CHAPTER 52: FORGIVEN

17 7 0
                                    

WINTER'S POV

"I'm sorry" sabi niya sa'kin pero hindi ko iyon pinansin at muling tumingin sa sahig

"I was...trying to protect you" dagdag niya kaya muli akong napatingin sa kaniya

Mapakla naman siyang napangiti bago napayuko "That's my way of protecting someone..."

"By hurting them?" tanong ko at napatingin naman siya sa'kin

"unintentionally, yes" sagot nito

"Anak ko si Autumn...alam ko kung paano siya kumilos at mag-isip, I also know how fragile his ego is and at the same time his raging anger issues—na ako naman ang dahilan kung bakit meron siya nun"

"Alam ko na nasasaktan ka ng anak ko, that's why sinubukan kong paglayuin kayo, para magbago muna siya at maging karapatdapat para sayo at ginawa ko din yun to protect you" napayuko naman ako dahil dun

"dahil anak ako ng babaeng mahal mo?" tanong ko

"bakit anak ka ba ni Nyssa?" tanong nito kaya napatingin ako sa kaniya "huh?" ani ko

"Sabi mo, kung pinoprotektahan ba kita dahil sa anak ka ng babaeng mahal ko?—anak ka ba ni Nyssa? anak ka ba ng asawa ko?" paglinaw nito sa sinabi niya

"Mahal niyo siya?" tanong ko at ngumiti naman siya sa'kin bago iyon sagutin

"Oo naman" sagot nito

"pero bakit hindi niya maramdaman yun?" naglaho naman ang ngiti sa labi niya ng itanong ko iyon

"dahil nasaktan ko siya...nasaktan ko siya nung sinaktan ko si Forrest" napatingin naman ito sa mga daliri nito bago nagpatuloy "Naging malamig at masama ang imahe ko sa kaniya simula nung mangyari yun—pero nanatili siya sa tabi ko"

"Gusto ka niyang hiwalayan, alam mo ba yun?" tanong ko "I'm aware" sagot nito

"Actually, matagal na niyang gustong gawin yun" dagdag niya

"pero bakit wala kang ginagawa?" tanong ko "Cause I'm busy protecting you—"

"But why?!" galit na tanong ko

"Cause it's a promise I must fulfill" mahinahong sagot nito

"Nakita ko..." panimula nito at bahagya namang naluha ang mga mata niya "Nakita ko kung paano pinatay ang mommy mo"

"Kaya nangako ako—nangako ako na poprotektahan kita para sa kaniya" pagtapos nito at tumulo naman na ang luha nito

"pero hindi ko akalain na sa sariling anak ko pa pala kita kailangang protektahan" dagdag nito bago tuluyang mapahagulgul

Hindi ko na rin napigilan ang maiyak. hinawakan ko naman ang kamay niya bago kaya napatingin ito sa'kin

"you have done enough...you're forgiven, Sebastian...you're forgiven" sabi ko at pinunasan naman nito ang luha ko bago ako yakapin

Nagmahiwalay ang mga katawan namin ay pinunasan namin ang mga luha namin bago natawa sa isa't-isa

"it's time for you to save your marriage, win her back—I'll help you" sabi ko at nginitian naman ako nito

"tutulong din ako syempre" napalingon naman ako dun at nakita si Forrest

Napatingin naman ako kay Sebastian at nakitang masaya itong ng makita ang anak at mas lalo na ng yakapin ito ni Forrest

"Si tita Nyssa ba yun?" tanong ko sabay turo sa bulto niya

iniikot naman ni Sebastian mag-isa ang wheelchair niya bago niya tuluyang nakita si tita Nyssa na nakangiti habang may kausap—si Doc Grayson

"Who the hell is that is guy?" tanong ni Sebastian sa isang malamig na tono ng boses

"Forrest, itulak mo ako papalapit dun" utos nito pero hinawakan ko naman ang kamay ni Forrest para pigilan ito

"Forrest!" sigaw nito at tinignan naman na ako ni Forrest kaya umiling ako senyales na wag niyang itulak

"Forrest! ano ba?!" tanong at napatayo sa kinauupuan ng lingunin kami

"nakakatayo ako?" takang tanong nito ng makitang nakatayo ang sarili

"Oo naman, sadyang maarte ka lang at nagpasakay ka pa diyan. taka nga ako?" sabi ko

"tara na" sabi nito pero pagtingin naman kung nasaan kanina si tita Nyssa at Doc Grayson ay wala na ito dun

"Nasaan na yun?" tanong nito ng lingunin kami ni Forrest 

ngumuso naman kami ni Forrest bilang sagot sa tanong niya, lumingon naman ito at nakita na ang asawa

"K-kanina ka pa diyan?" tanong nito

"ngayon-ngayon lang" sagot ni Tita Nyssa at nginitian naman kami ni Forrest

"Ah!" bilang sigaw ni Sebastian

"ang sakit" sabi nito habang sapo-sapo ang ulo at naupo sa wheelchair

"teka! saan?" nag-aalalang tanong ni tita Nyssa kay Sebastian

"Ang sakit" reklamo nito bago hawakan ang kamay ng asawa "huh? ano bang nangyayari sayo? Winter hija, paano ba to?" tanong nito sa'kin

"Hatid mo ako sa kuwarto ko" sabi nito "tapos?" tanong ni tita Nyssa

"lock natin yung pinto tapos sundan na natin si Summer" sagot nito at natawa naman kami ni Forrest dahil dun at nakatanggap naman siya ng palo sa hita mula sa asawa

"Bakit? wala namang masama sa sinabi ko ah?" angal nito "dadating ang panahon na magpapakasal si Summer kaya maganda na sundan na natin para may kasama tayo sa bahay—tsaka pa naman, may mailalabas pa ako"

"kung puwede lang kitang batukan, gagawin ko" sabi ni tita Nyssa

"Alagaan mo na lang ako" sabi ni Sebastian bago hinalikan ang likod ng palad ni tita Nyssa

"ako na magdadala sa kaniya sa kuwarto niya" sabi nito sa'kin at tumango naman ako

"walang isturbo ah!" sigaw ni Sebastian "tumigil ka na nga" suway nito sa asawa habang dahan-dahang tinutulak ang wheelchair

"Hindi naman niya kaya" napatingin naman ako kay Forrest dahil dun

"Huh? anong ibig mong sabihin?" tanong ko at tinignan naman ako nito

"Hindi naman kayang seryosohin ni mommy yung sinabi niyang hihiwalayan niya si daddy—masyado niyang mahal si daddy para gawin yun" sagot nito bago ako akbayan at inihilig ko naman ang ulo ko sa balikat niya habang masayang pinagmamasdang ang bulto ni Tita Nyssa at tito Sebastian

Makalipas ang ilang oras ay pumasok ako sa loob ng kuwarto ni Tito Sebastian at naabutan siyang nakatulala habang may mga butil ng luha na tumutulo mula sa mata niya

"Tito?" ani ko at nilapitan siya

"I'm hopeless" sabi ko at inabot naman nito sa'kin ang papel na hawak nito

Nanlaki naman ang mga mata ko ng makitang Divorce papers ito at pirmado na ni tita Nyssa

"Winter" ani nito at sinandal ang ulo sa balikat ko at humagulgul sa pag-iyak

"Karma is working it's thing to me" dagdag niya habang umiiyak pa din

Niyakap ko naman siya para pakalmahin siya

"tito, tutulungan ka namin promise yun" sabi ko habang yakap-yakap siya

Pumasok na din sa kuwarto ang mga anak niya kasama ang kambal na Nikolaos at nagkasundo naman kami na tulungan siya

Chasing WinterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon