AUTUMN'S POV
Kasalukuyan akong nasa loob ng van kasama si Winter, Justice, Storm, Thunder, Forrest, at Summer. Pupunta kami ngayon sa isang park malapit sa hospital, si kuya ang nagmamaneho at si Storm naman ang nagtuturo ng daan habang si Summer at Thunder ay kinakausap si Justice
"Ang tahimik mo ata?" tanong ni Storm kay Winter nang lingunin niya kami
"Wala naman akong dapat sabihin" sagot ni Winter bago humikab
"Ayan oh si Autumn kausapin mo" suhestiyon nito bago natawa
"I'm fine. Hindi naman mapapanis laway ko pag hindi ako nagsalita" sagot nito at nagkibitbalikat naman si Storm
"Nandito na tayo" sabi ni Kuya at agad kaming nagsibabaan
Akmang aalalayan ko ng bumaba si Winter pero pagpunta ko side niya ay hawak na ni Justice ang kamay nito
"Winter halika na" excited na sabi ni Justice bago inalalayan si Winter bumaba
"Autumn halika na" pag-aya niya sa'kin at hinawakan na rin ang kamay ko tsaka hinila na kami ni Winter papunta sa playground
"Ba't walang tao?" rinig kong tanong ni Summer habang natingin sa paligid
"Tanong mo dito" sagot ni Storm habang nakaturo kay Kuya Forrest
"Anong ginawa mo?" tanong ko kay kuya
"Tumawag ako kanina sa hospital at sinabi na wag na munang magpapunta ng tao dito sa playground habang nandito tayo, kasi nakakahiya ang tatanda na natin tapos-"
"Well, hindi silang dalawa" pagputol ni Thunder kay Kuya at napatingin naman kami kay Justice at Winter na nasa Merry go round
"Ano pa bang inaasahan mo kay Winter? Eh ganiyan naman na yan dati pa" sagot ni Storm
"Sasali ba kayo? Sasali na ako" ani Summer at tumakbo na papunta kena Winter at Justice sa Merry go round
"Well, tara na!" sabi ko at nakipaglaro na din sa kanila at nakipag-unahan pa kay Thunder sa swing
Makalipas ang ilang oras ay napag-isipan naming mag-laro. Kasalukuyan kaming naglalaro ngayon ng habul-habulan at tayaan
"Taya!" sigaw ni Justice nang mataya niya si Storm
Agad namang tumakbo si Justice palayo kay Storm at si Storm naman ay nakatingin kay Winter
"No!" sigaw ni Winter na agad tumakbo palayo kay Storm
"Ayaw!" sigaw nito at lumapit kay Kuya bago ito itulak palapit kay Storm kaya ito ang nataya imbis na si Winter
"Nice one Winter!" sigaw ni Thunder
"Nice one? Nice one?!" tanong ni Kuya kay Thunder at agad itong hinabol
"Kuya!" sigaw ni Thunder habang natakbo ganun na rin ang ginawa ni Storm
"Oy! Walang tumataya kay Autumn!" sigaw ni Summer
"Manahamik ka nga diyan!" suway ko kay Summer at agad napatakbo nang makitang nag-iba nang tatayain si Kuya at ako yun
"Lumayo ka sa'kin!" sigaw ni Justice nang makalapit ako sa kaniya
"Hahahaha" rinig kong tawa ni Winter at Summer
"Taya!" sigaw ni Kuya nang mataya ako at agarang tumakbo palayo sa'kin
"Nataya ka din!" natatawang sigaw ni Justice
"Halika dito" sabi ko at hinabol ito
"Autumn!" sigaw nito at natawa naman ako bago mapangiti nang madaanan ni Justice si Winter
![](https://img.wattpad.com/cover/212142296-288-k973555.jpg)
BINABASA MO ANG
Chasing Winter
Novela Juvenil[READ CHASING AUTUMN FIRST, THIS IS THE BOOK 2] Sixteen years had past in their lives and there is no denying the changes that have taken place in their looks, posture and status in life. Obviously, the same goes for their relationships. Can Autumn...