CHAPTER 68: INJURY

64 10 0
                                    

WINTER'S POV

Nang makapasok ako sa opisina ko ay nanatili akong nakatayo sa may pintuan nang bumungad sa'kin ang isang coffee na galing sa Tatiana's café na nasa ibabaw ng table ko

Agad akong pumasok at kinuha iyon;

Hi, Good morningI hope wala kang hungover.

Have a nice a day

Matapos kong mabasa ito ay agad kong ininuman ang kape kahit na hindi ko pa din alam kung kanino ito galing

"Kanino ka ba talaga galing?" tanong ko sa sarili ko at agad na lumabas sa opisina ko at nagsimula na namang magtanong sa mga staff dito sa hospital

"Hi Justice—never mind" Sabi ko kasi hindi naman alam ni Justice ang ginawa ko kagabi

"Doc Grayson!" sigaw ko nang makita siya, agad naman siyang huminto sa paglalakad at nilingon ako kaya agad kong tinakbo ang pagitan namin

"Doc" ani ko at hinabol na muna ang paghinga ko

"Oh bakit? Okay ka lang ba?" tanong niya

"Yeah. Gusto ko lang sana magtanong kung sayo ba galing to?" tanong ko at hinarap sa kaniya yung coffee na ngayon ay nangangalahati na

"Hindi. Kararating ko lang eh" sagot niya at tumango naman ako at agad na nagpaalam

"Si Thunder!" Sabi ko at agad na tumakbo palabas sa hospital at pumunta sa site

Nang marating ko ang site ay agad akong nagalit sa nakita ko;

"Ano ba!?" bulyaw ko kaya agad akong nilingon ng mga nurse

"Doc Stavros" ani ng iba

"Isa pa. Isa pang beses na mahuli ko kayo dito sa oras ng trabaho, suspended kayong lahat!" bulyaw ko "Go back to your stations! Now!" Sabi ko at agad naman nila akong sinunod

Nang mawala na sila ay agad kong pinuntahan si Thunder "Hi, Thunder. Good morning" bati ko at nginitian siya habang hingal na hingal pa din

"Good morning. Bakit?" tanong niya

"Pumasok ka ba sa opisina ko at binigay mo to sa'kin?" tanong ko at umiling naman si Thunder

Ano ba yan! Kanino ka ba kasi galing?

"Ako. Di mo ba ako tatanungin?" tanong ng isang baritonong boses na naging dahilan ng pagtingin ko kung saan galing yun at duon ko nakita si Autumn

Shit!

"Never mind" Sabi ko at umalis na

Shit! Shit! Shit!

Hindi ako lasing nun...Hindi ako lasing nang mahalikan ko si Autumn, I am totally fine nang mangyari iyon "Ahhhh! Tangina naman" singhal ko sa sarili ko at agad na ginawa ang rounds ko para mawala iyon sa isip ko

AUTUMN'S POV

Nang maghiwalay ang mga labi namin ay agarang sinalo ko ang katawan niya, maayos ko siyang pinangko bago dinala sa puwesto namin at nang marating ko ang puwesto namin ay sakto naman kasi naisipan na rin nilang umuwi. Nang makalabas kami sa club ay ako na mismo ang naglagay kay Winter sa loob ng kotse ni Thunder

"Goodnight" Sabi ko kay Winter bago hinaplos sandali ang buhok niya tsaka sinara ang pinto sa kotse ni Thunder

"Ingat sa pagmamaneho" sabi ko kay Thunder

"Ikaw din" sabi niya at tumango naman ako bago dumiretso sa loob ng kotse ko at nagsimula nang magmaneho pauwi

At habang nagmamaneho ay sandali naman akong huminto dahil sa traffic light at habang nakahinto ang sasakyan ko ay hindi ko naman maiwasan ang mapangiti nang mahawakan ang labi ko

Chasing WinterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon