Jace's POVHindi ko siya nilingon kahit na nabahala ako dahil sa bigla niyang pag tahimik. Naramdaman ko nalang na umangat na ang pwesto ng kama ko kung saan siya kanina nakaupo. Umalis na siya.
Sa totoo lang ay naguguluhan ako. Hindi ko alam kung bakit parang may biglang kumirot sa dibdib ko nang umalis siya mula sa kwarto ko.
Noong ginawa ko ang gusto niya, I feel like I wanted it to be true. Pero inalis ko yun sa isip ko dahil alam kong si Serina parin ang nilalaman ng puso ko.
Naisip ko na ngang mag propose sa kanya one of these days dahil napapansin ko narin ang pagpaparamdam niya sakin. Parang gusto narin niyang mag settle down and of course, with me.
Hindi pwedeng maguluhan ako sa nararamdaman ko. I know I love Serina. At si Eunice? I hate her. Ilang beses ko na bang sinabi yun? Marami na at wala rin akong patid sa pagpaparamdam sa kanya na ayaw ko siyang makasama. Ayoko siyang umaaligid sa akin. Ayaw ko ang pagiging madaldal niya. Ayoko ang paraan niya ng pag aasikaso sa akin. Ayokong pinipilit niya parin sakin na alalahanin ang nakaraan ko kahit na hindi na naman ako interesado pang alamin iyon. Sa madaling sabi, ayoko sa kanya at wala akong balak na bigyan siya ng pansin o pagpapahalaga.
Kasi para sakin, tulad lang siya ng mga babae sa university na pilit nagpapapansin sa akin.
Binansagan akong bad boy dahil wala akong ibang ginawa kundi ignorahin sila at magpakita ng seryosong mukha. Wala akong pakialam sa mga nararamdaman nila. Wala akong pakialam sa kanila.
Muling pumasok sa isip ko ang kaunting alaala na naging sanhi ng pagsakit ng ulo ko kanina.
I'm having lunch or dinner with her. I don't know what time it exactly happen but I'm sure siya lang ang kasama ko noong mga oras na iyon.
Pagkatapos noon ay hinila niya ako paupo sa sofa. The place is familiar. I think we're inside my condo that time.
Kinuha niya ang first aid kit ko sa aparador at sunimulan na akong gamutin. Pagkatapos noon ay wala na akong ibang naalala.
Ganoon ba talaga kami ka-close noong mga panahon na iyon? Pero bakit parang sinasaktan niya ako bago kami kumain? Imposible namang girlfriend ko talaga siya at may nagawa akong mali o naghinala siya kaya niya ginawa iyon? O baka naman nakipag suntukan ako dahil malinaw ang sinabi niyang may maliit akong cut sa kilay at putok ang kabilang side ng labi ko? Ang gulo.
Inihilamos ko ang dalawang palad ko sa mukha ko.
*phone ringing*
"Serina.." bungad ko ngunit may himig na pagod.
[Babe.. I miss you.] Napabuntong hininga ako.
Kung si Eunice ay ubod ng pagka maasikaso, kabaligtaran niya si Serina na walang pakialam o parang walang nahihimigang sakit o pagod mula sa kausap.
"Why?" Sabi ko nalang. Baka may kailangan na naman.
[bar tayo?] Napasandal ako sa headboard ng kama ko at matamang tinitigan ang kisame.
"I'm tired. I want to sleep more." Mahina kong sabi sa kanya.
[KJ mo naman! Sige na, wag na. Kami nalang nila Trisha.--] sabi niya sabay baba ng tawag.
Tamad kong inilapag ang phone ko sa may side table.
Serina told me she's sorry. Dahil daw wala siya noong mga panahong kailangan ko siya. But actually, hindi ko naman siya hinanap o tinanong man lang. Um-oo nalang ako sa kanya.
Nagkabalikan daw kami bago ako pumunta sa America. Sinabi ko pa nga raw sa kanya na pinlano kong mag propose pagbalik ko galing America. Sobrang nag alala daw siya noong malaman niyang naospital ako. But I doubt that. Tulad nga ng sabi ko, hindi marunong magpahalaga si Serina. Pero mahal ko siya eh kaya pinagbigyan ko na.
BINABASA MO ANG
Hidden Identity [COMPLETED] #Wattys2017
Teen Fiction#Wattys2017 Paano nga ba maging isang good boy ang badboy? Is there any possibility? How about a nerd, into a princess? Magiging kapansin pansin kaya siya? Lahat naman ng tao ay may angking kagandahan. Hindi ibig sabihing nakilala nila tayo sa ganit...