CHAPTER 51: SURGERY

20 7 0
                                    

WINTER'S POV

Matapos kong sabihin yun kena Summer ay nakasundo na din na kami ni Autumn ang mag-oopera sa kaniya...yun ay kung papayag ito

Kinabukasan pumasok at akmang papasok sa loob ng kuwarto ni Sebastian ay nakarinig naman ako na may kausap ito. aalis na sana ako pero nakuha ng atensyon ko ang isang sigaw ko kaya inilapat ko ang tenga ko sa may pintuan

"Ayaw ko nga!" sigaw ng isang baritonong boses

"Sebastian tumigil ka nga!" sigaw ng isang babae at boses iyon ni tita Nyssa "para kang bata" dagdag nito

"Ganun mo na ba talaga kagusto makasama si Danica ha?! kaya gagawin mong excuse na ayaw mong si Winter at Autumn ang mag-opera sayo?!" bulyaw ni tita Nyssa at natahimik naman ang kuwarto

"Sabihin mo lang...para maihanda ko ang divorce papers, gusto ko naman maging masaya pag namatay ka na" huling sabi nito bago ako nakarinig ng yabag kaya umatras ako at nagkasalubong naman ang mga mata namin bago siya tuluyang umalis at ako naman ay pumasok sa loob

"Anong ginagawa mo dito?" tanong nito sa isang malamig na tono pero hindi ako nito napagilan na gawin kung ano ang dapat kong gawin

"Ayokong operahan mo ako" sabi nito habang chinecheck ko ang vitals niya

"wala naman kayong choice" sagot ko

"anong gusto mong gawin ko after nun?" tanong niya "lumuhod sa harap mo at mag thank you o kaya naman eh mag sorry" sabi nito at natawa kaya tinignan ko siya at napatigil naman siya

"simpleng thank you ay okay na ako, hindi niyo na kailangan humingi ng tawad sa'kin—sabihin niyo na lang yan sa asawa niyo" sabi ko at yumuko ng bahagya bago lumabas na ng kuwarto niya

Naabutan ko naman si tita Nyssa sa may waiting chair. tulala lang ito pero patuloy ang pagtulo ng luha sa mga nito

Maganda si tita Nyssa, hindi halata ang edad nito sa itsura at katawan

Morena at maganda ang kutis niya, makinis at halatang hindi niya pinapabayaan at parang hindi naman ito nanganak ng tatlong beses sa hubog ng katawan nito

Mabait at maintindihin din si tita Nyssa, mapagmahal at maalagain, Hindi ko na nga lang maintindihan kung bakit hindi pa magawang mahalin ni Sebastian si tita Nyssa

"Tita..." ani ko bago umupo sa tabi niya

Natauhan naman siya bago umayos ng upo at tinignan ako

"kamusta siya?" tanong niya habang pinupunasan ang luha at bakas sa boses nito ang pag-aalala

"Maayos naman po ang lagay niya, sadyang kailangan na talaga natin masimulan ang operasyon niya" sabi nito at tumango naman ito

"Pag natapos ang operasyon niya at buhay pa siya...I'll divorce him" sabi nito at ibinaling ang tingin sa ibang direksyon

"Malalaki na naman na ang mga anak namin, maiintindihan naman na nila yun" napangiti naman ito "karapatan ko din naman maging masaya"

"Mahal ko si Sebastian pero sa tingin ko ngayon na yung tamang panahon para hiwalayan siya at sarili ko naman ang mahalin ko, ilang beses na kasi akong nawala eh kaya hindi ko na alam kung sino pa ba ako" lintaya niya at hinawakan ko naman ang kamay niya

"nandito lang po kami tita" sabi ko at inihiga naman nito ang ulo sa balikat ko

"salamat hija" sabi nito at hinagod ko naman ang likod niya

Makalipas ang ilang minuto ay nag-usap na kami ni Autumn sa kung anong mangyayari sa operasyon niya

"Nasaan pala si Forrest?" tanong ko

"nandun binibisita si Daddy" sagot nito

"I hope maging okay yung operasyon" sabi ko at hinawakan ang kamay niya at niyakap naman niya ako

Kinabukasan ay agad na dinala si Sebastian sa Operating room at sakto naman dahil naghuhugas na ako ng kamay

"Hi doc" bati sa'kin ng mga nurse at nilagyan naman na nila ako ng surgical gloves at nakita ko naman si Autumn na sinisimulan ng buksan yung parte na ooperahan namin

"Ikaw na?" tanong nito at tumango naman ako

Nang makaupo ako ay agad kong binuksan ang dura at ng makita ko ang tumor ay Inoverlay ko naman ang dura at tumor capsule are devascularized using bipolar cautery

gumamit naman ako ng CUSA para ma-decompress ang tumor at dahan-dahan na tinatanggal ang tumor

Borders between the tumor and regular brain tissue is carefully developed, isolating the tumor at habang tinatanggal ang tumor ay napatingin naman ako kay Autumn na nanginginig ang kamay

kaya naman maingat kong tinanggal ng tuluyan ang tumor

Cavity of the tumor resection site was inspected to ensure no residual tumor present

Inabot naman sakin ni Autumn ang isang Hemostatic agent para ma-coveran ko na ang surgical site matapos ay nilagyan ko na ito ng Duraplasty (placement of synthetic dura) at nilagay ko naman ang bone flap pabalik sa ulo niya gamit ang titanium micro-plates

Yung borders naman sa pagitan ng bone flap at cranium ay nilagyan ko ng synthetic bone for cosmetic reasons (to avoid sinking skin)

"and we're done!" sigaw ko at masaya naman sila matapos kong tuluyan na maisara

Nang makalabas kami ni Autumn ay agad kaming naghugas na kamay at naglakad na papunta sa kuwarto ni Justice kung nasaan ang mga mommy niya at mga kapatid niya

"so Anong ambag mo sa surgery na yun?" tanong ko sa kaniya habang naglalakad kami at natawa naman siya bago ako halikan sa labi 

"yun na yun?" tanong ko at mas lalo naman siyang natawa

Matapos namin maibalita na ayos na ang lahat ay nagsagawa naman kami ng post operative MRI at pinakita naman nito ang complete resection ng tumor with no injury to surrounding neuro-vascular tissues

Makalipas ang ilang linggo ay nagkamalay naman na si Sebastian Velez habang chinecheck up ko siya ngayon ay napatigil naman ako ng hawakan nito ang kamay ko

"puwede mo ba akong ilabas?, kahit sa garden lang" sabi nito at agad naman akong nagpatulong na maisakay siya sa wheelchair bago ko siya tinulak palabas papunta sa garden

Nang makarating kami dun ay naupo naman ako sa bench habang siya naman ay nasa harap ko lang at pinagmamasdan ang tatiana's cafe na tapos na at may mga nurse at doctor na din na nandun at syempre mga kamag-anak ng mga pasyente

tahimik lang kaming dalawa at habang nakatitig ako sa sahig at nakita ko naman ang pagharap ng wheelchair niya kaya napatingin ako sa kaniya

"I'm sorry" sabi niya sa'kin pero hindi ko iyon pinansin at muling tumingin sa sahig

"I was...trying to protect you" dagdag niya kaya muli akong napatingin sa kaniya

Chasing WinterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon