WINTER'S POV
Pagpasok ko sa opisina ay agad na bumungad sa'kin ang Coffee na nasa ibabaw ng lamesa ko at katulad nung iba ay may nakadikit ding sticky notes dito. At ngayon ay kumpirmado na nga na kay Autumn galing ang mga ito
Hi. Good morning. First wish later♡
Agad ko namang kinuha ang sticky notes at idinikit ito sa journal ko, sayang naman. Agad kong ininuman yung coffee at nagpatuloy na sa araw ko. Nang dumating na ang lunch ay panay ang tingin ko sa paligid, tinitingnan kung nandun ba si Autumn o wala. As long as possible gusto ko siyang iwasan.
At nang marating ko ang site ay sinilip ko na muna kung nandun siya at nakahinga naman ako nang maayos nang makitang si Thunder lang ang nanduon
Umalis siguro siya...
"Sinong sinisilip-silip mo-"
"Pukingina!" napalingon naman ako dahil dun at muntikan pang matumba pero buti na lang at agad niya akong nasalo
"Bitawan mo nga ko!" sabi ko bago itulak palayo sa'kin ang katawan niya
"Ano bang meron? Sinong sinisilip-silip mo diyan?" tanong niya habang tumitingin din sa may paligid ng site
"Wala! Piste!" bulyaw ko at agad na naglakad papunta sa canteen
"Tara! Ang bagal mo" sabi niya at hinila na ako papunta sa canteen, agad naman kaming umorder at naghanap na ng bakanteng upuan at lamesa
"Eat well" aniya sa'kin bago kami magsimulang kumain
Halos buong school year namin ay sinasabi ko iyon sa kaniya, pero ngayon na ako na ang sinasabihan...ang cringy palang pakinggan.
"May strawberry shake sila ngayon. Gusto mo?" tanong niya at umiling naman ako
"Guys!" napalingon naman ako at nakita si Justice, naglakad naman ito papalapit sa'min bago nilapag ang tray nito sa lamesa tsaka tumabi sa'kin
"Hi, Winter" bati niya sa'kin at nginitian ko naman siya
"Eat well" sabi ko sa kaniya at ngumiti naman si Justice bago nagsimulang kumain
Nang umayos na ako nang upo ay hindi ko naman maiwasan ang matulala kay Autumn lalo na nang makita ang pagdilim ng aura nito, it looks like he's planning to murder someone.
"May problema ba?" tanong ni Justice kay Autumn
Ngumiti naman si Autumn bago sumagot "Wala..." napatingin naman ako sa kamay nito nang mahagilap ng mga mata, halos labas na kasi ang mga ugat sa kamay niya at medyo naaawa na din ako sa kubyertos na hawak niya
"Ganiyang kamay yung gusto mo Winter diba?" tanong ni Justice
"Huh?" tanong ko at tinuro naman niya ang kamay ni Autumn
"Ganiyan. Yung tipong hindi mahirap hanapin yung ugat" paglinaw niya at hindi ko naman maiwasan ang matawa bago tumango
Makalipas ang ilang oras ay oras na para umuwi pero nang marating ko ang parking lot ay agad na sumalubong sa'kin si Autumn, nakasandal ito sa harapan nang sasakyan niya at abala sa paglalaro sa susi ng kotse niya
Napatayo naman ako nang ayos nang tumingin ito sa gawi ko at umayos na siya nang tayo bago naglakad papalapit sa'kin
"Hi, Good afternoon" masayang bati niya "It's a rough day but you still look very lovely"
"Ano bang kailangan mo?" tanong ko "And shouldn't you be home by now, I'm sure naghihintay na ang asawa mo sa bahay niyo"
"Or maybe yung kabit mong reklamadora" dagdag ko bago pa siya makapagsalita
"Alam ba ng asawa mong nilalandi mo ko?" tanong ko completely worried because people might mistake me to be one of his mistress
"First wish?" tanong at sagot niya once he got finally the chance to talk
"First wish ko? Ay gusto kong malaman kung bakit mo ba to ginagawa?" sagot ko
"Because I want you back" simpleng sagot niya
"Matuto kang makuntento sa asawa mo" sagot ko
"And I'm taken" dagdag ko pero parang dini-decline naman iyon nang sikmura ko
"Wala akong pakialam kung taken ka na. Hangga't hindi ko nakikita ang boyfriend mo at hangga't wala siyang ginagawa para kunin ka..."
"You're mine, and I will try my very best para proud mo ulit na masabi na akin ka" pagtapos niya
"You're disgusting" komento ko bago umalis sa harap niya at dumiretso na sa kotse ko tsaka nagmaneho na pauwi
BINABASA MO ANG
Chasing Winter
Novela Juvenil[READ CHASING AUTUMN FIRST, THIS IS THE BOOK 2] Sixteen years had past in their lives and there is no denying the changes that have taken place in their looks, posture and status in life. Obviously, the same goes for their relationships. Can Autumn...