50

2.1K 47 2
                                    

#Wattys2017

Katrina's POV

I never thought that this day would actually come.

Ikakasal na ako. At sa lalaking noon ay kaaway ko pa. Kakaiba talaga kapag puso na ang nagdidikta.

"Ready Ms. Cortez?" Tanong ng assistant namin. Tumango lang ako sa kanya at ngumiti.

Plinano naming ganapin ang aming kasal sa isang pribadong isla na pag mamay-ari ng pamilya nila Jace. It took us another year to settle it down and to reach this moment, our wedding day.

Nagpatayo ng isang hotel-like structure si Jace na siya mismo ang nag disenyo. May tatlo itong palapag at nakapwesto ito sa gitna mismo ng isla. Everything is so pleasant. Napakaganda ng tanawin dito. Its like a dream come true.

I was on the second floor of the building. Dalawa ang kwarto dito sa taas. At pinili talaga naming magkatabi kami kapag maghahanda na. We were still on the go to the belief that the couple shouldn't meet before the start of the wedding. Kaya naman, naglagay kami ng speaker-like structure sa pader na naghihiwalay sa amin. Kapag tinapat na namin ang bibig namin roon at nagsalita, maririnig agad ng nasa kabila dahil para itong mag e-echo na mas lalong nagpaganda sa pakiramdam naming dalawa.

Sa taas gaganapin ang kasal at sa baba naman ang reception. You may really call it just exclusive for wedding ceremonies. Ito talaga ang disenyong ginawa niya para kakaiba kami sa lahat.

It felt like everything was so perfect.

Ganoon naman daw talaga kapag espesyal na araw mo na.

Tinignan ko ang repleksyon ko sa salamin. I'm wearing a wedding gown exclusive only for me. Alliana was the one who designed it. And I admit I was mesmerized by it. Parang telang dahon ang disenyo sa may dibdib nito hanggang sa may bewang. Parang isang higanteng dahon naman sa pang-ibaba. Open ito sa harap mula tuhod pababa habang nagpatuloy ang haba nito sa likod. Natatakpan parin ang harap ng isang transparent cloth na kasing kapal ng isang veil. I had a flower crown on top of my head and my hair was braided.

Para tuloy akong dyosa. Haha

Purong puti ang suot ko at ganun din ang kay Jace. Yung design lang talaga ang kakaiba. Walang halong ibang kulay pero halata ang magandang ukit ng disenyo rito.

"My princess is now getting married." Naiiyak na saad ni Daddy Sander. Niyakap ko siya at nginitian pagkatapos.

"Dad.. it is really nice to be with you at this time of my life. Alam kong masaya rin si Mommy sa nakikita niya ngayon. Don't cry dad, nandiyan pa sina kuya para inisin at galitin ka." I tried to lighten the mood. Natawa nalang kaming pareho. He led me upstairs as our wedding march started. Sumusunod lang din kami sa ritmo ng tugtugin.

Nang makaakyat na kami ng tuluyan ay sinalubong kami ng katahimikan. Everyone is staring at us. Habang hinahatid ako ni Dad sa taong makakasama ko habang buhay.

Mommy Iyana and Daddy Karlo were also invited. Naging magulang parin sila sakin. And I'm thankful for the both of them. Kahit pa may mga naging pagtatalo kami, tapos narin naman iyon.

I saw Jace standing beside my brother, all smiling at me. Parang tumigil ang ikot ng mundo namin at tanging kami nalang ang natira sa gitna ng lugar. Patuloy parin akong naglalakad sa white carpet. A tear fell down from my eye. Sobrang saya ko. At hindi ko magawang ma-explain iyon dahil wala na atang mas sasaya pa sa nararamdaman ko ngayon. And I know deep within me that we both feel the same way.

Iniabot na ni daddy ang kamay ko kay Jace. Yumakap siya rito at sinabing ingatan ako. I kissed his cheek before he left me with Jace.

Steifen is Jace's Best Man. Yes. Hahaha kahit naging isang malaking pader samin ang kuya ko, alam niyang para rin naman sa kabutihan namin ang mga ginawa nito. They settled things out and you could already call them best buddies now.

Hidden Identity [COMPLETED] #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon