CHAPTER 50: MENINGIOMA

19 7 0
                                    

WINTER'S POV

Nang mapakalma ko siya ay muli naman niyang ipinagpatuloy ang kuwento niya

"Parehas tayo, Winter. parehas tayong humabol ng Velez" kuwento niya "ang pinagkaiba nga lang ay nagustuhan ka ng Anak ko..." napayuko naman ito

"habang ako pinili lang ako dahil sa nabuntis ako" dagdag niya bago ako muling tignan

"Mahal na mahal ka ng anak ko, Winter" ngumiti naman siya

"Naalala ko nun, kakauwi ko lang ng bahay galing trabaho tapos bigla na lang nag-kuwento si Autumn sa'kin na ikaw ang topic"

"Nung una nagulat ako dahil hindi ko inaakala na sa ganung edad ma-iinlove ang anak ko" bahagya naman siyang natawa

"tapos tuwang-tuwa siya nung nalaman na gusto mo na rin siya pero sabi niya sa'kin di daw mukhang astig kung hindi siya magpapakipot—siraulo lang eh nuh" natawa naman ako dahil dun

"Nilulutuan mo siya ng pagkain tapos kinakain niya yun sa bahay at ayaw pa ngang mambigay dahil ikaw daw ang nagluto nun at para lang daw sa kaniya yun" nakangiti naman ako habang nagkukuwento siya

"tapos tinatago din niya yung tupperware, sinabihan din ako ng wag ko daw gamitin iyon" natawa naman kami parehas "kung hindi ako nagkakamali, kung hahalughugin mo ang condo ni Autumn, makikita mo ang mga baunan na iyon dun" mahina naman nitong pinalo ang braso ko

"dinala pa nga niya iyon sa spain nung ng college siya" dagdag nito "nag pa-therapy din si Autumn dahil sa anger issues niya, kasi ayaw ka na niyang masaktan"

"At nung naging kayo..." panimula nito "Grabe ang saya ng anak ko"

"sabi niya sa'kin, 'mommy, I'll make sure to make and keep her happy kahit na nasasaktan na ako...kasi her happiness is more importantant, I'll make sure na nararamdaman niya ang pagmamahal ko'" napayuko naman ako ng sabihin niya iyon 

"Kung gaano kasaya ang anak ko ng maging kayo ay ganun din siya kalungkot nung naghiwalay kayo" tinignan ko naman siya

"Sinubukan kong pigilan ang asawa ko ginawa niya pero hindi ko kinaya"

"Nung hinatid mo siya nung umuulan" sabi niya at napatango naman ako ng maalala ko iyon "nagising siya tapos umiiyak"

"sabi niya sa'kin na wag ko daw labhan yung damit niya na suot niya nung araw na iyon...dahil yun daw yung huling damit na nahawakan mo" dun naman na tumulo ang luha ko "mawawala daw kasi yung presence mo pag nilabhan ko"

"awang-awa ako sa anak ko nung araw na iyon, kung puwede lang lumuhod ako sa harap mo at makaawa para balikan mo ang anak ko, gagawin ko. para sa ikasasaya ng anak ko" ngumiti naman siya bago punasan ang luha ko

"Winter..." ani niya bago lumuhod sa harap ko

"nagmamakaawa ako, bigyan mo pa ng pagkakataon ang anak ko. magbabago siya para sayo" sabi niya bago ako tignan at parehas naman kaming umiiyak na

tinulungan ko naman siyang tumayo bago siya niyakap

"galit ho ako sa anak niyo, pero hindi ibig sabihin nun ay hindi ko siya bibigyan ng pangalawang pagkakataon" sabi ko at mas lalo naman siyang naiyak

"Salamat...salamat" hinagod ko naman ang likod habang yakap-yakap pa din siya

Napahiwalay naman ako sa yakap namin ng makarinig ako ng kaluskos sa loob ng kuwarto ko

"Gising na ho ata ang anak niyo" sabi ko at tumango naman siya kaya pinuntahan ko na si Autumn pero bago yun ay kinuha ko ang tasa na may laman na tubig dahil sa nauuhaw ako

Chasing WinterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon