CHAPTER 74: FAVOR

31 8 0
                                    

CHARLES'S POV

Nang makalabas ako sa Operating Room ay agad akong naghugas ng kamay at kinuha ang cellphone ko sa bulsa ko

"Shit!" mahinang singhal ko nang makita ang tatlong missed calls galing kay Winter

Binuksan ko naman ang message niya

Dr. Winter Stavros: wag mo nang alalahanin yung mga calls. It's nothing important

Sabi sa message niya at agad naman akong dumiretso sa opisina ko at nagpalit na ng damit. Maya-maya pa nang matapos ay agad kong tinawagan si Winter

"Hello" agad naman akong napangiti nang marinig ang boses nito

"Okay ka lang ba? Bakit ka tumawag?" tanong ko

"Okay lang ako. Nasaan ka? Puwede ko bang mahiram ang oras mo?" tanong niya "Sandali lang naman to"

"Nandito ako sa opisina ko" sagot ko at pinatay naman na nito ang tawag

Mukhang pupunta siya dito, agad ko namang inikot ang swivel chair kung saan ako nakaupo patalikod kung nasaan ang malaking salamin bago nagpabango at inayos na rin ang buhok ko

"May date ka ba?" napalingon naman ako nang wala sa oras dahil duon at gulat naman akong napatingin sa nakatayong bulto ni Winter

"Thank you sa pagpapahiram ng oras mo" sabi niya at tumango naman ako bilang tugon, agad naman nitong hinawakan ang pulsuhan ko, kikiligin na sana ako kaso bigla akong hinila eh

Nang marating namin ang opisina niya ay agad niyang pinakita sa'kin ang MRI scan ng isa sa mga pasyente niya

"The offender is the right PICA" sabi ko habang nakatingin sa screen ng computer niya

(Posterior inferior cerebellar artery (PICA) the largest branch of the vertebral artery. It is one of the three main arteries that supply blood to the cerebellum)

"You'll have to do a microvascular decompression surgery" dagdag ko habang nakatingin sa screen

(Microvascular decompression is a surgical procedure for treating intensely painful or spasming facial nerves when medications haven't brought relief)

"Can I ask a question?" tanong niya kaya agad ko siyang tiningnan

"Sure" sagot ko "Ano ba yun?"

Date ba? Gawin na ba kitang girlfriend? Pakasalan na ba kita? O Anakan?

Tangina! Parang naririnig ko na naman boses ng nanay ko dahil sa iniisip ko

"Kaya mo ba siyang operahan?" sagot at tanong niya

Palihim naman akong nabigo pero at least di ko na naririnig boses ng nanay ko "Kaya naman" sagot ko

"Kung ganun....puwede bang ikaw ang mag-opera sa kaniya?" nangunot naman ang noo ko dahil duon

"Bakit ako? Eh hindi ko naman siya pasyente" sabi ko

"Puwede bang gawin mo to nang hindi humihingi ng rason galing sa'kin?" sabi niya habang nakatitig sa mga mata ko dahilan para mapaayos ako ng upo

"No, I can't" sagot ko

"If we start switching patients just because we don't like them, magiging gulo to Winter" sabi ko at napayuko naman si Winter "Tsaka nasa regulation yun ng Hospital. Kaya hindi nila tayo papayagan" dagdag ko

"Puwede ko namang tanggalin ang mga regulations na yun" sabi niya bago ako tingnan "but they are important for model doctors like you" sabi niya at ako naman ang napayuko dahil sa hiya

Chasing WinterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon