CHAPTER 84: GOOD

26 9 0
                                    

WINTER'S POV

Nang madaanan ng sinasakyan namin ang Ice Cream Parlor na sinabi ko kay Justice ay dito na kami nagpababa na tatlo, at katulad nga ng sabi ko kanina habang nasa camping site kami ay para akong may alagang mga bata.

"Dahan-dahan Justice" sabi ko bago punasan ang gilid ng labi niya gamit ang tissue.

"Drei" tawag ko sa waiter.

"Ma'am Winter" anito nang makalapit sa table namin.

"Tissue pa nga—ay wait! Buong box na ng tissue yung ibigay mo sa'kin" sabi ko at tumango naman ito bago umalis.

"Seryoso ka ba?" tanong ko kay Autumn nang makita ang nakakalat na ice cream sa labi niya.

"Bakit?" tanong niya.

"Ang cute" sabi ni Justice na ikinangiti pa ni Autumn.

"Ma'am Winter ito na po" sabi ni Andrei at kinuha ko naman yung box ng tissue at pinunasan ang mga labi nung dalawa.

"Umayos ka nga sa pagkain, Mi Amor" sabi ko at nanlaki naman ang mga mata ko nang bigla kong sabihin yun kay Autumn.

(Mi Amor means my love in Spanish)

"Did you just...?" nakangiting tanong niya.

"Yeah I did. Shut up" sagot ko at tumango naman siya bago pinagpatuloy ang pagkain ng Ice cream nang may ngiti sa labi.

"Justice!" saway ko kay Justice at inosente naman niya akong tinignan.

"What?" tanong niya

"Eat properly" sabi ko at muling pinunasan ang labi niya.

"Ako din, Mi Amor" sabi ni Autumn at pinandilatan ko naman siya ng mata.

(Mi Amor means my love in Spanish)

"Tumigil ka nga!" saway ko bago bayolenteng pinunasan ang bibig niya.

"Ang sweet mo naman" komento ni Autumn at tinapon ko naman sa kaniya yung tissue.

"Winter! Anipsiá mou" napalingon naman ako dahil dun.

(Anipsiá mou means my niece in Greek)

"Oh My God! Justice Agóri mou" ani Theía nang makita si Justice kaya napatingin na rin ako sa kaniya at nagulat nang makita ang ice cream sa labi nito.

(Agóri mou means my boy in Greek)

(Theía means aunt in Greek)

"You didn't tell me na gusto mo palang maging bagong mascot ng mcdo" sabi ni Theía na ikinatawa namin.

(Theía means aunt in Greek)

"Takot po ako sa clowns" inosenteng sagot ni Justice.

"Oh! Just like Winter, takot sa mga clowns" sabi ni Theía habang pinupunasan ang bibig ni Justice gamit ang tissue

(Theía means aunt in Greek)

"Takot ka din sa clowns? Parehas tayo. Ang cool!" sabi nito at hindi ko naman naiwasan ang matawa dahil dun.

"How is it going?" tanong ni Theía kay Autumn referring sa site.

"We are doing good po" sagot ni Autumn habang nakangiti.

"Po?" tanong ko nang mapatingin sa'kin si Theía.

Lumapit ito sa'kin bago itapat ang labi sa tenga ko. "Tumawag sa'kin si Titus and he's asking about you, is everything okay?" bulong nito at ngumiti naman ako bago tumango.

Chasing WinterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon