Para sa mga readers na malapit nang sugurin si Steifen.. basahin niyo to'. Hihi
-------------------------------------------------
Katrina's POV
Hindi parin ako makapaniwalang may tinatago din palang kayabangan si Steifen. Bagamat nagulat ako sa biglaan niyang mga kilos ay ayaw ko parin namang ilayo ang sarili ko sa kanya.
He had been a good friend and a companion to me.
Isa narin siya sa mga naging magandang pangyayari sa buhay ko. Marami na akong napagdaanan na siya lang ang nag-iisang tumulong sa akin.
Ayokong sirain ang naging mabuting relasyon namin biglang magkaibigan.
Ngayon ko lang napagtanto na naging padalos-dalos pala ako.
Inisip ko na agad na gusto ko siya bilang isang lalaki. Yun pala ay paghanga lamang ang lahat. Hindi ko agad naisip ang magiging bunga ng mga ginawa ko.
Pero nagpapasalamat parin ako dahil nailabas ko sa aking sarili ang bigat ng nararamdaman sa impaktong Jace na iyon.
Hindi parin ako makapaniwalang nang dahil lang sa kontratang iyan ay parang kung sino na siya kung makaasta.
Akala mo nga asawa ko na eh.
Hindi lang OA, exaggerated pa.
Kung ano-ano pa ang mga sinasabi.
May pa-mine mine pang nalalaman.
Tss.
Wala talagang araw na hindi niya ko inasar, ginalit at binwisit.
Lahat nalang siguro ng pasakit ay ibibigay niya sakin.
Napaayos ako ng upo sa kama nang bumukas ang pinto ng aming kwarto. Napahalukipkip ako nang tumambad sa akin ang pagmumukha ni blackman.
Tinitigan ko ang pader sa harapan ko upang iwasan ang lalaking kapapasok lamang sa kwarto.
Bakas parin sa mukha ko ang galit at inis sa kanilang dalawa.
"I just said that out of anger. I didn't.. m-mean it." Panimula niya.
Hindi ko na ikakailang mayroon akong katiting na sakit sa dibdib na naramdaman nang marinig ang mga katagang nagmula sa bibig niya.
Siguro ay pati pride ko ay tinamaan na ng kakapalan ng mukha niya.
Hindi ko siya pinansin at nanatili parin akong nakatitig sa pader.
"Com'on Katrina, hindi pwedeng lumabas tayo dito nang hindi magkabati. Baka makahalata satin si lola." Hindi makatiis na sabi ni Jace.
"Who's fault is it, huh? Let's just stop this. Wala akong napapala at wala ka rin namang napapala. Madadamay pa kami diyan sa mga kalokohan mo." Matigas ngunit mahinahon kong sinabi sa kanya.
Pansamantala siyang natahimik. Totoo naman kasi. Ni hindi pa nga naibabalik yung 10% na share na sinasabi niya tapos kung maka angkin na siya ngayon parang ang laki ng utang na loob ko sa kanya.
Masakit mang isipin na handa ko nang isuko sa kamay nila ang kompanya namin, kailangan ko paring gawin. Alang alang sa kaligtasan ko at ng pamilya ko. Pati narin ng mga kaibigan ko.
"I'll call dad right away. Pero pwede bang bati na tayo bago pa mag hapunan?" Hindi ko maintindihan kung bakit ganito siya umakto ngayon.
Nakakapanibago lang na parang hindi niya kakayanin kung hindi kami magkakabati. Hibang na nga siguro tong ugok na 'to kaya ganyan umasta.
BINABASA MO ANG
Hidden Identity [COMPLETED] #Wattys2017
Teen Fiction#Wattys2017 Paano nga ba maging isang good boy ang badboy? Is there any possibility? How about a nerd, into a princess? Magiging kapansin pansin kaya siya? Lahat naman ng tao ay may angking kagandahan. Hindi ibig sabihing nakilala nila tayo sa ganit...