CHAPTER 58: BUSY

68 10 0
                                    

WINTER'S POV

Sa mga nakalipas na araw ay wala akong ibang inatupag kundi ang mga pasyente ko, kung hindi naman surgery ay mga check-ups nila, at dahil sa halos araw-araw ganito ay medyo nakakalimot ako sa mga bagay-bagay, parehas masama at magandang epekto para sa'kin

Maganda kasi nakakalimutan ko yung mga bagay na dapat kalimutan at masama naman kasi nakakalimutan ko na hindi lang pala ako doctor, isa din pala akong anak, kapatid, at kaibigan

"Hi, Doc" bati sa'kin ng mga nurse paglabas ko sa operating room

Kakatapos lang ng isang surgery na ako ang doctor in charge. Agad naman akong tumabi sa mga nurse na naghuhugas ng kamay sa labas ng operating room at naghugas na din ng kamay

"Nakita mo na ba yung engineer na gagawa dun sa coffee shop? Girl! Ang gwapo niya" Sabi nito

"Talaga?! Nandiyan ba siya mamaya?" tanong nito

"Magpalit na kayo ng damit and do your rounds" Sabi ko kaya napatigil sila

"Yes Doc, sorry po" Sabi nilang dalawa bago ako iniwan mag-isa

Sa nakalipas na labing-anim na taon ay masasabi ko na maraming nagbago sa'kin from appearance to attitude. Pero nandito pa rin naman ang dating Winter, sadyang natuto lang akong maging matapang at mas kumilala sa mga taong nakapalibot sa'kin

Nang makapagpalit na ako sa mas maayos na damit at nakapag suot na rin ng doctors coat ay ginawa ko na ang rounds ko sa mga pasyente ko at habang ginagawa ang rounds ko ay nakasalubong ko si Doc Grayson, agad ko naman siyang nilapitan at sinabayan na siya sa paggawa ng rounds

"Kamusta yung surgery?" tanong niya

"Okay lang, medyo natagalan lang kami kasi ang lalim nung tumor na nasa loob ng utak niya" Sabi ko at napatango-tango naman siya

"Hindi mo ba bibisitahin yung site?" tanong niya sa'kin at umiling naman ako

"Ayoko, siguro pag na bakante na yung oras ko, may gagawin pa kasi akong surgery mamaya" Sabi ko

"How about lunch?" tanong niya at umiling naman ako

"Sumama ka na lang kena Oshea at Justice, hindi kita masasamahan dahil sa schedule ko ngayon" Sabi ko

"Hmmm, sinong kasama mo sa surgery?" tanong niya

"Si Charles" Sagot ko

"Alam mo..." panimula nito at tinignan ko naman siya "Ang ganda ng chemistry niyong dalawa" napailing-iling na lang ako sa sinabi nito

"Tigil-tigilan mo nga ako" Sabi ko sa kaniya at inunahan na siyang maglakad

"Seryoso ako! Hoy! Bagay kayo!" rinig kong sigaw niya kaya nagtakip na ako ng tenga at tumakbo na papasok sa elevator

At habang nasa loob ay tumawag naman sa'kin si kuya Forrest;

"Hello...Winter!" Sabi nito sa kabilang linya

"Hello? Bakit ka napatawag?" tanong ko

"Nandito ako sa site, Punta ka dito" Sabi nito

"Ikaw ang pumunta dito sa'kin, hindi ako puwedeng lumabas ng hospital at meron akong surgery na gagawin mamaya" Sabi ko

"Ano ba yan! Para ka namang alipin sa sarili mong hospital, hindi mo man lang ba gustong makilala yung engineer na sinasabi ko?" Sabi nito

"Ayaw...for now. Masyado nga akong busy, okay?" Sabi ko at lumabas na sa elevator ng bumukas ito

"Okay...pero Winter! Kamusta pala yung na trigger kong alaala?" tanong nito

"Anong na trigger na memory?" tanong ko habang nakakunot ang noo

Chasing WinterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon