Katrina's POVGood Morning Philippines!!
Ngingiti ngiti akong bumangon at dumeretso sa banyo. Nag hilamos, toothbrush, in short, ginawa ko na ang routines ko tuwing umaga.
Naligo narin ako at masayang pumunta sa dining area.
"Good Morning Kuya!" Bati ko kay Steifen na nagkakape na sa lamesa. Hinalikan ko siya sa pisngi at tumabi na sa kanya at nagtimpla ng sarili kong gatas.
"Ang saya mo ata ngayon. Maayos na ba ang pakiramdam mo?" Tanong niya at sinipat ang leeg ko. Ngumiti lang ako at tumango.
"Si Jace pala kuya?" Tanong ko naman sabay inom sa baso ko.
"Kaaalis lang. Bakit?" Tipid niya sagot at pinagpatuloy ang pag b-browse sa ipad niya.
"Ay. Hindi man lang ako hinintay magising." I pouted with the thought. Pero deep inside ang saya ko talaga.
Magaling na agad ako at dahil iyon kay Jace. Yakapsul lang sapat na sakin. Hindi pwedeng kisspirin kasi baka mahawa siya sa lagnat ko.
Naalimpungatan ako nang makaramdam ng pagkakadagan sa may bewang ko. Medyo mabigat. Tumingin muna ako sa orasan sa may side table ko bago alamin kung ano 'tong mabigat na bagay na nakapatong sa bewang ko.
Pero bago iyon ay hinanap agad ng mga mata ko ang pigura ni Jace. Bakit wala siya dito? Akala ko ba babantayan niya ko?
Umasa na naman ba ako sa wala? Nakakainis naman.
Nilingon ko ang matigas na bagay na parang sinisiksik ako. My eyes grew wide when I saw Jace beside me. Siya pala ang matigas na bagay--tao na nakasiksik sa gilid ko. I felt my face heated up. He's sleeping beside me and his hand was placed on my waist. So that explains the feeling of being leaned on.
Bigla siyang gumalaw at nagmulat ng mata. Aish. Sayang. Gusto ko pa sanang i-cherish ang moment na 'to. How did he end up here?
"I tought you might want a hug from me." He huskily stated. Shocks. I'm so kinikilig right now. I literally can't breathe. Ahhhhhhh.
"I would love to.." bulong ko. Hihi
I heard him smirk. Tumayo na siya at inayos ang pinaghigaan niya. Kinuha niya ang basang lampin na nakapatong sa noo ko at binanlawan iyon sa maligamgam na tubig na may alcohol. Tinupi niya ulit iyon at pinatong muli sa ulo ko.
"Kukunin ko lang ang pagkain mo sa baba. Stay still." He ordered.
Sinubuan niya ako kahapon pati dinner ganoon din. Maya't maya niya akong sinisipat at binabanlawan ang lampin sa ulo ko.
Nginingitian niya ako at hinahawakan din niya ako ng hindi nagrereklamo. Heaven!!
"Sandra! Nananaginip ka na naman diyan." Sambit ni kuya na nakapag pabalik sa akin sa kasalukuyan. How I wish na lagi nalang ganoon kaalaga at ka-sweet si Jace sa akin. Hayyy.
"Oo nga pala. Sasabay ka ba sakin pauwing America?" Tanong niya at tumayo upang hugasan sa sink ang pinag gamitan niya.
"Plano ko sana.. Namimiss ko narin kasi si Daddy, si kuya Sam at si kuya Sandro." Sabi ko. Nakita ko namang bigla siyang napangiti.
"Tamang-tama. Ikukwento ko sa kanila ang achievement ko dito sa Pilipinas." Tuwang tuwa niyang saad. Tss. Si kuya talaga.
Ginulo niya ang buhok ko at hinalikan ako sa noo.
"Kuya naman ehh.." sabi ko at hindi narin napigilan ang pag ngiti.
Tumayo ako at niyakap si Steifen. He hugged me back. Filling the days we neglected to act like siblings. Mas nararamdaman ko na ang pagiging kuya niya sakin.
BINABASA MO ANG
Hidden Identity [COMPLETED] #Wattys2017
Teen Fiction#Wattys2017 Paano nga ba maging isang good boy ang badboy? Is there any possibility? How about a nerd, into a princess? Magiging kapansin pansin kaya siya? Lahat naman ng tao ay may angking kagandahan. Hindi ibig sabihing nakilala nila tayo sa ganit...