CHAPTER 87: WINTER vs. ARABELLA

34 8 0
                                    

AUTUMN'S POV

"Honey..." sabi ni Winter at yung limang letra na yun ang naging dahilan ng pagkawala ng ngiti sa labi ko at agad akong binalot ng selos. "Can I please call you later?"

"Okay, thank you" sabi niya at agad na binaba ang tawag bago muli akong tignan.

"Sino yun?" tanong ko at tinaasan naman niya ako ng kilay.

"Huh?" tanong niya pabalik bago isara ang cellphone.

"I mean yung kausap mo" paglinaw ko bago ilagay ang ilang hibla ng buhok niya palikod sa tenga niya.

"None of your business" sagot niya na ikinabahala ko.

"Yun ba yung asawa mo?" tanong ko na nagpangisi sa kaniya.

"You...jealous?" tanong niya at tumango naman ako bilang sagot na ikinatawa niya. "You're honest, huh?"

"Well, there is nothing to be jealous about though" sabi niya at naglakad naman na kami papuntang parking lot nang lapitan na kami ni Justice.

"So...hindi ko kailangan mag-alala sa lalaking yan?" tanong ko at binuksan ang pinto sa passenger seat para makapasok na siya.

"Autumn, it's a she" sabi niya at pumasok na sa loob ng sasakyan ko at siya na rin mismo ang nagsara ng pinto.

"Kingina, nagselos sa babae" napailing naman ako at natawa sa sarili bago sumakay at nagsimula ng magmaneho.

I think, I need to call my private investigator para malaman ko ang bagong mundong ginagalawan ni Winter pati na rin ang mga taong nakakasalumuha niya/

"Justice, go ahead you sleep. Wag mong pigilan yan" sabi ni Winter at bahagya ko namang nilingon si Justice at nakitang papikit-pikit na ito.

"Mahiga ka na diyan para komportable ka" sabi ko at mas iningatan pa ang pagmamaneho nang mahiga na ito.

"Para tayong may five year old na anak" nakangiting sabi ni Winter bago ayusin ang pagkakalagay nung stuffed toy na napanalunan ko kanina dahil sa gusto ni Justice.

"And we're the parents?" nakangiti kong tanong bago siya tingnan.

Nakangiti din ito bago tumango. "And we're the parents" sagot niya bago hawakan ang pisngi ko at halikan ang labi ko. "Thanks for today, Mi amor" sabi niya na mas nagpangiti sa'kin.

"Anything for you, Mi amor" sagot ko pabalik at nagpatuloy na sa pagmamaneho.

ARABELLA'S POV

"Good afternoon, Doc" bati sa'kin nang mga nakakasalubong ko.

Agad naman akong pumasok sa comfort room at sa isang bakanteng cubicle;

"Ang suwerte nga niya eh nuh?" rinig kong sabi sa labas ng cubicle. "Sinabi mo pa, Imagine craniotomy yun ah, tapos ang assistant ni Doc Grayson ay si Doc Winter"

Craniotomy? Mag pe-perform sila ng isang Craniotomy? Ba't ngayon ko lang nalaman to.

Tumayo naman ako at inayos na ang sarili bago lumabas ng cubicle.

"Ah! Good afternoon po, Doc Ara" bati sa'kin ng dalawang nurse.

"Good afternoon" bati ko pabalik at dumiretso sa sink para maghugas ng kamay at ayusin ang make-up ko.

"Una na po kami, Doc" sabi nila at tumango naman ako.

Nang makalabas ay agad akong dumiretso sa paggawa ng rounds ko at after nun ay naghanda na ako para sa isang operasyon na gagawin ko. Makalipas ang ilang oras ay natapos na rin ako kaya naman nagpalit na ako ng damit at nag lunch na.

Chasing WinterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon