CHAPTER 39: BLUEPRINT

22 8 0
                                    

AUTUMN'S POV

Matapos ang mangyari sa music room ay pumunta na muna ako sa canteen para kumuha ng maiinom para sa'kin at kay winter

Nang makabili ako ng strawberry milk at chocolate milk ay agad kong pinuntahan si Winter sa may locker namin dati. Nang marating ko iyon ay natagpuan ko siyang nakasandal ang siko sa may harang dito sa second floor at tahimik na nakatingin sa kung saan

"Malayo ang tingin..." ani ko at tinignan naman niya ako at ngumiti. nilapitan ko naman siya at binigay ko naman sa kaniya ang strawberry milk niya

"pumunta ka dito dahil na miss mo ko?" tanong ko at tinignan naman niya ako

"Di ah. ni hindi ko nga alam na nandito ka eh" sabi niya at ininuman ang strawberry milk niya

"so....maganda pa din ang boses mo" panimula ko

"thank you..." sabi niya

"may gusto ka bang itanong?" tanong niya "you look bothered about something" dagdag niya

"I-i-didivorce mo na ba ang asawa mo?" tanong ko at tinignan naman niya ako

"bakit mo na itanong?" tanong niya

"It's just that theres happening between us and all....are you going to divorce him or it's already on process?" tanong ko

"No...I can't divorce him" sagot niya na ikinatigil ng mundo ko

WINTER'S POV

"No...I can't divorce him" sagot ko

at tahimik na tinignan ang unti-unting pagbuhos ng ulan

"Why?" tanong niya at bakas sa boses nito ang pagkairita

"I just can't" sagot ko

"Winter..." ani niya at muli ko naman siyang tinignan

"Why can't you. Ako ang nagpapasaya sayo, ako ang nag-aalaga at nagpapahalaga sayo"

"ako ang nandito at higit sa lahat ako ang naka-una sayo"

"and do you know what that means?" tanong niya at nanatili naman akong nakatingin sa kaniya

"you're cheating on him" sabi niya

"I'm not..." ani ko

"You're not?" tanong niya at bahagyang natawa

"Winter, divorce him and marry me instead" sabi niya at hinawakan ang magkabila kong pisngi, ipinikit naman niya ang mga mata niya bago huminga ng malalim

"twenty-third wish?" tanong niya habang nakatingin direkta sa mata ko

"bigay ko na lang sayo" sagot ko at napaisip naman siya. Tumingin siya sa baba bago muling tumingin sakin

"dance with me" sagot niya

"Huh?" tanong ko pero imbis na sagutin ako ay hinila lang niya ako papunta sa baba

"Tara!" aya niya bago pumunta sa may gitna ng parking space

"naulan..." ani ko

"halika na" Sabi niya at wala naman akong nagawa kundi ang samahan siya at dahil na rin sa lakas ng ulan ay agad akong nabasa

"here" ani niya bago ako nilagay ang isang pares ng airpods niya sa tenga ko at ang isa naman sa tenga niya

"Every time in my mind
I'm telling myself
Should I'll be?
Who will be?
The man who will hold your hand"

hinawakan naman niya ang kanang kamay ko gamit ang kanang kamay niya at ang kaliwa naman ay nasa beywang ko

"Whenever I close my eyes" pagkanta niya at isinandal ko naman ang ulo ko sa balikat niya habang unti-unting dumuduyan ang katawan namin

Chasing WinterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon