CHAPTER 53: FIRST KISS

25 8 0
                                    

WINTER'S POV

Hindi ko naman maiwasan ang maiyak habang naglalakad kami papasok sa loob ng airport. dala-dala ni Autumn at Forrest ang bagahe ng kanilang ama dahil uuwi na ito pabalik sa spain

"Dito na ako" sabi nito ng lingunin kami

Kinuha naman nito ang gamit sa mga anak at tinignan kami isa't-isa bago kami niyakap

"Umiiyak ka pa din?" tanong nito sa'kin at natawa namans sina Summer

"I just feel useless dahil hindi man lang nagtagumpay yung plano natin" sagot ko habang yakap-yakap si tito Sebastian

"Plan B pa naman kami daddy eh" dagdag ni Autumn at humiwalay naman na ako sa yakap

"Hijo..." panimula nito bago tinignan si Autumn

"Mahal ko ang mommy niyo...at kung magiging masaya siya sa paghihiwalay namin..." ngumiti naman ito bago pinagpatuloy ang pagsasalita

"as long as masaya siya kahit na nasasaktan ako...I'm fine with it. Her happiness is more important" pagtapos nito bago niyakap si Autumn

Nang maghiwalay ang mga katawan nila ay tinuro ako nito habang nakatingin pa din kay Autumn

"Ingatan mo na to ah" sabi niya at napangiti naman ako at tumango naman si Autumn

"Don't worry, iingatan ko na siya" sabi ni Autumn

"I'll see you in spain" sabi nito sa'min at muli kaming tinignan sa huling pagkakataon

"See you" sabi namin at kinawayan siya ng maglakad na ito papalayo sa'min

Habang naglalakad palabas ng airport ay nakahawak naman si Autumn si beywang ko habang binubulungan ako

"You did everything you can do, kaya okay na yun" bulong niya hanggang sa makasakay kami ng sasakyan

Dumiretso naman kami sa hospital at binisita si Justice dahil ngayong araw na ang labas na

"Okay ka lang ba?" tanong sa'kin ni Justice

"Huh? Oo naman" sagot ko

"di ka mukhang okay, kanina ka pa tulala" sabi nito bago ilapat ang palad sa noo ko

"Hindi ka naman nilalagnat" hinawakan ko naman ang kamay niya bago inilapat ang palad niya sa pisngi ko

"sorry" ani ko habang nakatingin sa'kin

"Hanggang kailan ka ba magso-sorry sa'kin?" tanong nito "parang sa tuwing bibisita ka sa'kin lagi kang magso-sorry"

"Ate..." ani niya at inilapat na din ang isang palad niya sa isang pisngi ko

"wala kang kasalanan, kaya kahit ilang beses ka pang mag sorry diyan hindi kita papatawarin dahil wala ka namang ginawang masama in the first place" dagdag niya

"ang sarap naman pakinggan nung ate" sabi ko bago ngumiti at napangiti naman siya

"let's go" sabi niya bago tumayo sa kama at nakaangkla naman ang kamay ko sa kamay niya ng makalabas kami

"Nasaan pala si Autumn? bigla na lang siyang nawala ng pumasok ako sa kuwarto mo" tanong ko

"Baka nandun sa site, pupuntahan daw niya si Thunder eh" sabi nito at napatango-tango naman ako bago kami naglakad papunta sa site ng bagong faculty

"Autumn!" sigaw ni Justice na nakakuha sa atensyon ni Autumn kaya lumayo na ito kay Thunder at nilapitan na kami

"tara na?" tanong nito

"Huh?" tanong ko "Hindi ka ba abala dito sa site?"

"Hindi naman and besides nandito naman si Thunder tsaka si Asier kaya It'll be fine" sagot nito bago hawakan ang kaliwang kamay ko at naglakad naman na kaming tatlo palabas ng hospital at pauwi sa bahay

Chasing WinterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon