39

1.4K 34 0
                                    

Vote and Comment. :)







Jace's POV

Nanatili akong nakaupo at tuon ang buong pansin sa nilalaro. Buong buhay ko, ngayon ko lang naramdaman kung gaano kasarap ang paglalaro.

I realized a lot of things. Mga bagay na nakaligtaan ko noong kabataan ko. Hindi naman siguro masama kung maglalaro parin ako ng xbox kahit na 20 na ako.

In fact, I don't feel being like it. Sayang ang isang taon ko. Bakit kasi hindi ko nagawang bumalik agad sa huwisyo? Tss.

Bwisit pa ang isang 'to.

"Ander, you still have theraphies to undergo. Kailangan nandoon na tayo by 9 in the morning." Pagpapaalala na naman niya. She's always like that. And I hate it. I hate her. Simula noong una ko siyang nakita sa ospital. Kung malakas lang ako nung mga oras na iyon, baka naitulak ko siya dahil sa pagyakap niya sakin.

Tuwing nandiyan siya ay parati nalang akong nakakaramdam ng inis. Naiirita ako tuwing naririnig ko ang boses niya lalo na kung ano ang itawag niya sa akin.

Ander is an endearment of a past friend of mine. Rin-rin used to call me that before when we're still kids. Hanggang ngayon parin pala ay hindi ko siya nakalimutan. I hope she's doing well.

"Go away." Pagtataboy ko. Istorbo lang siya sa paglalaro ko.

Simula ng magkabati kami ni mommy ay parang nagkaroon ako ng urge na gawin ang mga bagay na hindi ko kailan man nagawa noon.

"Aish! Ang kulit mo talaga. Tumayo ka na diyan at maligo ka na. We'll be going after an hour." Sabi niya. Tss. Bahala siya diyan.

"Tigilan mo na nga ako. Sila mommy nga hindi ako kinukulit sa theraphy na iyan pero ikaw! Tsk. Nakakairita ka na. Wala narin namang saysay kung pipilitin kong alalahanin ang nakaraan. Afterall, I gained my mother back. May pamilya na ulit ako. At isa pa, sigurado akong wala nang iba pang mahahalagang bagay akong nakalimutan. And to tell you frankly, hindi ko narin gugustuhin pang maalala ka dahil sa tingin ko ay isa ka sa mga naging malaking balakid sa buhay ko. Ang kulit mo at--" napatigil ako sa paglilitanya nang makarinig ng bahagyang paghikbi. I paused the game I'm playing. Istorbo talaga.

I looked at her with hopelessness. Ayoko mang aminin pero parang nakaramdam ako ng gulit. Masyado ata akong nasobrahan sa pagsasalita. Pero may mali ba sa sinabi ko? I'm just being truthful. Buti nga sinagot ko pa siya.

"Stop crying. Sige na, sa baba ka na maghintay." Tumango lang siya sa sinabi ko at umalis narin habang nagpupunas ng luha sa mukha.

Tsk. That girl. Naiinis na naman ako.

Mabilis lang akong nakaligo at nakapag bihis. Kahit labag sa loob ko ay sumama na ako sa kanya patungo sa doktor ko.

"Iniinom mo ba ang mga nireseta ko sayo?" Mahinhing saad ni doktora Cruz.

Tango lang ang isinagot ko.

"Okay. Then tell me, how are you?" Here comes this question again. Paulit ulit nalang ba?

"I'm very very okay doc, and I find this too pushy already." Pag amin ko. Bumuntong hininga siya at binigyan ng sulyap si Eunice na nakaupo sa sofa ng office niya. Nakita kong tumango lang si Eunice.

"How about when you sleep? Or in times of aloneness, have you remembered anything?" Tanong niyang muli.

Napaisip ako.

"As of now, wala. Yun parin ang tangi kong naalala. Galit ako nang mga oras na iyon at may kaharap akong isang pangit na nerd at muntik ko na siyang masuntok sa mukha." I said. Okay lang naman kay doc ang pagiging straight forward ko. Mas madali daw akong makakaalala kung isasatinig ko lahat ng naisip ko naramdaman ko.

Tumango tango siya.

"I'm going away for three weeks. So ire-reschedule ko nalang ang mga susunod mong theraphy this September. Okay lang ba?" Anunsyo niya. Nag ayos na siya ng mga gamit at ako naman ay handang handa nang umalis.

"Of course. No biggy." Sabi ko at nagbigay ng malaking ngiti. Sa wakas. 1 month akong magkakaroon ng free will. Iimbitahan ko talaga sila Aris at Ralph sa mansyon mamaya para mag celebrate.

Nang marating namin ni Eunice ang mansyon ay agad na akong bumaba mula sa kotse niya. Isa pa ito sa mga nakakairita sa kanya, dapat ako ang nagmamaneho kung may pupuntahan man kami. Para kasing natatapakan ang pride ko kapag babae pa ang nagmaneho para sakin.

Pero diba dapat hindi ko na gawing big deal iyon? She's just a nuisance. Istorbo. Panggulo. I guess that serves her right.

"Ander." Tawag niya sakin. Napasuklay ako sa buhok dahil sa inis. Nilingon ko siya nang mayroong kunot na kunot na noo.

Nilapitan niya ako. Tinitigan. Hindi naman ako nagpatinag. Pero sa isang iglap lang ay hawak niya na ako sa batok at malaya niya akong nahalikan. This isn't my first kiss. But I'm a very reserved person. Ang alam ng mga kaibigan ko ay wala pa akong ibang nahahalikan kahit ang dati kong girlfriend.

Hindi agad ako nakapag react. I felt stiff. Then I just found myself responding in her kisses. It was passionate and tender. Pero nang mabalik ako sa tamang katinuan ay naitulak ko siya bigla dahilan upang mapaupo siya sa sahig. Nakita ko ang pag ngiwi niya pero hindi niya inialis ang tingin sa akin.

Aby was my first kiss. Hindi ko alam kung ilang beses ko na siyang nahalikan sa labi. Pero hindi lumagpas doon ang napagsaluhan namin.

Isa pa, hahalik lang ako sa taong gusto ko. Hindi sa basta basta lang. At naguguluhan ako sa sarili ko dahil parang naging pamilyar sa akin ang mga halik ni Eunice. Napailing ako sa aking naisip.

Hindi ko namalayang nakatayo na pala siya at mataman akong pinagmamasdan.

"Don't you ever do that again." Pagbabanta ko sa seryosong boses. Humalukipkip siya at lumamlam ang mga mata.

"Not until you say so." Sabi niya at ngumisi sabay alis sa harap ko.

I felt my face heated in an instant. Sa sobrang inis ko ay nasipa ko ang gulong ng kotse niya. Sumunod ako sa kanya papasok sa sarili naming mansyon.

Hindi ko mapigilang mapaisip. Ano kayang iniisip ng babaeng yun? Bakit kasi ako tumugon? Napasabunot ako sa sarili ko ng wala sa oras.

"Hinding hindi ko na talaga uulitin iyon." Sabi ko sa sarili ko habang naglalakad ng may kunot sa noo.

Hidden Identity [COMPLETED] #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon