Katrina's POV
Sabi ni lola, two beds per guestroom daw meron ang mansion.
"Katrina and I would share nalang." Alliana suggested.
"Paano naman ako? If that's the case, I would be the only girl left." Sabi ni Ria. Oo nga naman.
Hmm, alangan namang ako ang mag volunteer na magkaroon ng ka-roommate na lalaki. Ayoko...
"Ahh.. kami nalang po ni Katrina ang magsasama sa isang guestroom." What?!
"Are you insane?" Bigla kong natanong sa kanya.
"Nope, babe." Sabi niya sabay akbay sa akin at halik sa ulo ko.
Mas lalo tuloy nangunot ang noo ko. Bwisit talaga!
"Alexander Jace Torez De Guzman. Hmm?" Paninigurado ni lola.
"Wala po akong gagawing masama sa asaw— I mean.. girlfriend ko. Promise po." He assured, raising his right hand infront of us.
Tumango si lola. Simbolo ng aking pagkatalo. Sa kanya na naman mabait ang tadhana. Nakakainis. Siguraduhin niya lang talaga kung hindi.. naku.
"So.. I'll be with Alliana na?" Paninigurado ni Ria. As usual.
"Well, yes." Sagot ni Aris.
"Would you be okay, Isa?" Nag aalalang tanong sakin ni Alliana tapos binigyan si Jace ng nakakamatay na tingin.
He just shrugged then smirked. Argh.
"I hope so." Sagot ko.
"Mag iingat ka ah." Bulong niya sakin. I took it as a joke para hindi ako kabahan. Sa bagay, mahirap na.
"Alright, the first door would be for the two girls. The middle one would be for Alexander and Katrina. And then the third one would be for the both of you." Sabi ni lola.
"ABy [pronounced as ‘eybi'] has his own room. O siya sige, magsi-ligo na kayo't para makapag pahinga na. Nawa'y maging maayos ang inyong mga tulog." Pahabol ni lola. Nginitian niya muna kami bago inakay si Aris papunta siguro sa kanilang mga silid.
~=~
Pagkapasok namin sa room ay pinili ko agad yung kama na malapit sa aircon.
Nilapag ko lang sa gilid yung maleta ko at kinuha na ang pampaligo ko.
Ang yaman talaga siguro nila lola. Bawat kwarto siguro dito may flat screen. Tapos air-conditioned pa. Lambot pa ng kama.
Well mas malaki naman ang kwarto ko dito pero syempre iba parin yung pinagsamang modern at antique.
Dumeretso na agad ako sa banyo at sinimulan nang mag hubad nang bigla akong makarinig ng bagsak ng tubig.
Hmm.. baka sa kabilang kwarto. Pero ang lakas naman masyado.
Pagkatapos mag hubad ay binalot ko muna ng twalya ang katawan ko. Nag toothbrush muna ako then dumeretso na ako sa may shower pagkatapos.
Saktong nasa tapat ko na ang kurtina nang bigla itong bumukas at lumantad sa mismong mga mata ko ang walong nang aakit na abs--
"AAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!! Ahhhh.. —" tili ko nang maalalang hindi tama ang nasa isip ko. Shocks!! My virgin eyes..
"What the..?! Anong ginagawa mo dito??" Gulat na sigaw ni Jace. Yes, UNFORTUNATELY, its him. Blackman!!
"Ask that to yourself! Kanina pa ko dito tapos.. tapos.." hindi ko maituloy ang gusto kong sabihin nang bigla siyang humakbang palapit sa akin. O humakbang lang talaga siya at ginagawa akong paasa ni author?
"Pinagnanasaan mo ba ako?" He asked with a huge smirk on his face.
"O-Of course not! Asa ka pa. U-Umalis ka na nga. " pagtataboy ko sa kanya. Author please, don't make me stammer.
[A/N: It is you who's talking here Katrina. Not me.]
Author naman ehh.
"Com'on ugly nerd. Don't deny the obvious." Dagdag niya pa at mas lalong lumawak ang ngisi niya.
"Ang kapal naman ng mukha m--ahhh!!" Why now floor?!!
Bigla nalang akong nadulas nang hahampasin ko na sana siya sa kapilyuhan niya.
Akala ko lalagapak na ang ulo ko sa sahig nang bigla nalang akong makaramdam ng kamay na nakahawak sa may likuran ko. Skin to skin. Balat sa balat. And that only means....
"Uhm!!" Napadilat ako sa bigla kong naisip at mabilis na tinakpan ang dibdib.
I saw him close his eyes in an instant. Iniisip din siguro ang maaari niyang makita.
I thought the towel had loosen its grip from my body already. Hindi pa pala. Not totally...
Pero harap nalang ang natatakpan. Shocks!! No no no...
"Pumikit ka lang. Sasapukin talaga kita kapag dumilat ka." Banta ko sa kanya.
Inalalayan niya akong tumayo habang pikit na pikit parin siya. Nangingiramdam kung maayos na ba niya akong naitayo.
Hinuli ko agad ang kabilang parte ng twalyang nakausli sa likuran ko at mabilis itong inayos. This can't be happening.
"L-Labas na ko." Bigla niyang sabi at pumanhik agad sa may pinto habang pulang pula ang mukha. Argh.
This is so embarrassing. Masamang panaginip lang to'. Please..
He immediately left and locked the door.
Nagdalawang isip tuloy ako kung tutuloy pa ko sa pagligo pero kalaunan ay humayo parin ako at tinapos ito ng mabilis.
Nagtagal pa ako ng ilang oras sa banyo upang siguruhin na okay na ang nararamdaman ko.
Pagkalabas ko ay natutulog na siya sa kama niya. Patalikod mula sa kama ko.
Salamat naman at hindi na madadagdagan ang kahihiyang nararamdaman ko. Aish.
Pinatuyo ko lang saglit ang buhok at natulog narin.
Jace's POV
Fudge.
I shouldn't feel this way towards her.
Bakit kasi hindi muna niya tinignan kung may tao ba sa loob o wala?
Aist.
Eh bakit kasi hindi mo ni-lock ang pinto?
Naman! Bakit ko nga hindi naisipang i-lock??
Nakaka-frustrate. Tsk.
Short update para sa BAGONG TAON!! Happy New Year sa inyo!! 。^∇^。
~L
Comment below kung nagustuhan niyo 'tong chapter na 'to!! Salamat sa inyo.
Lovelots. :*
BINABASA MO ANG
Hidden Identity [COMPLETED] #Wattys2017
Teen Fiction#Wattys2017 Paano nga ba maging isang good boy ang badboy? Is there any possibility? How about a nerd, into a princess? Magiging kapansin pansin kaya siya? Lahat naman ng tao ay may angking kagandahan. Hindi ibig sabihing nakilala nila tayo sa ganit...