CHAPTER 76: COFFEE AND COOKIES

47 9 1
                                    

WINTER'S POV

"Here" ani Autumn at inabot sa'kin ang isang card

Nang nasa kamay ko na ay nagulat naman ako nang makitang isa itong lisensya sa pagiging doktor "I study the medical field in California, kaya meron akong dala-dalang license" paliwanag nito at nanatili naman ang tingin ko sa lisensya niya

"I am not just an Engineer. I'm also a doctor...A neurosurgeon to be specific" dagdag niya at tumango na lang ako

"So, puwedeng ako ang mag-opera kay Enzo"

"Puwede rin ako" sabi ni Charles kaya tiningnan ko na sila

"Edi gawin niyong dalawa" sabi ko bago ihagis pabalik kay Autumn ang lisensya niya

"Ano? Kaya niyo bang hindi mag-away habang ginagawa tong surgery na to?" tanong ko at tumango naman si Autumn

"Ay! Weh?" tanong ni Charles at agad namang napatingin sa kaniya si Autumn

"Siguraduhin niyo yan ah" sabi ko bago tumayo nang ayos "Thanks sa coffee" dagdag ko bago kinuha ang coffee sa lamesa tsaka lumabas ng opisina

Hmmm~ cappuccino

"Winter!" napalingon naman ako dahil dun at nakita si Justice

"Hey..." ani ko at pinagmasdan siyang tumakbo papalapit sa'kin

Hingal naman itong huminto sa harap ko bago ipadaan ang kamay sa buhok nito "meryenda na tayo?" Sabi niya at tumango naman ako

"Tara" ani ko at naglakad na kami papunta sa canteen ng hospital at nagmeryenda na

Kinabukasan ay agad akong pinatawag sa opisina ni Tito Ace at nang makapasok ay agad akong umupo sa mahabang sofa at sinabi ko ang desisyon ko tungkol kay Enzo

Maya-maya pa ay pumasok na rin sa loob ng opisina si Charles at sunod ay si Autumn;

"Sinang-ayunan ko na yung desisyon ni Winter na kayong dalawa ang mag-opera sa isang pasyente niya" panimula nito "At na ikuwento din niya sa'kin na mainit ang dugo niyo sa isa't-isa" dagdag nito

"Truce na po muna kami" napatingin naman ako kay Autumn dahil duon

"Yeah. Truce" dagdag ni Charles

"Well, kung napag-usapan niyo na rin naman. Good luck na lang sa inyo" sabi ni Tito Ace

"Thank you for your time, Go back to your duty" sabi nito at agad naman kaming tumayo at umalis na sa opisina niya

"Wanna have lunch together?" tanong ni Winter

"I have surgery to do" sagot ko

"How about coffee mamayang meryenda?" tanong naman ni Charles

"I have surgery to do!" bulyaw ko bago sila tuluyang iwan

Makalipas ang ilang oras ay lunch na pero imbis na pumunta sa canteen para kumain ay heto ako, nasa labas ng MRI scan room kung saan hinahanda si Enzo para sa isang MRI scan

"Winter..." napatayo naman ako nang ayos nang marinig ang pamilyar na baritonong boses na iyon

"Gusto ko kayong patayin" paglabi ko

"Huh?" tanong niya kaya hinarap ko na siya

"Winter-"

"Gusto ko kayong saktan" sabad ko "gusto kong maramdaman niyo din yung sakit na nararamdaman ko"

"Sorry ha, napilitan ka pang gawin lahat nang yun" dagdag ko

"Winter..." aniya at pinunasan ko naman na ang luha na tumulo mula sa mata ko

Chasing WinterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon