H I - hit 36

1.4K 39 1
                                    


Jace's POV

Papalapag pa lamang ang eroplano namin pero nakahanda na akong bumaba.

Ayokong mag aksaya ng oras. Gusto ko na siyang makita. Gusto kong kumapit siya sakin. Gusto kong sabihin sa kanya na mahal na mahal ko rin siya.

Gusto kong lumaban siya.

Hindi ko na hinintay pa ang mga kaibigan namin at sumakay na agad sa isang cab na nag aabang sa labas.

Tinawagan kong muli ang private imvestigator namin at itinanong kung saan dinala ni Steifen si Katrina.

Mabuti nalang at mabilis ang naging kilos ng tao namin.

"Sir." Tawag ni Doughrey.

"You couldn't possibly get in the hospital in an instant. Maraming gwardya ang nakabantay. They were strictly ordered not to let you in."

"What?! How could that be? Why would I be refrained from going in?" Dahil sa samu't saring emosyon ay naibaba ko agad ang telepono at hindi na nakapag paalam.

That Cortez! Ano bang problema niya? Bakit kailangan niya pa akong pagbawalang makita si Katrina? Kung alam ko lang na mangyayari to', minabuti ko sanang hindi na umalis kaninang madaling araw.

Naisuntok ko ang aking kamao sa likod ng upuang nasa harap ko. Napapitlag ang amerikanong driver.

"Sir, w-we're already here." Nag abot ako ng $1000 at hindi na naghintay pa ng sukli.

Tumakbo agad ako papasok ng ospital at hindi nga nila ako pinapasok. Nagpumilit parin ako hanggang sa pinalo ako ng isa sa kanila at tinulak palayo.

"I want to go in. This is a hospital for pete's sake. I need to go in." Tinitigan lang nila ako at hindi pinansin.

"Katrina!! Nandito lang ako.. hinding hindi ako aalis dito. Mahal na mahal kita, lumaban ka please. Huwag kang magpapadaig sa sakit na iyan. Mas malakas ka diyan. Please.. Katrina.. do not lose hope. Fight for yourself.. for me." Mula sa malakas na malakas na sigaw ay naging pahina ng pahina ang sinasabi ko.

Please Katrina.. kahit man lang mula rito ay madinig mo ang pagsusumamo ko. Please fight.

Napaluhod ako sa malapad na semento. Nakaramdam ako ng iilang pag patak ng tubig sa ulo at balikat. Hanggang sa bumagsak na ang malakas na ulan.

Hindi ako mapapatigil ng kahit na sino, kahit pa ang malakas na ulan. Maghihintay ako at mananatili sa tabi mo. Kahit anong mangyari, hinding hindi kita iiwanan.

"Alexander!" Sigaw ng isang babae. Nang makalapit ay napag alaman kong si Maria ito.

"Kuya.. ano bang ginagawa mo? You're already soaking wet. Please stand now at pumasok ka muna sa kotse ko." Hindi ako nakinig. Tinuon ko ang titig ko sa mga gwardya at sa buong ospital.

Kailangan kong makapasok sa loob.

"Kuya naman.. I only have one umbrella. Hindi tayo maaaring manatili dito sa labas. Halika na.." wala akong nagawa nang hilahin niya ako ng buong pwersa palayo sa entrada ng ospital at papalapit sa kotse niya.

Naipasok niya ako roon at siya naman ang sumunod. Nasa likurang bahagi kami ng kotse.

"What is happening to you? Dapat tinawagan mo nalang ako para natulungan kita. I received the message from Alliana. Buti nalang napadaan ako sa ospital ni daddy. This is ours. Tsk." Sumbat niya.

"Kung ganoon pumasok na tayo. Kailangan ako ni Katrina." Sabi ko agad.

"No. Malakas ang ulan. Buti nalang at nakarating kayo dito ng safe. May bagyo ngayon dito." Sabi niya.

Hidden Identity [COMPLETED] #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon