42

1.4K 37 7
                                    





Katrina's POV

I drove myself all the way to their mansion.

Feeling ko nga dito na ako tumitira. Araw araw akong pumupunta dito. Walang patid.

Gusto ko kasing siguruhin ang sarili kong ayos lang si Jace. Masokista na kung masokista. Mahal ko eh.

"What brought you here?" Pormal niyang pag bungad nang maramdaman muli ang presensya ko sa kwarto niya.

"Wala. Makikitambay lang." Pagdadahilan ko. Nilingon niya ako at nginitian ko naman siya agad.

"Doon ka sa bahay niyo tumambay. Nagsasayang ka lang ng gasolina." Natawa ako sa sinabi niya.

"Mamaya, bibilhin ko ang pinakamalapit na gasoline station dito. Nang sa ganoon ay wala ka ng dahilan para mag reklamo." Umismid lang siya at inirapan ako.

Nakasandal siya sa headboard ng kama niya at seryosong naglalaro sa ipad niya.

Lumapit ako sa kanya at tumalbog sa kama.

"Sht. Ano ba?! Natalo tuloy!" Maktol niya. Tawa naman ako ng tawa.

"Ano ba kasi yang nilalaro mo? Patingin."
Sabi ko. Pero inilayo niya ang ipad niya mula sa akin. Napangisi ako.

"Ayoko. Doon ka nga. Istorbo ka lang eh." Sumbat niya. Pinilit kong abutin yung ipad.

"Katrina, isa!" He suddenly said. Pareho kaming natigilan.

"What did you just call me?" Mahina kong tanong. Pinipigilan ko ang aking pagngiti. Pero deep inside, nagkakagulo na sa loob ko dahil sa saya at.. kilig?

"Sandra Eunice! Dalawa.." bilang niya pa. Lumamlam ang mga mata ko ay pinakatitigan siyang mabuti. I can sense him being uneasy. Lumapit pa ako sa kanya habang siya naman ay tuluyan nang nahulog pahiga sa kama.

"Gotcha!" Anunsyo ko at tumawa ng tumawa. Nakuha ko kasi mula sa kanya ang ipad niya. Pero ang totoo niyan kung bakit ang saya saya ko, dahil nakikita ko na ang lumalaking posibilidad na maaalala niya ako.

Naramdaman ko ang pagbuntong hininga niya nang makaupo muli.

"Masaya ka na niyan?" Asar niya. Paulit ulit ang naging pagtango ko. Ang saya ko. Sobra. Ginulo gulo niya ang kanyang buhok.

"Baliw. Ang p-pangit mo kapag tumatawa. Labas pati gilagid." Naconscious naman ako bigla. Umiwas siya ng tinign nang mapadako ang mata ko sa kanya. Hindi naman ako ganoon tumawa ah.

With poise kaya ako. That's the rule in our family. Maintain composure.

"Bakit hindi ka makatingin sakin? At bakit ka nautal? Siguro crush mo ko no'?" Marahas siyang napalingon sa akin dahil sa pang aasar ko sa kanya.

"Ha! Asa ka pa. H-Hindi no'!" At umiwas ulit siya ng tingin. Yiiee kinikilig na naman ako.

'Umaasa ka na naman. Nag fi-feeling ka diyan. Tapos kapag nasaktan ka, iiyak ka. Labo mo rin eh.' Entrada ng utak ko. Sabi ko nga po eh.

"Okay. Sabi mo eh. Palaro nalang din. Multi player tayo!" Sabi ko nalang. Pero kinikilig talaga ako. Hihihi

Agad naman niyang iniharap sa akin ang kabilang dulo ng ipad niya. Akala ko iiwas na naman.

"Ang daya mo naman." Reklamo niya.

"Hindi ka lang talaga magaling. Hahahaha." Nalamangan ko kasi siya sa mga na-slice na fruits.

Nang matapos kami sa ilang rounds ng paglalaro. Ngiting ngiti akong humarap sa kanya. Kunot naman ang kanyang noo at halos maging isang linya na ang kilay niya. Hahaha

"At dahil natalo kita, may consequence akong ibibigay sayo." Nakangisi kong saad. Nanlaki ang mga mata niya at namula sa inis ang mukha niya.

"Wala tayong ganyang usapan." Tumawa lang ako sa reklamo niya. Chance ko na to', pakakawalan ko pa ba?

"Kaya nga sinasabi ko na ngayon sayo." Sabi ko. Umismid na naman siya at padabog na sumandal ulit sa headboard niya at humalukipkip. Pumikit siya ng mariin.

"Gusto kong maging mag kaibigan tayo. Tapos aamin ka sakin na mahal mo talaga ako at hindi mo ako iiwan. Pagkatapos ay liligawan mo ko at magiging tayo. Tapos--"

"Hoy hoy! Ano yan? Anong klaseng dare yan?! Napakarami naman. Tapos.. tapos below the belt pa. Ayoko. Hindi ko yan gagawin. Bahala ka sa buhay mo. Maghanap ka ng iba. Wag ako." Madiin niyang sumbat. Tumagos yung mga huling salita niya sa dibdib ko. Tama na naman ang utak ko. Nasaktan nga ako.

Pinigilan ko ang nararamdamang pagkabahala. Iwinaksi ko ang sakit at pinilit kong huwag maiyak. Bakit ba sineseryoso ko ang mga sinasabi niya? Wala lang naman iyon diba? Think positive. Malalim akong huminga.

Lumapit pa ako sa kanya at hinawakan siya sa mukha. Hinarap ko ito sa akin at pinakatitigan siyang maigi. Gulong gulo ang ekspresyon niya pero hindi niya ako pinigilan sa ginagawa ko. Siguro ay naramdaman niya na seryoso ako.

"Sige na.. please?" Mahina kong sabi. Hindi ko na pinahaba. Baka kasi gumaralgal ang boses ko at umiyak na naman ako. Naiinis siya sakin kapag umiiyak ako.

"Baliw ka na talaga." Malumanay niyang saad at tinignan din ako. Tinanggal niya ang mga kamay ko mula sa mukha niya pero hindi niya ito binitawan. Sumaya nanaman ang sugatan kong puso.

"Sige na, friends na tayo. At inaamin kong mahal na kita. Hinding hindi kita iiwan. Nililigawan kita ngayon at sana sagutin mo na ako. Tayo na ba?" Dere deretso ngunit dahan daham niyang saad habang tutok ang mata sa akin. Hindi ako nakasagot. Pati paghinga ko ata ay tumigil.

Hindi ko namalayan ang unti unti kong pagtango. Umalpas ang isang luha mula sa mata ko. Ang sarap sa pakiramdam.

Binitawan niya na ako at umiwas ng tingin. Maya maya pa ay nag salita siyang muli. Ang sobrang saya ng pakiramdam ko ay mistulang naging bato at ang pag asa sa puso ko ay tuluyang nabaon sa kailaliman ng lupa.

"Oh tapos na. Nagawa ko na ang dare. Makakaalis ka na. Pero huwag mong iisipin na totoo ang lahat ng iyon. Ginawa ko lang kung ano ang sinabi mo." Mahina ngunit mararamdaman mo ang lamig sa kanyang pagsasalita. Nasundan pa ng mas maraming luha ang isang luhang umalpas kanina dahil sa saya pero ngayon ay dahil sa lungkot at katangahan.

Umasa na naman ako. Oo nga pala, instruction ko yun sa kanya. Sinunod niya naman lahat. Bakit ba kapag sa kanya na nanggaling ang salita ay sineseryoso ko agad? Sinasaktan ko lang ang sarili ko. At naiinis ako nang dahil sa katangahan ko.

Ayaw kong sumuko pero parang gusto nang bumigay ng mga tuhod ko.

Isang taon ko nang iniinda ang sakit. Isang taon na akong nag titiis. Nag papanggap na masaya kahit hindi.

Gusto ko nang sumuko. Wala na naman ata akong mapapala eh. Napapagod din ang tao. Pisikal at emosyonal.

Ngayon alam ko na. Akala ko magagawa ko ang lahat basta mahal ko siya. Basta nandiyan siya at malapit lang sa akin. Basta matatag ako at malakas ang fighting spirit. Pero hindi ko pala talaga magagawa ang lahat ng iyon ng mag isa. Kailangan ay kasama ko siya. Madali lang sana kung gugustuhin niya, magagawa pa sana namin kaya lang, nakakapagod rin pala. Nakakapagod umasa at magmahal ng isang tulad niya.

Ayoko na..



























J

ace's POV next update :) abangan!

Vote and Comment

Hidden Identity [COMPLETED] #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon