Katrina's POV
Habang nag uusap sila ay nanatili lamang akong tahimik. Hindi ako mapalagay dahil nakararamdam ako ng kaba na hindi ko alam kung saan nanggagaling.
Simula noong nagbanggit si Tita Edith tungkol sa amin ni Kael ay napuno na ng kaba ang dibdib ko.
Hindi pa nga ako tapos kay Jace, may panibago na naman ata akong poproblemahin.
"Gaano ko man kagustong manatili rito ay kinakailangan narin naming umuwi. Anyway, I'm looking forward about our partnership. Thank you for the dinner." Paalam ni tita at sabay sabay na kaming tumayo.
Inihatid namin sila hanggang sa labas ng pinto at nakipag beso bago sila tuluyang umalis.
"Nice meeting you again Katrina. I hope we could bond sometime. Goodnight." Sabi niya at binigyan ako ng matamis na ngiti. Sinuklian ko lang din iyon ng ngiti at pumasok na sa loob.
"He's good. I like him. Tama ang sinabi ng mama niya sayo, bagay na bagay kayo." Masayang sabi sakin ni mommy habang kasabay akong naglalakad papasok.
Napangiwi na lamang ako at hindi na lang sumagot. Humalik lang ako sa pisngi nila at umakyat na agad sa kwarto.
Pagkatapos kong gawin ang evening routines ko ay nahiga na agad ako.
This has been a long day for me.Napabuntong hininga ako nang maramdaman ang pagod maghapon. Kinuha ko sa bag ko ang phone ko upang i-check kung meron ba akong text messages or calls na hindi ko nagawang tingnan kanina.
1 missed call and 4 messages.
Lahat iyon ay galing kay blackman.
Blackman 👊,
Uy!
Blackman 👊,
Ugly Nerd!!
Blackman 👊,
Hey. Why aren't you answering me?
Blackman 👊,
Katrina!
Ang epal naman masyado nito. Bahala nga siya diyan!
Pero bago ko pa mabitawan ang cellphone ko ay tumunog na ito. Hay, speaking of..
"Ano?" Bored kong tanong sa kanya.
[Bakit ngayon mo lang ako sinagot?] Medyo may himig na pagkainis ang boses niya.
"Bakit ba?" Naiinis ko naring tanong.
[
You have to answer my calls for pete's sake, Katrina. Fiancee kita at resposibilidad ko ang ingatan ka.] Seryoso niyang saad. Agad akong pinamulahan ng mukha. Bwisit to'! Hindi ako kinilig dun ah. Nainis ako. Fake lang naman yun, mukha lang totoo pero fake yun. Fake!!
"Maswerte ka at hindi kita kasama ngayon kung hindi kanina pa kita nasapok." Naiirita kong sagot sa kanya.
[Tatanggapin ko ang lahat basta galing sayo.] He said and I heard him chuckled.
Argh. Bakit ganun? Bakit parang ang sarap pakinggan ng tawa niya? Aish. Wala lang to'. Pagod ako maghapon kaya siguro kung ano ano nararamdaman ko.
BINABASA MO ANG
Hidden Identity [COMPLETED] #Wattys2017
Teen Fiction#Wattys2017 Paano nga ba maging isang good boy ang badboy? Is there any possibility? How about a nerd, into a princess? Magiging kapansin pansin kaya siya? Lahat naman ng tao ay may angking kagandahan. Hindi ibig sabihing nakilala nila tayo sa ganit...