CHAPTER 89: CRANIOTOMY

22 8 0
                                    

GRAYSON'S POV

"Doc..." pagsalubong sa'kin ni Claire habang papunta ako sa kuwarto ng mga VIP patients.

"Yes Claire?" tanong ko nang maharap na ito.

"Tawag po kayo ni Doc Ace sa office niya, urgent daw po" sagot nito at napatango naman ako.

"Sige sige, thank you" sabi ko bago tinawagan si Oshea para siya na lang ang mag check sa mga pasyente dito.

"Hello, Doc" sagot nito.

"Are you busy?" tanong ko bago bahagyang iyuko ang ulo ko nang may bumati sa'kin. "Good afternoon po" bati ko pabalik.

"Hindi naman po, Why doc?" sagot nito sa'kin.

"Can you do me a favor and check the patient at VIP room 106, Kailangan ko pa kasing pumunta sa office ni Doc Ace and it's urgent" sagot ko at pumasok na sa elevator bago pindutin ang floor kung nasaan ang opisina ni Ace.

"Sige po Doc, on the way na po" sabi nito na nagpangiti sa'kin.

"Sige, salamat" sabi ko at pinatay na ang tawag.

Nang bumukas ang pinto ng elevator sa exact floor kung nasaan ang office ni Doc Ace ay agad na akong lumabas at naglakad na papunta sa opisina niya.

"Pasok!" sabi sa loob matapos kong kumatok.

Nang buksan ko ang pinto ay bumungad sa'kin ang isang lalaki na sa tignin ko ay kasing edad lang ni Winter;

"Good afternoon" bati ko bago tuluyang pumasok.

"Have a seat" sabi ni Doc Ace at agad naman akong umupo dun sa tapat nung lalaki.

"This is Song Hyo-Wook, he is an athlete in Korea and part of the national team" sabi ni Doc Ace at bahagya ko namang niyuko ang ulo ko dito at ganun din siya.

"Nice to meet you" sabi ko at nakipagkamayan pa sa kaniya.

Inihilig ko naman sa kanan ang ulo ko nang mapansin ang kamay nito na nanginginig.

"Bakit mo ako pinatawag?" tanong ko kay Doc Ace habang ang mata at atensyon ko ay nasa kamay pa din ni Hyo-Wook.

"Well, supposedly ibibigay ko sana to kay Winter pero kasi halata naman na sobrang busy na niya. Kaya, sayo ko na ibibigay" sagot niya at tumango naman ako.

"Okay!" ani ko bago tingnan si Hyo-Wook. "Shall we start your check-up?" tanong ko at tumango naman ito.

Nang makarating kami sa opisina ko ay agad kong sinimulan ang check-up sa kaniya at nang malaman na namin ang dahilan ay agad kong pinaliwanag sa kaniya ang dahilan ng sakit niya.

"So as you can see it is not really because of alcohol" paglinaw ko sa kondisyon niya na tremor.

(Tremor is a rhythmic shaking movement in one or more parts of your body. it is involuntary, meaning that you cannot control it. A tremor is most often in your hands, but it could also affect your arms, head, vocal cords, trunk, and legs)

"If it's not because of alcohol what might've cause it?" tanong niya sa'kin.

"It might've been because of fatigue after exercise, extreme emotional distress, some prescription drugs, alcohol, and drug withdrawal, there are many causes though" sagot ko bago muling tingnan ang results ng exams na ginawa sa kaniya.

"It's curable, right?" tanong nito at tumango naman ako bago ibalik sa kaniya ang tingin ko.

"We can do the surgery after a month, so that your body-"

"Why can't we not do it now?" tanong niya at bakas naman sa boses nito ang pagmamadali.

"As I was saying...so that your body can be prepared for the Craniotomy surgery" sagot ko.

Chasing WinterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon