CHAPTER 75: SURGERY

28 8 0
                                    

AUTUMN'S POV

"I am not just an Engineer. I'm also a doctor...A neurosurgeon to be specific" sabi ko at nang tingnan na ako ni Winter ay proud ko siyang nginitian

"So, puwedeng ako ang mag-opera kay Enzo" sabi ko sa kaniya

"Puwede rin ako" sabi ni Charles

"Edi gawin niyong dalawa" sabi niya bago hinagis pabalik sa'kin ang license ko at agad ko naman itong sinalo

"Ano? Kaya niyo bang hindi mag-away habang ginagawa tong surgery na to?" tanong ni Winter at tumango naman ako

"Ay! Weh?" tanong ni Charles at iritado ko naman siyang tiningnan

"Siguraduhin niyo yan ah" sabi ni Winter bago tumayo na nang ayos "Thanks sa coffee" dagdag niya bago kinuha ang coffee sa lamesa tsaka siya lumabas ng opisina niya

"Kaya natin? Talaga ba?" tanong ni Charles na ikinataka ko

"Huh?" tanong ko bago siya tingnan

"Kaya nating hindi mag-away?" tanong niya

"Bakit hindi mo ba kayang hindi ako awayin?" tanong ko pabalik "Ano bang problema mo sa'kin ha?"

"I'm only taking back what's mine-"

"And I am taking what you no longer own" sabad niya while looking at me with the same intensity na binibigay ko sa kaniya

Mahigpit ko namang kinuyom ang kamay ko habang nakatingin sa kaniya, parehas nang umiigting ang mga panga namin habang nakatingin sa isa't-isa

You have to get her back Autumn, hindi yung ikaw ang babalik sa kulungan...

Huminga naman ako nang malalim bago siya muling tingnan "Truce na muna" sabi ko bago nilahad ang kamay ko

"Sure, truce" pagsang-ayon niya bago tinanggap ang kamay ko na agad din naming pinaghiwalay at agad din kaming lumabas sa opisina ni Winter

Dumiretso naman ako sa site at pinuntahan si Thunder;

"Ang saya mo naman ata?" tanong niya

"Mawawala ako nang ilang oras next week" paalam ko habang kinukuha ang blueprint

"Saan ka pupunta?" tanong niya

"I'll be performing a surgery" sagot ko

"Doktor ka?" gulat niyang tanong at tumango naman ko bago pinakita sa kaniya ang license ko

"Naks naman!" sabi niya bago ako hambalusin ng blueprint sa ulo

At nang mag-akma akong sugurin siya ay bigla naman itong nagsalita "Teka! Paano ka pala naging doktor? Eh hindi ba it takes...parang years to finish that course?" tanong niya "tapos engineer ka pa. So, paano?"

"Hmmm, Engineering naman kasi talaga ang course ko" panimula ko

"Then nalaman ko na nasa medical field pala si Winter kaya ayun, nung natapos akong mag-aral ng Engineering sinunod ko kaagad ang Medical"

"Hoping na magtagpo kami ni Winter as doctors" dagdag ko

"Kaso nga lang yawa! Si Charles ang makakasama ko" inis kong sabi na ikinatawa ni Thunder

"Wag ka ngang ganiyan..." pagtatampo ko sa kaniya

"Hahahaha! Good luck sayo, Dude. Sana hindi niyo mapatay yung ooperahan niyo" sabi niya at pinalo ko naman sa ulo niya ang blueprint na hawak ko

"Lumabas ka na nga!" utos ko at tinapos na namin ang dapat tapusin dito sa site para sa araw na to

Kinabukasan ay pinatawag ako sa opisina ng Tito ni Winter, pagpasok ko dun ay agad na bumungad sa'kin si Tito Ace, si Charles at Winter

Chasing WinterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon