CHAPTER 72: LUNCH

33 9 0
                                    

WINTER'S POV

Kakatapos ko lang gawin ang isang surgery kasama si Claire at masasabi ko na nakakapagod ang operasyon na yun dahil inabot kami ng dalawa't kalahating oras at habang nagpapahinga sa opisina ay naisipan ko namang tawagan ang boyfriend ko

Tinapat ko naman ang cellphone ko sa tenga ko bago napabuntong hininga nang wala na namang sumagot sa tawag, muli ko itong sinubukan pero katulad nang nauna ay wala pa ring sumasagot. Nang maibaba ko ang cellphone ko ay napatingin naman ako sa may pinto nang may kumatok dito

"Pasok!" sabi ko at tiningnan ko naman ang pumasok mula ulo hanggang paa at pabalik sa ulo niya

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko kay Autumn

"Binibisita ka. Gusto mo mag lunch together?" tanong niya at hindi naman ako makapaniwala sa tinanong niya

"Could you stop doing this shit" paki-usap ko sa kaniya dahil inis na inis na talaga ako sa ginagawa niya

"Stop what?" tanong niya na para bang hindi niya alam ang tinutukoy ko

"This! Kung ano man tong ginagawa mo" sagot ko bago tumayo sa kinauupuan ko

"Autumn, you have a self-proclaimed girlfriend at ayokong maging rumored kabit mo-"

"Ikaw ang nauna" sabad niya na mas nakadagdag sa inis ko

"You're married" dagdag ko

"Ikaw ang-"

"You couldn't accept it, am I right?" tanong ko

"Autumn" ani ko

"Just accept the fact! That YOU and I! Are no longer romantically involved with each other" singhal ko "Find yourself another toy to play with, please lang..." sabi ko bago siya tuluyang iwan at dumiretso sa banyo ng mga babae at pumasok sa isang bakanteng cubicle at pinakawalan na ang mga luha ko

Nangako ako sa sarili ko na hindi ko na ibabalik kung ano man ang nangyari sa nakaraan kasi alam ko na maaapektuhan lang nun ang kasalukuyan ko. Pero hanggang ngayon kasi masakit pa din eh, masakit pa din kasi ni minsan hindi ko nakuha yung eksplenasyon na gusto kong marinig mula kay Autumn, puro mga pesteng sorry niya lang ang naririnig ko.

Makalipas ang ilang minuto sa lood ng cubicle ay lumabas na ako at nagtungo sa may sink bago naghilamos. Tiningnan ko naman ang sarili ko sa salamin at mahinang natawa

"Who would have thought na iiyakan mo ulit siya?" sabi ko sa sarili ko bago muling binasa ang mukha ko

"You're a woman not a fucking toy. Kaya wag mo na siyang hayaan na paglaruan ka ulit. Bored lang siya kaya sunod ng sunod sayo" sabi ko sa sarili ko bago kinuha ang panyo sa bulsa ko at pinunasan ang basa kong mukha

Lumabas naman na ako sa banyo at tumingin sa pambisig kong orasan at nakita na may oras pa pala ako para mananghalian. Nakasalubong ko naman si Justice paglabas ko at nagtataka naman niya akong tiningnan kaya mas lumapit siya sa'kin

"Umiyak ka ba?" tanong niya

"Hmmm, Pero okay na ako. Don't worry" sagot ko bago siya nginitian

"Nandito lang ako" sabi niya at gulat pero natuwa naman ako nang yakapin niya ako

"Nag-lunch ka na?" tanong ko nang maghiwalay ang mga katawan namin

"Oo eh. Hinahanap nga kita kanina sa loob ng canteen" sabi niya at napatango na lang ko

"Gusto mo samahan kit-"

"Okay lang, Justice. Wag na. Baka may mga pasyente na kailanganin ka" sabi ko at tumango naman siya "Maghahanap na lang ako ng makakasama ko" dagdag ko bago ako nagpaalam sa kaniya at umalis na

Chasing WinterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon