WINTER'S POV
Nang magising ako ay agad akong bumangon at naligo. Nang matapos ay agad akong nagbihis bago pumunta sa hapagkainan kung saan nakita kong nag-aalmusal na sina Mommy Lola at Daddy Lolo kasabay si Liam at Oshea
"Hi Doc, good morning" bati sa'kin ni Oshea nang makita niya ako, ngumiti naman ako at binati sila bago umupo sa tabi ni Liam at nagsimula ng kumain
"Daddy Lolo, alam mo ba?" panimula ko kaya napatingin sa'kin si Daddy Lolo
"Si Oshea, ang samang tao. Binigay ba naman yung number ko sa mga pasyente" Sumbong ko at tinignan naman siya ni Daddy Lolo
"Tumigil na nga ako, promise!" Sabi ni Oshea at tinignan naman nito si Daddy Lolo "Daddy Lolo, promise, tumigil na po talaga ako" pag-ulit nito
"Kailan?" tanong ni Daddy Lolo
"Ahmmm, ngayon-ngayon lang po" Sagot ni Oshea at natawa naman kami ni Lia
"Hindi mo na dapat sinusubukang ipa-date si Winter sa ibang lalaki, Oshea" sabi nito "I mean—wait! Nagkabalikan na ba kayo?" tanong nito sa'kin at umiling naman ako
"Winter" ani ni Liam bago iabot sa'kin ang platong may lamang ulam
"Masyado kayong magulo. Lalo na yang relasyon niyong on and off" komento ni Daddy Lolo at umiling na lang ako
Nang matapos kaming mag-agahan ay agad kaming hinatid ni Liam sa hospital;
"Ingat papuntang trabaho" Sabi ko ng makababa ng kotse
"I will, don't worry..." sagot niya bago iipit ang ilang hibla ng buhok ko sa likod ng tenga ko
Kinawayan naman namin ito bago siya nagmaneho paalis at kami naman ay naglakad na papasok ng hospital "Sa tingin mo, anong ginagawa ni kuya sa trabaho niya?" tanong ni Oshea sa'kin habang naglalakad kami
"Ewan, hindi ko pa naman nasusubukang humawak o hawakan ang isa sa mga kompanya ni Daddy eh" sagot ko
Simula kasi nang ampunin ni Tito Kimon si Oshea at Liam, ay si Liam na ang naging Ceo sa kompanya ni Tito Kimon dito sa Pilipinas pati na rin sa New York. Kasi si Storm naging jewelry designer, si Thunder naman ay naging architect at si Oshea ay doktor, kaya kay Liam napunta ang kompanya at siya din kasi ang mas matanda sa kanilang apat
"Una na ako" Sabi ko at tumango naman siya bago kami nag iba ng direksyon
At nang makapasok ako sa opisina ko ay may nakita akong coffee sa lamesa ko kaya agad ko itong kinuha at nakita na galing ito sa Tatiana's Café at meron ding nakadikit na Note dito
Have a good day♡
Sabi nito kaya napaisip naman ako kung kanino galing ito pero ininuman ko pa rin, at nang malasahan ang kape ay mas lalo akong nagtaka kung sino ang nagbigay nito sa'kin, kasi sobrang imposibleng si Liam.
"Cappuccino..." ani ko
Binaba ko naman ang kape sa lamesa ko bago kinuha ang cellphone ko at tinawagan si kuya Forrest
"Hello..." Sabi niya sa kabilang linya
"Hello, ahmmm...Kuya Forrest, I was just wondering kung pumunta ka ba dito sa hospital at...dinalhan ako ng coffee?" tanong ko
"Huh? Bakit ko naman gagawin yun? At higit sa lahat hindi ko nga alam kung Cappuccino pa rin ba ang gusto mong coffee eh" Sabi niya na mas ikinataka ko
"Sige thank you, sorry pala sa abala" Sabi ko
"Its' fine, have good day Winter" Sabi niya
"You too, bye bye" Sabi ko at pinatay na ang tawag at muling tinignan ang coffee sa table ko
"Kanino ka ba galing?" tanong ko sa sarili ko
Lumabas naman na ako ng opisina habang hawak-hawak ang coffee at iniinom din ito. Well, cappuccino eh. Ito ang isa sa mga kahinaan ko lalo na ngayon na nagtatrabaho na ako
At habang nasa loob ng Elevator ay tinawagan ko si Thunder tungkol sa coffee, pero ang sagot nito ay hindi din. Sunod naman ay si Storm pero hindi din daw.
"Winter!" bungad sa'kin ni Doc Grayson ng bumukas ang elevator at agad naman akong lumabas at tinanong siya
"Doc, pumasok ka ba sa opisina ko?" tanong ko at umiling naman siya
"Hindi, anong gagawin ko dun? Eh meron naman akong sariling opisina" Sagot niya
"Alam mo ba kung anong paborito kong kape?" tanong ko ulit at umiling naman siya
"Hindi" ani niya at napatango-tango naman ako
Maya-maya pa habang ginagawa ang rounds namin ni Charles ay hindi ko naiwasang tanungin si Charles tungkol dun sa kape
"Doc, marami pong salamat sa maingat na operasyon" Sabi ng isang matandang lalaki kay Charles
"Charles..." pagtawag ko sa atensyon niya kaya napatingin ito sa'kin
"Pumunta ka ba kaninang umaga sa opisina ko?" tanong ko at umiling naman siya
"Hindi" ani niya "bakit? May nawawala ba sa gamit mo dun?" tanong niya
"Wala naman" Sabi ko at tumango na lang siya bago muling tignan ang ibang pasyente
Nakalipas ang ilang oras ay hindi pa rin mawala-wala sa isip ko yung tungkol sa kape. Kasalukuyan kaming naghahanda para sa isang operasyon ngayon pero ang kasama ko ay si Oshea
"Okay ka lang?" tanong niya habang naghuhugas kami ng kamay
"Yeah" Sagot ko at pumasok naman na kami sa loob ng operating room
At habang sinusuotan ako ng gloves ay yung kape pa din ang nasa isip ko;
"Hoy!" sigaw ni Oshea kaya napatingin ako sa kaniya
"Tapos ko na I-shave yung ulo nito, baka naman gusto mo nang simulan yung pag opera diba?" Sabi niya at sinipa ko naman siya sa paa bago umupo sa tapat ng ulo ng pasyente
"Let's start" Sabi ko at nagsimula na kami sa operasyon
Makalipas ang halos isang oras ay yung tungkol pa rin sa kape ang nasa utak ko. Matapos kong mag dinner kasama sina Doc Grayson, Oshea, Charles, Claire, at Ivory ay agad akong umalis para umuwi na
At habang naglalakad sa may parking space ay naalarma naman ang katawan ko nang may humawak sa beywang ko at hilahin ako sa may gilid, nagulat naman ako ng makitang may rumaragasang kotse na dumaan at kung saka-sakali ay nabangga na ako
"Salamat" Sabi ko dun sa nagligtas sa'kin pero pagtingin ko sa kaniya ay tumatakbo na ito palayo sa'kin
"Sandali!" sigaw ko pero hindi pa rin ito tumigil
Sino yun?
"Winter!" napalingon naman ako at nakita si Liam
Agad ko siyang nilapitan at niyakap "May rumaragasang kotse kanina, muntikan na akong masagasaan. Someone save me...pero" muli ko namang tinignan ang daan na tinahak nung nagligtas sa'kin
"Tinakbuhan ako" sagot ko at niyakap naman nito ang nanginginig kong katawan
"Lets' go home, medyo balisa ka na din" sabi nito at tumango naman ako bago hawakan ang kamay niya at dumiretso na sa kotse niya
Kinabukasan pagpasok ko ay agad kong tinignan ang CCTV sa parking space kagabi kung saan kita ang pagligtas sa'kin ng isang pigurang panlalaki na nakaitim
"Anong meron?" napalingon naman ako ng makita si Oshea at Doc Grayson
"Kagabi kasi, muntikan na akong masagasaan and merong lalaki—I think?" panimula ko "...na nagligtas sa'kin" Sabi ko at tinignan naman nila yung footage
"Ay! Naks naman! Your Knight and shining armor is in black" Sabi ni Doc Grayson
Paano ba naman kasi mula ulo hanggang paa nakaitim yung nagligtas sa'kin, kung hindi lang ako nailigtas nito...mapagkakamalan ko tong mang-ho-hold up
"Sino ka bang knight in black ka?" tanong ko sa sarili ko habang tinitignan yung footage
BINABASA MO ANG
Chasing Winter
Roman pour Adolescents[READ CHASING AUTUMN FIRST, THIS IS THE BOOK 2] Sixteen years had past in their lives and there is no denying the changes that have taken place in their looks, posture and status in life. Obviously, the same goes for their relationships. Can Autumn...