CHAPTER 83: ICE CREAM

33 8 0
                                    

WINTER'S POV

Nang makagawa na si Thunder ng apoy ay agad kaming umupo medyo malapit dito at nagsimulang magkuwentuhan. Maya-maya pa ay nagsimula na din kaming mag-laro ng truth or dare;

"Okay, Autumn truth or dare?" tanong ni Jaycee kay Autumn bago inuman ang alak nito.

"Truth" sagot nito at pumormang 'O' naman ang bibig ni Justice dahil dun.

"Aba! Matapang" sabi ni Jaycee na ikinangisi ni Autumn.

"Wala naman akong tinatago" sabi nito.

"Sinong first kiss mo?" agad na tanong ni Jaycee na ikinawala ng ngiti nito.

"Si Kuya, tangina kasi!" sagot niya at hindi ko naman naiwasan ang matawa.

"Anong nangyari? Ikuwento mo" pagpilit nina Jaycee na mas ikinalakas ng tawa ko.

"Ganito kasi yun..." panimula niya. "Nag-away kasi kami nun ni Kuya tapos sabi ni Mommy magbati na daw kami kundi kukunin niya yung phone namin"

"So ang nangyari ayun nag sorry kami sa isa't-isa tapos sabi ni Mommy kiss daw namin yung isa't-isa, eh walang kumikibo sa'min"

"So ayun, tumagilid ako para halikan si Kuya kaso tumagilid din pala siya!" sigaw nito na ikinatawa nina Jaycee. "Nahalikan tuloy namin yung isa't-isa"

"Winter, full moon oh" sabi ni Justice kaya napatingin sila sa kalangitan puwera lang sa'kin. "Bakit ayaw mong tignan? Maganda siya Winter" sabi ni Justice habang inosenteng nakatingin sa'kin.

Pilit akong ngumiti bago sumagot. "I don't like moons" sagot ko at napatingin naman silang lahat sa'kin bago napatingin kay Autumn.

"I despise moons" seryosong sabi ko na nagpawala sa ngiti nito.

"Sorry" ani Justice at umiling naman ako.

"It's not your fault that I hate them" sabi ko bago tignan si Autumn. "Right?" tanong ko sa kaniya.

"Yeah, It's not your fault Justice" pagpapabuti ni Autumn sa loob ni Justice.

"See, I told you it is not your fault" nakangiti kong sabi at muli naman itong ngumiti.

"Okay!" sigaw ni Jaycee bago akbayan si Kuya Forrest. "Sinong next?" tanong nito at pinag patuloy na namin ang paglalaro.

Makalipas ang ilang oras ay isa-isa na silang nagsipasukan sa loob ng mga tent nila habang ako ay nakaupo pa rin malapit sa apoy na ngayon ay kapapatay lang ni Autumn;

"Hindi ka pa ba inaantok?" tanong ni Autumn nang makaupo sa tabi ko.

Tumingin ako sa aking relong pambisig at nakita na 11:00 na pala ng gabi. "Hindi pa" sagot ko. "Nasanay na siguro akong nagpupuyat"

"Hindi mo dapat ginagawa yan" sabi ni Autumn na ikinatawa ko ng bahagya.

"Doktor ako. Ano pa bang inaasahan mo, kahit na anong oras kailangan ako sa hospital nuh" pagpapaalala ko dito.

"Kahit na, di rin maganda na nasasanay yung katawan mo sa kapupuyat. You should rest properly pa rin kahit na ganun" sabi niya.

"Thirteenth wish" sabi ko dahilan para mapatingin ito sa'kin.

"Gantong oras?" tanong niya at tumango naman ako.

"Late night swim tayo" sagot ko na ikinakunot ng noo niya.

"Saan naman?" tanong niya at hinawakan ko ang kamay niya tsaka hinila papunta sa isang lawa dito sa camping site.

"Ganda diba?" nakangiti kong tanong.

Chasing WinterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon