CHAPTER 40: BACKFIRES

18 9 0
                                    

AUTUMN'S POV

Nang matapos ang trabaho ay agad akong umuwi at sinumulan ang blueprint sa bagong facility ng hospital na gustong gawin ni Winter

at habang nagawa ay bigla na mang may nag-text sa'kin, huminto na muna ako at tinignan kung sino yun

At nang makitang si Winter iyon ay agad ko itong binuksan at tumayo para buksan ang pinto sa condo ko

"Hi" bati niya at napangiti naman ako

"Hi" bati ko at pinapasok siya

"may dinner kasi si thunder at theía tatiana, kaya ako na lang pinapunta niya dito para tulungan kang gumawa ng blueprint" sabi niya habang nilalaro-aro si miracle

"paano ka gagawa ng blueprint?" tanong ko

"marunong ako" sagot niya na ikinagulat ko

"ok" yun na lang lumabas sa bibig ko at nagsimula na kaming gumawa ng blueprint pero sa totoo lang si winter lang ang gumagawa habang ako ay tulala pa rin sa kung paano siya natuto gumawa ng blueprint o kahit man lang mag-drawing

Napatingin naman siya sa'kin bago ako tinaasan ng kilay

"ok ka lang ba?" tanong niya sa'kin at tumango naman ako

"ano pa lang nangyari sa unang blueprint, bakit nasira?" tanong niya sa'kin

"ewan ko ba dun kay thunder, sabi niya sa'kin natapunan daw ng gli...tters" sagot at mukhang may ideya na ako kung sino ang nakasira ng blueprint

"glitters?" tanong niya at tumango naman ako at medyo nagtaka kung paano natapunan at anong ginawa nun sa condo ni thunder

Bumalik naman ako sa pag-iisip nang biglang may tumahol kaya tumingin ako sa ibaba at nakita si Miracle, agad ko naman siyang kinuha at nilapag sa hita ko

"Hi..." masayang bati ni winter kay miracle habang abala pa din ito sa pag-gawa ng blueprint

"Hey, twenty-fourth wish?" tanong ko kay winter habang nilalarolaro si miracle

"dinner tayo..." sagot niya at tumango naman ako bago tumayo at halikan siya sa noo

Dumiretso naman ako sa kusina para magluto ng dinner namin ni winter

Makalipas ang ilang minuto ay natapos din ako sa adobong manok at atay na niluto ko kaya naman pinuntahan ko na si winter sa kuwarto ko

"winter, kain na tayo" sabi ko at itinabi na muna niya ang ginamit bago tumayo at sabay naman kaming dumiretso sa dining area para kumain

"uy! favorite ko" sabi niya ng makita ang adobong atay

"upo na" sabi ko at pinagtulak siya ng upuan

"Hmmm" yun ang mga lumabas sa bibig ni winter nang magsimulang kumain

"sarap?" tanong ko at tumango naman siya

"so, kamusta naman araw mo?" tanong ko at nagsimula naman siyang magkuwento sa mga nangyari sa araw niya ngayon

Matapos namin mag-dinner ay bumalik naman na siya sa pag-gawa ng blueprint habang ako naman ay naghugas na ng pinagkainan namin

Nang matapos ay agad akong dumiretso sa kuwarto ko para tignan ang ginagawa ni abi

"Wow..." bulong ko ng makita ang gawa niya. kumuha naman ako ng upuan at tumabi sa kaniya

"paano ka natututo gumawa ng blueprint?" tanong ko

"architecture naman kasi dapat ang course ko, kaso..." huminto naman siya at tumingin sa'kin

Chasing WinterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon