47

1.5K 39 10
                                    

Jace's POV

"We'll fly back to America. Iuuwi ko na siya." Pinal na saad ni Steifen. Wala na naman akong magagawa roon. Mas mabuting pumunta na siya doon para magamot na siya agad.

"I'll go with you." Sambit ko. Tinitigan niya lang ako ng malamig at umalis sa harap ko.

Agad kong nasuntok ang pader na nasa gilid ko. Alam kong may kasalanan ako. No-- kasalanan ko talaga to'.

Kung nag ingat lang sana ako noon, edi sana magaling na siya ngayon. Masaya na kami. At hindi aabot sa ganitong makakalimutan ko siya at mahihirapan pa siya ng dahil sa sakit niya. Bakit ito ang nangyari sa amin? Why does things have to be this complicated?

Tuloy tuloy lang ang pag agos ng mga luha ko. Kung kaya ko lang sanang akuin ang sakit na nararamdaman niya ngayon.

--

"Excuse me sir. Hindi po kayo maaaring pumasok." Salita ng isang gwardya.

"Who ordered you?" I said while clenching my fist, ready to punch.

"Me." Napalingon ako sa lalaking nagsalita. Nangunot ang noo ko. Ano na naman ba to'?

"I don't want you near my sister. Huwag mo nang ipilit ang sarili mong sumama pa samin." Matigas niyang saad. I just found myself breathing for air. Nasuntok ko siya bigla. But I don't regret doing it. He deserves it.

Kinuwelyuhan niya ako habang pinanlilisikan ng mata. Sinabayan ko ang mga mata niya at kumapit din sa damit niya.

"Hindi ka ba nakakaintindi?!" Pagkasabi niya non ay tinulak niya ko palayo. We were both panting.

"Why won't you just let me be with Katrina?" Nanlaki ang mata niya pero mabilis din itong nanumbalik sa galit na ekspresyon.

"Eunice ang pangalan ng kapatid ko. And I want you out of her life." Napatigil ako sa sinabi niyang iyon.

Hindi ko kakayaning wala siya. Now that I've fully remembered who she is. Hindi ko na magagawa pang lumayo sa kanya. I want her back. I want to be with her. And I want us to fight together. Gusto kong sabay kaming lalaban at gusto kong samahan siya sa lahat ng pagdaraanan niya sa buhay.

"I can't." Nasabi ko nalang. Marahas siyang bumuntong hininga.

"Com'on Jace. Huwag na nating patagalin pa to'."

"Hindi pa nagigising si Eunice sa puntong ito. If we made it back there in time, she may be cured for life. Ayaw kong lapitan mo siya dahil alam kong pareho lang kayo ng nararamdaman sa isa't isa. My sister can't do the surgery with you beside her. Mangyayari lang ang nangyari noon. Kaya pakiusap, huwag ka nang sumama pa at maghintay ka nalang dito." Sabi niya. Tuluyan akong napaluhod at nawalan ng pag asa. My tears fell down and it does not matter anymore.

Kung ito lang ang paraan para gumaling siya. Alright. Hindi na ko sasama.

"But you must give me an update." Sabi ko. Nakita ko siyang unti unting tumango. Umalis na siya sa harap ko at tumungo na sa pribadong eroplano.

I hope they'll get there safe.




Dumaan ang ilang buwan pero kahit isang balita ay wala akong napala mula kay Steifen.

Tanging isang video lang ang natanggap ko at galing pa iyon kay Katrina. She left it at my room. At hanggang ngayon ay hindi ko parin ito nabubuksan. Hindi pa siguro ako handa kahit na sinabi niyang buksan ko iyon kinagabihan ng kaarawan ko. Iyon yung araw na umalis siya papuntang America.

Hidden Identity [COMPLETED] #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon