CHAPTER 77: PROPOSAL

29 9 0
                                    

AUTUMN'S POV

Nang makapagbihis ako sa isang maayos na damit ay agad na akong lumabas ng Hospital at pumunta sa parking lot, sumakay na ako sa kotse ko at pumunta sa main ng Tatiana's café. Bumili ako ng coffee para sa'kin at para kay Winter, bumili na rin ako ng cookies at brownies na kakainin namin

Nang makabalik ako sa hospital ay agad kong hinanap si Winter na natagpuan ko sa garden, lumapit ako at tinabihan siya agad naman siyang napatingin sa'kin nang makaupo na ako sa tabi niya

"Hm" ani ko habang nakalahad sa kaniya ang coffee na binili ko at nang tanggapin na niya ay inilapag ko na sa pagitan namin ang box na naglalaman ng iba't-ibang cookies at brownies galing sa Tatiana's café main

"Eat well" nakangiting sabi ko at tumango naman siya bago nagsimulang kumain na mas nagpangiti sa'kin

While admiring her face my eyes landed on her lips that are swollen

Am I too rough?

"Sorry" ani ko because I really am

"Your lips are swollen" pag-imporma ko

"And whose fault is that huh? Tu hijo de puta" tanong niya at napangiti pa ako dahil dun

(Tu hijo de puta means you son of a bitch in Spanish)

"I'm sorry. But I don't regret doing to it" sabi ko at kumain na din ng cookies

"You enjoy it naman, diba?" tanong ko "I mean of course you do. You kissed back" sagot ko sa sarili kong tanong

"Kumain ka na nga lang diyan" sabi niya at bahagya naman akong natawa at napailing bago pinagpatuloy ang pagkain at ganun na rin ang ginawa niya

Makalipas ang ilang oras ay nakauwi na rin ako sa condo ko at masaya kong sinalubong ang mga aso

"Hello babies!" bati ko at niyakap silang tatlo, nang maibaba ko na sila ay bigla namang tumahol si Aku

"Huh? Bakit ako masaya?" tanong ko at muli naman siyang tumahol na para bang tama ang sinabi ko

"Hmmm, masaya si Daddy...kasi nasa tamang pag-iisip si Mommy niyo at wala nang tumulak sa kaniya nung nag kiss kami" balita ko sa kanila at tinahulan naman ako ni Miracle

"Opo. Nag kiss kami" sabi ko at nilagyan na ng pagkain yung lalagyan nila

"Kain kayo ng madami. Para pagnagkita na kayo ni Mommy niyo, malaki na kayo" sabi ko habang nilalagyan ng pagkain yung lalagyan ni Miracle

"Soon. Maipapakilala ko din kayo sa Mommy niyo" pag-assure ko at hinalikan sila sa noo nila

"Kakain na din si Daddy" sabi ko at tumahol naman sila

"I will eat well" sabi ko at sinimulan nang lutuin ang dinner ko

Kinabukasan ay maaga akong pumasok at katulad nang nakagawian ay dinalhan ko ng coffee si Winter bago pumunta sa site

"Good Morning" bati ko kay Thunder nang marating ko na ang puwesto namin

"Good Morning" bati niya pabalik at nagtaka naman ako sa tingin na binigay niya sa'kin

"Bakit?" nakangiting tanong ko

"Winter's lips are swollen. Mind explaining that?" tanong niya at natigil naman ako sa pagkilos para tingnan siya

"Oh! We kissed" pormal kong sagot

"Grabe ka!" sigaw niya sa'kin at sinabayan pa nang paghampas ng blueprint kaya agad din akong gumanti

"Tsaka nga pala" sabi niya kaya napatingin ako sa kaniya

"Nagseselos sayo si Daddy" sagot niya na ikinakunot ng noo ko

Chasing WinterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon