WINTER'S 'S POV
"Can we go on date?" sabay nilang tanong kaya nagkatinginan ulit sila
"Nauna akong nagsabi" Sabi ni Charles
"How can you be sure na ikaw nga ang unang nagsabi?" tanong ni Autumn dito
At habang nag-aaway sila ay umalis na ako sa harapan nila at hindi na ako nagulat nang hindi nila napansin na wala na ako
"Winter!" pagtawag sa'kin ni Justice
"Hi. Mag-memeryenda ka na?" tanong ko at tumango naman siya
"Ikaw din ba?" tanong niya at tumango naman ako bilang sagot bago pinalibot ang kamay ko sa braso niya at naglakad na papunta sa canteen
"Sana maayos na yung Tatiana's café nuh?" sabi niya at tumango naman ako at kumain ng cake "Rinig ko, masarap daw yung pastries ni Tita mo" dagdag niya at napatigil naman ako sa pagkain dahil dun
"Hindi ka pa ba nakakapunta dun?" tanong ko at tumango naman siya
"Sa totoo lang, hindi ko talaga alam kung anong lasa ng mga pastries" sabi niya at napanganga naman ako sa gulat
"Bakit?!" tanong ko
"Pinagbabawalan nila akong kumain ng mga ganun nung bata pa ako. Sabi nila, it's not in the budget para pagkagastusan. So, hanggang ngayon hindi pa rin ako nakakatikim nun" sabi niya "Sa parents ko din kasi napupunta yung suweldo ko"
"Then how do you celebrate your birthday?" tanong ko
"Birthday?" inosenteng tanong niya at tumango naman ako
"Hmmm, birthday. Paano mo siya sini-celebrate?" paglinaw ko at napaisip naman ito "you don't celebrate birthdays?" tanong ko
"Oo eh" nahihiya nitong sagot "Basta na lang nadadagdagan ang edad ko tuwing dumadating yung araw na pinanganak ako" sagot nito at nakaramdam naman ako ng kirot sa may dibdib ko
"Bakit hindi niyo sine-celebrate yung birthday mo?" tanong ko
"Busy parehas ang parents ko. So, basically walang time to celebrate birthdays, graduations, achievements, or even festive holidays" sagot niya
"Kailan ba birthday mo?" tanong ko at binuksan naman niya ang phone niya
"Ah! July 15" sagot niya at pinatay na muli ang phone niya
"Parehas tayo ng date ng birthday" Sabi ko bago siya ngitian
"Talaga?!" gulat na sabi niya habang nakangiti at nanlalaki ang mga mata
Sa edad ni Justice na 32 years old, ay para siyang 3 years old na sobrang inosente sa mga bagay-bagay
"Gusto mo sumama sa'kin bukas?" tanong ko
"Saan tayo pupunta?" tanong niya
"Sa Tatiana's Café main. Tikman mo lahat ng pastries na nanduduon" sabi ko at napangiti naman siya
"Talaga?! Dadalhin mo ako dun?" tanong niya habang nakangiti
"Hmmm, parehas tayong half day ang shift bukas. Kaya after ng mga shift natin, pupunta tayo sa Tatiana's café" sabi ko at nagulat naman ako ng tumayo siya at umupo sa tabi ko bago ako niyakap
"Thank you Winter!" sabi ni Justice at natuwa na lang ako sa ginawa niya bago pinatong ang kamay ko sa ibabaw ng ulo niya tsaka ginulo ang buhok niya
"Kumain ka na dun" sabi ko at tumango naman siya bago bumalik sa kinauupuan at kinain na yung meryenda niya
Nang matapos kaming magmeryenda ay agad kaming lumabas sa canteen at naglakad na pabalik sa loob ng Hospital
"Winter!" sigaw ni Charles at Autumn habang tumatakbo papalapit sa'min
BINABASA MO ANG
Chasing Winter
Novela Juvenil[READ CHASING AUTUMN FIRST, THIS IS THE BOOK 2] Sixteen years had past in their lives and there is no denying the changes that have taken place in their looks, posture and status in life. Obviously, the same goes for their relationships. Can Autumn...