Katrina's POVMinulat ko ang aking mga mata nang masigurong nakalabas na sila. Madaling araw palang ah? Anong gagawin nila?
"How is she?" Narinig kong tanong ni Jace. I'm sure of that voice. Pero ang hirap parin mapakinggan. Gusto kong lumabas kaya lang baka magalit sila pareho.
"What is happening to her? May.. sakit ba siya?" Napatigil ako sa mga huling salitang sinabi ni Jace.
Wala akong sakit. Pero.. hindi ko pa talaga alam. Hindi ako sigurado.. Afterall, si Steifen palang ang nakakausap ng doktor ko.
"She's fine. Kailangan niya lang kumain pa ng mas maraming healthy foods. Ilalabas ko siya dito mamayang umaga. So you better leave and go home. I'm the one incharge of her. Ako na ang bahala." Narinig kong sagot ni Steifen. I felt relieved. Napabuntong hininga ako. Buti naman at maayos ang kalagayan ko. Ayokong mag alala sila ng husto, lalo na si Jace.
Minabuti kong bumalik na sa kama at magpahingang muli. Wala narin kasi akong narinig pagkatapos no'n.
Ilang minuto palang ang nakalilipas nang makaramdam akong pananakit sa ulo.
"Agh.. a-anong.. nangyayari...." napahawak ako ng husto sa ulo ko. Pinilit kong abutin ang emergency button sa gilid ng kama ko.
Ugh.. masakit.. sobrang sakit.
Kasabay ng pagpindot ko ay nawalan na ako ng malay.
"I'm going to bring her abroad. Thank you for your assistance, Dr. Mendez."
"I hope for her better recovery. Mauuna na ako." Narinig kong muli ang pagsara ng pinto.
Unti unti akong nagmulat ng mata.
"How do you feel? May masakit pa ba sayo?" Bungad agad sakin ni Steifen nang mapalingon ako.
Umiling lang ako at tumitig sa kisame.
I hope for her better recovery. Mauuna na ako.
I hope for her better recovery. Mauuna na ako.
I hope for her better recovery. Mauuna na ako.
What.. does that mean?
"Steifen.." sambit ko habang nakatitig parin sa kisame.
"Hm.."
"Anong sakit ko?" I bluntly asked.
I have the right.. to know.
"Uh..hm.." narinig ko ang pagsinghap ni Steifen. Lumingon ako sa kanya. Nakatingin lamang siya sa akin.
"You.. were diagnosed for brain cancer. I guess history repeats itself." Nakayuko niya saad.
Another confusing answer.. but a very hard truth to believe.
Diagnosed for brain cancer?
"Jace.." kasabay ng pagtawag ko sa kanya ay ang sunod sunod kong pagluha.
Iyak lang ako ng iyak habang si Steifen naman ay wala nang nagawa kundi mag abot ng tissue sa akin. I know he understands me.
Kahit man lang sa pag iyak ay mailabas ko ang sakit na nararamdaman ko sa dibdib.
Umamin na ako kay Jace diba? Pero bakit parang mapupunta lang sa wala?
Bakit ako pa? Bakit hindi nalang.. bakit hindi nalang wala.. bakit kailangang magkaroon pa ako ng sakit? At.. cancer..
BINABASA MO ANG
Hidden Identity [COMPLETED] #Wattys2017
Teen Fiction#Wattys2017 Paano nga ba maging isang good boy ang badboy? Is there any possibility? How about a nerd, into a princess? Magiging kapansin pansin kaya siya? Lahat naman ng tao ay may angking kagandahan. Hindi ibig sabihing nakilala nila tayo sa ganit...