycee at Jaydee yun" paglinaw niya

"Ahhh, ganun ba. Hindi ako pupunta" sagot ko at tiningnan naman niya ako na parang hindi makapaniwala sa naging sagot ko

"Seryoso ka? Bakit?" tanong niya "You used to party a lot back then"

"Bata pa ako nun, iba na ngayon eh. Kaya pass na muna ako" Sabi ko at tumango naman siya

"Well...Sayang sasama pa naman si Winter" sabi niya na ikinagulat ko

"Sasama siya?" tanong ko

"Hm!" sagot niya

"Sasama na din ako kung ganun" Sabi ko na nagpangisi sa kaniya

"Nalaman mo lang na sasama si Winter—Tsk! Tsk! iba talaga ang tama ni Winter sayo" Sabi niya at tinalikuran ko na lang siya

"Ay!" sigaw niya kaya muli ko siyang nilingon "Ngayon palang wa-warningan na kita" Sabi niya

"Para saan naman yang warning na yan?" tanong ko

"Isang dekada ang nakalipas sa mga buhay natin" Sabi niya

"Meaning?" tanong ko

"Meaning. Hindi mo na masyadong kilala si Winter. Oo nandiyan pa din yung mabait na siya. Oo nandiyan pa din yung caring and sweet na siya pero..." Sabi niya

"Pero?" tanong ko

"Pero pag si Winter nasa loob club...Dude! Ibang-iba siya" pagtapos niya

"Ibang-iba?"

"Hm! Ibang-iba. Ang wild niya, lalo na pagnalalasing. Dun lumalabas ang pagiging wild niya" Sabi niya

"Hindi ba bawal yun? Yung magpakalasing siya? Kasi doktor siya eh. Paano kung magkaroon ng emergency?" tanong ko

"Nagpapaalam siya. And besides, it's not like siya lang ang doktor na neurosurgeon sa hospital na to" Sagot niya

"Sasama si Summer?" biglang tanong niya na ikinakunot ng noo ko

"Huh?" tanong ko

"Si Summer. Sasama ba siya?" tanong niya

"Yeah, why'd you ask?" tanong ko at umiling naman siya kaya isinawalang bahala ko na lang

Matapos ang trabaho namin ay agad kaming umalis sa site at dumiretso na sa parking lot ng hospital kung saan nandun nakaparada ang mga sasakyan namin

"Si Winter ba yun?" tanong ko nang makita si Winter kasama ang isang lalaki

Yan ba yung boyfriend niya?

"Ah! Driver niya yan" Sabi niya

"Driver?" tanong ko at tumango naman siya

"Sige na! Una na ako" Sabi nito bago sumakay sa kotse niya, sumakay naman na din ako sa kotse ko at nagmaneho na pauwi

Nang makauwi ako ay nagpahinga na muna ako bago naligo at kumain. Naupo naman ako sa sofa at nanuod ng TV bilang pagpapalipas ng oras

"Halika dito" Sabi ko kay Aku bago siya binuhat at kinandong

"Kamusta araw mo?" tanong ko sa kaniya at tumahol naman siya bilang sagot

"Nag-away ba kayo nina Winter at Miracle?" tanong ko

"Talagang nasisiraan ka na ng bait nuh?" napatingin naman ako dahil dun at nakita si Jaydee

"Pabayaan mo nga ako" Sabi ko at umupo naman siya sa tabi ko

"Ano bang ginagawa mo dito? Hindi ba dapat nandun ka na sa club niyo" Sabi ko

"Mamaya na" Sabi niya at pinuntahan naman siya ni Miracle

"Hello" bati niya sa aso ko at nilaro-laro ito

"Kamusta kayo ni Summer? Nagkausap na ba kayo?" tanong ko at napatigil naman siya sa paglaro kay Miracle at tiningnan ako

"Hindi pa actually" sagot niya bago muling ibalik ang tingin kay Miracle

"Natatakot ako. Alam ko kasi kung gaano ko siya nasaktan" Sabi niya habang ang tingin ay na kay Miracle pa din

"Jaydee. Hindi kita pinipilit pero mag-usap kayo kung kailan komportable ka na" Sabi ko at tumango naman siya bago ako tignan

"Thanks tol" Sabi niya at nginitian ko naman siya

Nang mag 9:00 na ay tsaka kami pumunta sa Night Beats, isang club na ang nagmamay-ari ay ang Mondejar Twins

"Daming tao. Congrats tol" Sabi ko sa kaniya nang makapasok kami sa loob

"Ayun sila" Sabi ni Jaydee at pumunta naman kami sa VIP table kung saan nandun sina Kuya, Thunder, Storm, Summer, Jaycee, Rain, Sun, at syempre si Winter

"Hi guys" bati ko nang makalapit kami sa kanilang lahat

"Hi, Winter" bati ko nang makaupo ako sa tabi niya pero imbis na batiin ako pabalik ay ininuman lang nito ang tequila niya

"You like tequila now huh?" tanong ko

"Boreís na me afíseis móni mou, gamó!" Sabi niya

(Boreís na me afíseis móni mou, gamó! Means can you leave me alone, son of a bitch in Greek)

"Ti gínetai an den to thélo?" sagot ko at napatingin naman siya sa'kin at puno ng gulat ang mukha

(Ti gínetai an den to thélo means what If I don't want to in Greek)

Napangisi naman ako dahil sa naging reaksiyon niya "I learned how to speak Greek for you" Sabi ko at nilagok naman niya ang tequila niya hanggang sa maubos ito

"Baka malasing ka niyan" Sabi ko bago inuman ang rum ko

"I'm fine" ani niya at muling kumuha ng tequila

Makalipas ang ilang oras ay napanganga na lang ako sa nakikita ko;

"Shock?" tanong ni Jaycee

"Hahahaha" pagtawa naman nina Kuya at Storm

"Anong nakakatawa?" tanong ko sa kanilang dalawa

"Kasi nagulat ka pa" sagot ni Jaydee na nakitawa na din kena Kuya

"I warned you, yet you're still shock?" Sabi ni Thunder

"I didn't know na ganito ka-wild!" sagot ko bago muling ibinalik ang tingin kay Winter na sumasayaw habang may mga lalaking nakapalibot sa kaniya

"That's it!" Sabi ko at dahil na rin sa inis ay pinuntahan ko na si Winter

"Tabi! Tabi!" utos ko sa mga lalaki na nandun bago hinawakan si Winter sa braso nang malapitan ko na ito

"Ano ba!" sigaw niya sa'kin bago binawi ang braso

"Halika na" Sabi ko "Masyado silang malapit sayo-"

"You are not my boyfriend to scold me! Déjame solo! Hijo de puta!" singhal niya sa'kin

(¡Déjame solo! Hijo de puta! means Leave me alone! Son of a bitch in Spanish)

"Halik-" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang magtagpo ang mga labi namin nang may tumulak sa kaniya

Tangina...thank you sa tumulak!

Chasing WinterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon